Martes, Hulyo 8, 2014

Fail

Madami akong gustong sabihin sayo. Tungkol satin. Tungkol sa pang iiwan mo sakin. Pero ngayong heto ka na sa harap ko, nakangiti. Wala na kong masabi. Hinahagilap ko muli yung mga salitang hinanda ko sa ganitong sitwasyon pero wala. Nalimutan ko lahat. Lahat ng lungkot, pait at galit na nararamdaman ko.

Lumapit ka sa akin. Itunulak mo ko sa may upuan. Wala kang sinasabi. Pero nakikita ko ang mata mo. Nangungusap. Pumikit ako at ayun na. Hinalikan mo ko. May diin. Lumaban ako. Pero mas lalo mong diniinan ang mga labi mo. Pinapakita mo na ikaw ang boss sa atin. Yung dila mo katulad mo din. Mapag laro. Umiikot-ikot sa loob ng bibig ko. Dagdag nanaman sa alaala to na maglalaro sa isip ko.

Napahiga na tayo sa upuan. Napayakap na lang ako. Matagal-tagal ding walang ganito. Pakiramdam ko sabik na sabik ka sakin. Kung sana ganyan ka din kasabik kapag nagkikita tayo dati o kaya naman ay pag magkateks naging masaya sana tayo. 

Di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Masyadong mabilis. Basang basa ka na. Ng luha. Naiyak na pala ako. Napakasakit pala ng ganito. Yung hinahalikan ka ng taong nang iwan sayo. Hindi dahil gusto nyang makipag ayos. Gusto lang makapag paraos. 

Pumunta ako sa inyo ngayon para mag paalam. Pano ako mag papaalam ng ganito? Nalaman kong sabik na sabik ka sakin. 

Hinubad mo yung suot mo. Tapos ay tuloy ang halik mo sa akin. Unti-unti din akong naghubad. Parehas nating nalaman na naging malungkot ang buhay natin nung naghiwalay tayo. Kaya ngayon naisip siguro nating magpakasaya. 

Pinaghiwalay ko ang dalawang hita mo at nagpakumbaba. Humingi ako ng tawad sa panahong pinapagawa ko sayo ang mga bagay na di mo kaya. Marahang sabunot lang ang naisagot mo sa akin. Pakiramdam ko ay galit ka sa akin. Lalo mo akong idiniin sa aking pagpapakumbaba. Hindi na ako halos makahinga. Maya maya ay ok ka na. Siguro ay nailabas mo na lahat ng galit mo sa akin.

Bumangon ako para ayusin ang sarili. Sa hinaba haba ng relasyon natin lagi kang nasusunod. Ngayon ay sinubukan kong guhin yun. Pinilit kong muling pumasok sayo. Sa buhay mo. Mahirap. Nakita ko sayo ang paghihirap. Napaigtad ka sa sakit. Marahil puro talaga pasakit ang bigay ko sayo. 

Pero hindi ako yung taong sumusuko sa isang pagkabigo lang. Pinilit ko muli na magkaayos tayo. Wala na akong puwang sayo. Masyadong masikip. Maliit ang pag-asa. Sumuko ako. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan.

Muli akong nagpakumbaba at humingi ng tawad. Niyakap mo ko. Mahigpit. May pang aalo. "Magiging ok ka din" sabi mo sa akin.

Pumunta ako sa inyo para makapagsabi ng nararamdaman ko simula ng iniwan mo ako. Para maging ok ako. Pero wala akong nasabi. Yung kalungkutan, poot, galit at pait hindi ko nailabas. Nadagdagan pa ng init ng katawan. 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento