Biyernes, Abril 3, 2015

Salamat :)

Tadaaaa. Naabot ko na pala ang ika-100 kong post ng hindi ko napapansin. Kaya pa-flashback friday muna ako kahit sabado na.


Napadpad ako dito sa blogspot mga bandang May. Kakabreak lang namin nun nung girlfriend ko. Sa totoo lang sya yung unang nakadiscover ng blogspot tapos shinare nya lang sakin.

Naghahanap ako ng mababasa nun ng mapadpad ako sa page ni Espasyo. Naging interesado ako sa mga sinulat nya kasi nabasa ko yung pangalan ni Pablo Neruda sa isa sa mga blog nya. (Laging nakukwento ng kaibigan ko yung mga tula ni Pablo Neruda)

Pagkatapos nun nagbasa ako ng mga comments. Inisa-isa ko yung mga profile at binasa yung mga entries. Doon ko nakita ang page nila Jep Buendia (Korta Bistang Tibobos) Limarx, Panjo (Tuyong tinta ng ballpen) Saka yung hiram na kaligayahan. 

Naaaliw ako sa mga kwento at mga experience nila na kanilang sinusulat. Nagsimula rin akong sumulat matapos kong mabasa yung mga gawa ni ate Essa (Babae pala si Satanas) Feel na feel ko talaga yung mga sinusulat nya. Wala lang. Kaya nafeel ko ding magsulat. 

Nang kalaunan, nakita ko na din ang page nila Yccos, (kasi sya yung laging nagcocomment sa mga sinusulat ko na gustong-gusto ko sanang replayan hindi ko lang alam kung pano, kasi nakita ko yung mga iba in character talaga pagnagcocomment haha) Nabasa ko rin yung mga afterthoughts ni Overthinker na palaboy. 

Since eto yung ika-100 kong post, gusto kong magpasalamat sa inyo (pati na dun sa mga hindi nabanggit, madami kasi talaga namili lang ako nung mga pinaka tumatak sakin xD) kahit na hindi pa tayo nagkikita-kita at hindi naman talaga magkakakilala eh naging parte kayo ng buhay ko (naks me ganun) Lalo na dun sa moving on part ko. HAHAHAHA.

Muli salamat. Yey!

4 (na) komento:

  1. Before Lang Leav, there's Pablo Neruda.. :D :D But it's always gonna be Pablo Neruda.

    Lol. Thank you as well for opening up your thoughts. The blogworld is a universe of its own and you can be anyone you want to be but might as well as be the real you !

    Congratulations on Moving On.

    TumugonBurahin
  2. Yey! ***Nakikidama ako ng saya hahaha.
    Ipagpatuloy mo lang :)

    Bago sa akin si Pablo Neruda ah, ma-search nga yan :)
    Halos pareho lang tayo ng mga blogs na sinusubaybayan,
    sana ay mapalawig pa natin ang kani-kaniyang blogosphere!

    TumugonBurahin
  3. Keep blogging :) Hopefully ma achieve ko din ang 100 blog posts soon :)

    TumugonBurahin
  4. 1) Maganda yung blog na nagyaya sa'yong humakbang palapit sa blogging: ang Espasyo. Yan ang takbuhan ko tuwing gusto kong magpakalunod sa sakit (Sorry naman daw sa masokista tendencies ko).

    2) Magaling si Pablo Neruda. Maraming sawi ang idol si Pablo Neruda. *cue in Tonight I Write the Saddest Lines*

    3) SALAMAT. Alam mo 'yan. SALAMAT :)

    4) Malaki ang mundo ng blogging. Nasa isang sulok lamang tayo. Nakita ko ang blogroll mo, maraming mahuhusay. Katulad mo'y naghihintay akong sumulpot ang mga "luma". May kakaiba sa paraan ng panulat ng mga bloggers na nag-peak ang "career" around 2010 - 2012. Naging kaibigan ko na ang iba sa kanila sa personal --- hayaan mo, pag nakagawa ng paraan na magparamdam sila'y ituturo kita sa mga kwebang pinagtataguan ng mga hinayupak na bloggers na tinutukoy ko (lol).

    5) At dahil naka-100 posts ka na, at more importantly eh naka-move on ka na, maganda na sigurong pag-isipan kung paano mo huhubugin yung laman ng blog mo from here on. O pwede kang maging tulad ko ---- forever chill and pained. HAHAHAHA! Congratulations! Mabuhay ka!

    TumugonBurahin