Matagal-tagal ko na ding hindi nagawa tong mga bagay na to. Una yung kausapin yung sarili ko pangalawa mag isip ng mga joke o ng mga bagay na sa tingin ko ay ikakatuwa ng iba.
Nasanay kasi akong may kausap lagi kaya hindi ko na nakakausap ang sarili ko, minsan tuloy hindi kami nagkakaintindihan. Healthy nga daw ang pakikipag usap sa sarili sabi ng isa sa mga propesor ko. Naalala ko meron pa kaming ginawa noon na susulatan mo yung sarili mo, sasabihin mo lahat ng gusto mong sabihin at pagkatapos ng limang taon hanapin daw namin siya para kunin sakanya yung mga sulat namin sa aming sarili.
Yung tungkol dun sa pag iisip ng joke, ewan ko ba lately naging malungkutin ako at hindi ko makuhang tumawa o magpatawa. Na wala naman sa personalidad ko ayon sa mga kaibigan ko.
Kaya netong mga nakaraan, kinakausap ko na yung sarili ko. Dun ko nalaman na napaka lonely ko talaga. Biro mo sumasagot ako sa sarili ko?
Eto yung ilan sa mga napag uusapan namin.
Tinatanong ko yung sarili ko tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko maipaliwanag o kaya naman yung tungkol dun sa mga walang kwentang tanong. Katulad ng,
1. Bakit kapag mabilis eh sinasabing 'mas mabilis pa sa alas kwatro' at kapag mabagal eh inabot daw ng 'siyam siyam'
Kanina sa kalagitnaan ng klase ko nasagot ko yung tanong na yan. Kaya mas mabilis pa sa alas kwatro kasi.. ewan ko pero mabilis talaga ang alas kwatro! nasubukan mo na bang maalimpungatan ng alas kwatro ng umaga? Subukan mo tapos umidlip ka. Pag gising mo alas singko na minsan alas sais pa! Totoo. Parang saglit lang yung alas kwatro. Kaya naman siyam siyam, kasi di ba siyam na buwan yung pagdevelop ng baby? Mabagal na proseso kaya ayun, siyam siyam
2. Bakit sinasabi nila na pang biyernes na ulam ang monggo?
Niresearch ko pa to. Sabi nila, dahil daw sa biyernes santo. Bawal daw ang karne at yun ang ginagawang alternative. Sabi naman ng mga taga karinderya, para daw yun sa mga may artrithis. Kasi kapag tuesday daw kinain ang monggo panigurado hindi sila makakapasok kinabukasan dahil sa sakit sa kasukasuan
3. Bakit 'onsehan' ang tawag kapag naglolokohan?
Siguro kasi sa daliri sampu ang 'natural' na bilang, at kapag naging onse, parang joke time di ba?
Sumasagot din ako nung napaka walang kwentang tanong halimbawa, kung dadalawa na lang ang ngipin ko, saan ko ilalagay, sa taas ba o baba? At bakit. Ganyan ako kalonely at kabored.
Madami akong nasasagot na tanong sa sarili ko. May kwenta man o wala. Pero may isang tanong parin ako na hindi ko nasasagot. Syempre tungkol sayo. Damn.

hehe tingin ko tama ka sa ilang mga bagay, lalo na yung sa mongo haha! Siguro kaya ka nalulungkot dahil sa kanya... ilabas mo lang ang kalokohan para iwas kalungkutan!!!
TumugonBurahinhehe. pinagtanong tanong ko po talaga yung sa mongo xD
BurahinSa canteen, nakalagay lagi sa menu kapag friday ang 'mongo'...
TumugonBurahin...sa sarili kong pananaw, nag-uulam tayo ng mongo tuwing biyernes kasi kapos na sa budget lol :) Ewan... ewan ko kung bakit ganyan yung tumatak sa aking isip hehehe.
Kaya kapag mongo ang ulam sa bahay, at natapat pa ng araw ng biyernes, gusto kong tanungin ang nanay ko ng - "Ma, wala na ba tayong budget sa ulam?" :)
Oo nga daw po, isa pa pala yun sa rason kasi naubos na sa karne kapag mon-thurs xD
TumugonBurahinHmmm.. pag Friday, naka-set na akong kakain ako ng mongo. Haha
TumugonBurahinSo ano yung tungkol mo tungkol "sayo"? Baka matulungan ka namin! :P
Lilipas din ang lahat. Mahahanap mo din ang sagot, mag-aappear din yan sa google. hehe