Huwebes, Setyembre 1, 2016

Yosi-break

Bago ko itapon ang nauubos kong marlboro black, naalala kita. Naalala ko ang mga gabing pinagsasaluhaan natin itong brand na to kahit ayoko ng dulot nitong lamig.
Naalala ko na ang pagsindi natin nun ay sumisimbolo ng katapusan. Pagtatapos ng klase, tapos ng kumain o kaya'y magkape.
Hinithit at ninamnam ko ang lamig na dala ng marlboro black na hawak ko hanggang sa tuluyan itong masaid. Pinakawalan ko kasabay ng usok ang mga lihim kong pagnanasa na sana'y magkaroon uli tayo ng panahong pagsaluhan ang bisyo nating ito.
Ipinatangay ko na sa hangin ang lahat ng natitirang alaala mo sa isip ko, kasama ng mga upos.
Itinapon ko na lahat ng pinanghahawakan kong pag-asa gaya ng pagtatapon mo sa mga basyo ng sigarilyo.
P.S - Gusto kong sabihin sayo na hindi ako magpapalit ng brand. Sanay na ko sa lamig. At dahil alam kong sa susunod kong pagsindi, hindi na ikaw ang maaalala ko.

3 komento:

  1. Bumili ako ng isang box. Pero di ko pa nabubuksan. Natatakot akong simuan. Baka magtuloytuloy.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wag mo ng simulan sir. Para walang tatapusin xD

      Burahin
    2. Sinimulan ko. Haha. Pero kaya naman tapusin kapag kailangan. Mas disiplinado at may kontrol ako kesa sa ineexpect ko sa sarili ko. Naka isang stick pa lang simula ng binuksan ko. O ha! :)

      Burahin