Ala una beinte-singko nung pumasok ka sa isip ko. Hindi ko alam kung pano, wala namang nag udyok. Basta para kang magnanakaw na pumasok sa isang bahay. Tahimik at hindi napansin ng may-ari.
Ala una-trenta ng mahimasmasan ako. Natanggal ang pagkatulala ko. 'ser natahimik ka ata' sabi ng estudyante ko. Nasa gitna pa pala ako ng klase hindi ko namalayan. Yung puso't isip ko kasi napadpad sa highway ng Commonwealth na madalas nating daanan. Nagtuloy sa Circle na ating pinagtatambayan. Napadpad sa Sm North kung saan tayo madalas mag date. Napasama sa madaming tao sa MRT. Bumaba ng Guadalupe. At doon tuluyang naligaw.
Hindi pa kasi ako nakakarating sa Guadalupe. Kaya siguro doon mo naisip na magtrabaho para hindi kita makita kahit na sa gunita ko lamang. Hindi ko maiisip na mula Sm North ay pupunta ka ng Trinoma at makikipagsiksikan sa maraming tao sa MRT. Hindi ko makikitang napapaligiran ka ng maraming tao. Hindi ko alam kung maingay, masaya o anong pakiramdam. Dahil hindi pa ko nakapunta dun.
Natapos ang oras ng klase ko pero hindi parin ako tapos sa kakaisip sayo. Lagi kitang iniisip. Inaalala. Kahit masakit at wala na akong napapala. Parang dito sa trabaho ko. Mahirap. mapupuyat. mapapagod. Sasahod ng maliit, Gagastos ng malaki para naman kahit saglit makalimutan ka. Hindi ka kasi maalis sa isip ko kahit anong gawin ko. Kumain, magdota, pumasok sa trabaho, mag-gala. Laging nandito ka-- sa puso't isipan. Maliban na lang kapag nag-iinom ako. Dun lang yata ako nakakatakas sa alaala mo.
Kapag masikip na ang dibdib ko sa kakayosi, kapag lasing na ko sa kakainom, kapag pakiramdam kong nauupos na kong parang sigarilyo at kapag para na kong bote ng empilights na wala ng laman, doon ka pa lang mawawala sa isip ko.
Putang inang paglimot to napakahirap, ang gastos pa--nakakamatay. Ang masama nun saglit lang. Maya-maya o bukas maaalala nanaman kita. Pag kagising, bago maligo, bago pumasok sa trabaho, bago umuwi, bago matulog. Lalo tuwing gabi. Kung kailan tulog ang lahat. Tahimik. Saka ka darating at papasok sa isip ko ng walang sabi-sabi. Parang isang magnanakaw. Kukunin lahat ng makukuha... tapos aalis din..walang ititira...kahit na konting kasiyahan.
Huwebes, Hulyo 31, 2014
Martes, Hulyo 22, 2014
Tuwing umuulan
Dahan-dahang bumalik ang mga alaala. Parang patak ng ulan. Sa una'y marahan, tapos ayan na. Bumuhos ng matindi. Ganito ang nangyari kanina habang ako'y nag-iisa. Matagal na din kitang hindi naisip. Tadtad ako ng trabaho. Pagod, puyat. Halos magkasakit ako. Parang naulanan.
Naalala kitang bigla. Ang lakas kasi ng ulan. Napatingin ako sa bukas na bintana ng silid-aralan na aking pinagtuturuan. Malayo ang tingin. Tanaw ko sa isip ko ang lugar nyo, parang matibay na pader, Sandigan.
Kapag ganitong tag-ulan ko damang dama ang pag-ibig mo. 'Sir wala kayong payong? Baka ho mabasa kayo'. Gusto ko sanang sabihin na 'De, ok lang ako' kaso hindi. Namiss ko yung mga ganong pag-aalala. Yung mga mensahe mo sa cellphone ko, na katulad mo ay nawala. Yung mga mensahe at chat natin sa facebook na katulad ng patak ng ulan, hindi nabibilang ay tuluyang nawala. Parang pagtila ng ulan dahil sumikat na ang araw. Pero hindi ganun ang tema. Tumigil ang ulan pero madilim parin ang langit. Parang may bagyong paparating.
Naglakad ako papunta sa susunod na classroom na pagtuturuan ko. Walang payong. Basa ng ulan. Damang-dama ko ang bawat patak ng ulan sa aking katawan. Nanunuot. Malamig. Ako lang ang naglalakad sa ulan. Damang-dama ko ang pag-iisa.
