Biyernes, Setyembre 12, 2014

Para kang =3


Hindi ko na mabilang kung ilang taon ko ng sinusubaybayan ang =3 ni Ray William Johnson. Nagsimula ako nung nasa dorm ako. Nanghihiram ako ng laptop para mapanood ang mga luma nyang video. Kapag hindi ako nakahiram, nagrerent ako ng PC at nagtyatyaga sa mabagal  na internet. Umuubos ito ng 4 na oras ng buhay ko na kung tutuusin ay katumbas ng paglalaba ng mga labahin ko, pag-aaral ng leksyon, pagpa-practice ng chess o kaya naman ay pagtulog. Alas diyes ng gabi kasi ako nagrerent.

Masyado akong naging interesado sa host ng =3 ng malaman ko na sya ay isa ding History Major. Simula nun, hindi lang ang =3 ang sinubaybayan ko kundi ang buhay nya at iba pang ginagawa. Mula sakanyang Vlogs (Video blog), mga chismis tungkol sa kanya, upcoming projects at iba. Naging masugid akong taga subaybay ng kanyang mga ginagawa. Yung mga marsian songs nya katulad ng stalking your mom at Nerd rage. Top web series nya na Riley Rewind, Pod Cast ay hindi ko pinapalampas. Pati ang love life nya ay alam ko. 

Nainspire ako kay Ray na gumawa ng mga bagay na gusto ko katulad ng pagsulat. May dalawa syang segment na kung saan ay nakikipag-inter act sya sa kanyang mga audience, at ang lagi nyang payo, do what makes you happy. Madaming nagsasabi ng ganun, kahit si Marcelo Santos ay sinasabi yun, pero sakanya lang yung may dating para sa akin. 

Nung mayo ay dumanas ng matinding break up ang aking idol. After two years ay naghiwalay sila ng kanyang kasintahan na isa ring youtube sensation. Na sobra akong nakarelate. Dahil ganun din ang nararamdaman ko nung mga panahong yun. 

Iniwan nya ang =3, tinigil ang podcast. Wala na rin ang mga Martian Songs nya. 

Dahil sa pag-alis nya sa =3 ay pansamantalang natigil ang show. Binalak nya pa itong ibenta. Mabuti na lamang at hindi natuloy. Makalipas ang dalawang buwan ay nagkaroon ng bagong host ang =3. Si Robby Motz. Hindi maiwasang maikumpara, dahil sa tagal ko ng pinapanuod ang =3, pero sobrang layo nya kay Ray pero naiintindihan ko naman yun. Dahil ganun din nag simula si Ray. 

Kaya sa huli ay hindi ko parin iniwan ang =3. Mahabang panahon ang pagsubaybay ko dito at kahit anong pagbabago man ang mangyari sa show na ito ay hindi ko to titigilang panuorin, kahit na hindi na sya ganun kasayang panuorin katulad nung dati.

Parang sayo... kahit na hindi na ganun kasaya, sinusubaybayan parin kita, hindi dahil nasanay na ako sa ginagawa ko, pero katulad ng =3, gusto pa rin kita. Kahit ano mang pagbabago ang naganap sa atin. 


3 komento:

  1. #stalkermode lol.

    Ganun talaga, eventually, you will completely let go. Sabi nga, we can never stopped caring for someone we used to share our lives with. However, once your heart starts beating for someone new, you will let go. For now, enjoy the freedom you have in looking at that love from afar! Happy stalking!!! Lol

    TumugonBurahin
  2. Opo, sabi nyo nga po, 'kaya ko to' HAHAHA :D

    TumugonBurahin
  3. Oo! i-kembot mo lang yan pag-eemo mo... pwede ring gawing time para ligpitin ang bed :P hahaha

    TumugonBurahin