Nakarating ako sa susunod na classroom. Sana ay kasing lapit mo lang din ito. Para kahit umuulan at wala akong payong ay mapupuntahan kita. Magkikita tayo at yayakapin mo ako katulad ng lagi mong ginagawa. Mapapawi ang lamig. Mawawala ang lungkot. Kaso malayo ka. Malayong malayo talaga.
Gustong gusto ko talagang pumupunta sa inyo kapag umuulan. Wala kasi akong payong. Tiyak kong magtatagal ako sa inyo kapag ganun. Alam ko kasing hindi mo ko papaalisin, ayaw mong mabasa ako ng ulan. Kaya sasabihin mo na mamaya na ko umuwi. Pagtila na lang ng ulan. Magkukwentuhan tayo, magkukulitan, magtatawanan.
Pagkatapos nun, titila na ang ulan. Mawawala na rin ang saya. Uuwi na ko. Titingin sa labas, at sa langit hihiling,
Bukas, sana umulan.

Martes, Hulyo 15, 2014
Kapag walang ulan, walang klase
Kanina nag suspend ng klase dito sa San Jose. Wala naman ni kaunting ulan. Pero sinuspinde parin.
Wala naman talaga akong reklamo dun. Una dahil makakapag pahinga ako. Pangalawa eh may sahod parin.
Naalala ko lang yung ex ko bigla. Haha
Kanina walang ulan, walang klase. Tapos yung sa ex ko naman, wala kaming away pero nagbreak kami.
Lunes, Hulyo 14, 2014
Mga 'sana' ng buhay ko
May mga ganitong panahon talaga na naiisip ko, sana hindi na lang kita nakilala.
Sana hindi mo ko nginitian.
Edi sana hindi kita napansin.
Sana hindi ka nagteks sa akin na umiinom ka pala.
Edi sana hindi tayo nag kainuman.
Sana hindi tayo nagkaroon ng common friends.
Edi sana hindi tayo naging malapit.
Sana hindi ka naging mabait.
Sana gaya ng unang impression ko sayo ay naging suplada ka na lang talaga.
Edi sana hindi mo ko pinansin.
Sana hindi tayo nagkakwentuhan sa mga gusto natin.
Nalaman mo tuloy na gusto kita.
Nalaman ko din na gusto mo.
Sana hindi ko sinabing mahal kita at sana hindi mo ko hinalikan nung araw na yun,
Edi sana hindi naging tayo.
Sana hindi mo ko niyayakap ng mahigpit nung magkasama tayo
Edi sana hindi ako nangungulila ngayon.
Sana hindi mo pinaramdam na sobrang espesyal ko noon
Hindi sana malungkot ang buhay ko ngayon.
Pero dumating ka sa buhay ko.
Nakangiti. Napansin tuloy kita.
Nagkateks na umiinom ka. Nakainuman tuloy kita.
May common friends. Napalapit tuloy ako sayo.
Naging mabait ka hindi katulad ng iniisip ko. Kaya pinansin mo ko.
Nagkakwentuhan ng ayaw at gusto. Nagkaalaman tuloy tayo.
Nagusto kita at gusto mo ko.
Sinabi kong mahal kita at hinalikan mo ko. Mula nun sinabi ko ng tayo.
Lagi mo kong niyayakap nung magkasama tayo. Hindi ako nakaramdam ng pangungulila sa piling mo.
Pinaramdam mong espesyal ako.
Binubuo mo ang bawat araw ko.
Kaya naging masaya ang buhay ko noon.
Alam mo naiisip ko? Sana hindi ka na lang umalis. Pakiramdam ko tuloy kulang-kulang na ako.

Linggo, Hulyo 13, 2014
Habits
May mga bagay na ginagawa ko parin kahit alam kong wala namang kwenta.
Katulad ng paghithit ng sigarilyo sa may gilid ng labi ko. Akala ko kasi dati kaya umiitim yung labi ng mga naninigarilyo dahil nasusunog/napapaso yung labi nila kapag humihithit ng sigarilyo na malapit ng maubos. Medyo maiinit kasi yun diba.
Yung sisindihan yung bote ng Gin tapos aapoy saka ihahalo sa tinimplang juice na may Gin. Sabi kasi ng tropa ko dati para daw masunog yung alkohol at humina yung tama. Pero nung matanda na kami sabi nya wala daw epekto yun. Pang simot lang daw yun ng mga tira-tirang juice sa bote.
Yung pag palo sa pwet ng Empi o Matador para daw maalog yung espirito? Ewan ko ba. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung para saan yun pero ginagawa ko parin.
Katulad nung pagmamahal ko sayo kahit wala na tayo. Hindi ko alam kung para saan pa pero ginagawa ko parin.

Biyernes, Hulyo 11, 2014
20 shits ng buhay ko
20 Shits ng buhay ko na di ko pagsasawaang gawin kahit paulit ulit
1. Magturo
2. Magbasa ng Agos ng Disyerto
3. Pakinggan ang Skyscrapper at It will rain
4. Magyosi
5. Magbasa ng tula ni Pablo Neruda
6. Tignan yung profile nung mahal ko.
7. Mag isip kung anong naging pagkukulang ko
8. Magbasa ng tula ni Pablo Neruda
9. Magyosi
10. Maglakad lakad
11. Mag iisip. Isipin kung anong kulang ko
12. Basahin ang Spaces ni Arkaye Kierulf
13. Basahin ang Kobayoshi Maru of Love
14. Panoorin ang piling eksena sa 500 days of summer
15. Iisipin kung anong kailan nagsimula yung pag ayaw mo sakin.
16. Iisipin ka
17. Papangarapin ka
18. Magbabasa ng tula ni Pablo Neruda
19. Masasaktan
20. Pero muli.. mamahalin ka.

Daydreaming
Manunuod ng video ni Rany Ramahadni
Manunuod ng video ni Sungha Jung
Mangangarap na sana ako yung mga napapanood ko.
Titingin sa larawan nating dalawa.
Mangangarap na sana, katulad ng nasa litrato natin, masaya parin tayo.

Huwebes, Hulyo 10, 2014
(Mahal nya ko) tuwing umuulan
21. I believe in love only when it rains
-Spaces, by Arkaye Kierulf
Nasabi ko na to. May dalang kasiyahan sa akin ang ulan.
Naalala ko dati nung nasa kolehiyo ako, kasama ko sya tuwing tag-ulan. Madalas kasi akong walang payong nun kaya hindi nya ko iniiwan. Magkasukob kami sa iisang payong kahit hindi kami halos kasya. Kahit parehas kaming halos mabasa na, andun parin sya. Damang dama ko sya. Hindi katulad kapag maaraw na ayaw nyang pumunta sa kahit saan. Kahit pa may payong ayaw nyang makipagkita.
May dalang kasiyahan sa akin ang ulan. Nung bakasyon at hindi na kami magkasama, tuwing umuulan tumatawag o nagteteks sya sa akin kung may payong daw ba ako. Naaalala nya ko kapag umuulan. Masaya sa pakiramdam. Hindi katulad nung nagtapos na kami ng pag-aaral at naging busy na sa mga kanya-kanyang gawain.
Umulan kagabi. Saka nung isang araw. Hindi nya ko tineks.
Gayun pa man. Saya parin ang hatid sa akin ng ulan. Damang dama ko ang bawat patak sa aking balat. Malamig. Nanunuot sa katawan. Naalala ko yung kwento nya na naliligo sya sa ulan. Naalala ko yung panahong magkasama't magkasukob kami sa iisang payong kapag umuulan. Naalala ko yung panahon na hindi nya ko iniiwan kapag umuulan. Sya ang alaala ko sa tag-ulan.
Martes, Hulyo 8, 2014
Fail
Madami akong gustong sabihin sayo. Tungkol satin. Tungkol sa pang iiwan mo sakin. Pero ngayong heto ka na sa harap ko, nakangiti. Wala na kong masabi. Hinahagilap ko muli yung mga salitang hinanda ko sa ganitong sitwasyon pero wala. Nalimutan ko lahat. Lahat ng lungkot, pait at galit na nararamdaman ko.
Lumapit ka sa akin. Itunulak mo ko sa may upuan. Wala kang sinasabi. Pero nakikita ko ang mata mo. Nangungusap. Pumikit ako at ayun na. Hinalikan mo ko. May diin. Lumaban ako. Pero mas lalo mong diniinan ang mga labi mo. Pinapakita mo na ikaw ang boss sa atin. Yung dila mo katulad mo din. Mapag laro. Umiikot-ikot sa loob ng bibig ko. Dagdag nanaman sa alaala to na maglalaro sa isip ko.
Napahiga na tayo sa upuan. Napayakap na lang ako. Matagal-tagal ding walang ganito. Pakiramdam ko sabik na sabik ka sakin. Kung sana ganyan ka din kasabik kapag nagkikita tayo dati o kaya naman ay pag magkateks naging masaya sana tayo.
Di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Masyadong mabilis. Basang basa ka na. Ng luha. Naiyak na pala ako. Napakasakit pala ng ganito. Yung hinahalikan ka ng taong nang iwan sayo. Hindi dahil gusto nyang makipag ayos. Gusto lang makapag paraos.
Pumunta ako sa inyo ngayon para mag paalam. Pano ako mag papaalam ng ganito? Nalaman kong sabik na sabik ka sakin.
Hinubad mo yung suot mo. Tapos ay tuloy ang halik mo sa akin. Unti-unti din akong naghubad. Parehas nating nalaman na naging malungkot ang buhay natin nung naghiwalay tayo. Kaya ngayon naisip siguro nating magpakasaya.
Pinaghiwalay ko ang dalawang hita mo at nagpakumbaba. Humingi ako ng tawad sa panahong pinapagawa ko sayo ang mga bagay na di mo kaya. Marahang sabunot lang ang naisagot mo sa akin. Pakiramdam ko ay galit ka sa akin. Lalo mo akong idiniin sa aking pagpapakumbaba. Hindi na ako halos makahinga. Maya maya ay ok ka na. Siguro ay nailabas mo na lahat ng galit mo sa akin.
Bumangon ako para ayusin ang sarili. Sa hinaba haba ng relasyon natin lagi kang nasusunod. Ngayon ay sinubukan kong guhin yun. Pinilit kong muling pumasok sayo. Sa buhay mo. Mahirap. Nakita ko sayo ang paghihirap. Napaigtad ka sa sakit. Marahil puro talaga pasakit ang bigay ko sayo.
Pero hindi ako yung taong sumusuko sa isang pagkabigo lang. Pinilit ko muli na magkaayos tayo. Wala na akong puwang sayo. Masyadong masikip. Maliit ang pag-asa. Sumuko ako. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan.
Muli akong nagpakumbaba at humingi ng tawad. Niyakap mo ko. Mahigpit. May pang aalo. "Magiging ok ka din" sabi mo sa akin.
Pumunta ako sa inyo para makapagsabi ng nararamdaman ko simula ng iniwan mo ako. Para maging ok ako. Pero wala akong nasabi. Yung kalungkutan, poot, galit at pait hindi ko nailabas. Nadagdagan pa ng init ng katawan.
Lunes, Hulyo 7, 2014
Hindi na katulad ng dati
Kahapon. Nagkita tayo. Tahimik ka, tahimik din ako. Parang dati, nung nasa faculty room tayo. Walang kahit anong tunog ang bumabasag sa katahimikan. Naglalaro ka ng android phone mo. Tinitignan lang kita. Bumaling ang tingin mo sa may bandang bintana ng bus. Tinignan parin kita. Kahit di mo ko matignan. Kahit sa iba ka nakatingin.
Bumaba na tayo sa sinasakyan natin. Umakyat ng overpass papuntang Farmers. Dumaan sa may Penshoppe tapos umakyat sa may 4th floor at tumingin ng mga damit. Sabi mo ‘gusto mo nun’. Matapos mong tignan, sabihin kung gaano mo kagusto, iniwan mo ito at sa iba naman tumingin. Laging ganun. Naalala ko dati nung pumipili tayo ng sapatos mo, ang tagal nating binalik-balikan yun sa mall. Sabi mo maganda yung sapatos. Nakita kong maganda nga lalo kung suot mo. Nung bibilhin na natin ayaw mo. Siguro, mas gusto mo lang na gustuhin ang isang bagay pero ayaw mong mapasayo ito. Ayaw mo siguro ng responsibilidad sa isang bagay. Na kailangang ingatan ang mga ito. Naisip ko hindi ka siguro maingat?
Papababa na tayo mula sa 4th floor. Katulad ng dati papaunahin kita sa escalator kung pababa. Para isang baytang ang taas ko sayo. Para mayakap ka o di kaya’y maakbayan. Mas maliit kasi ako sayo ng bahagya. Pero hindi na katulad ng dati, Pag ka sakay mo sa escalator sumunod ako, isang baytang ang pagitan natin. Alam mo siguro na yayakapin kita o kaya’y aakbayan kaya humakbang ka pa ng isa pababa. May espasyo na sa pagitan natin. Maliit kung titignan. Pero nun, para sakin malaki. Napakalayo mo na. Hindi na kita maabot. Sa simpleng paghakbang mong yun nakita ko ang maraming bagay. Malayo ka na talaga. Lumalayo ka na talaga sa akin, sa atin.
Nasa 3rd floor na tayo. Ayoko ng paunahin ka. Kasi baka lumayo ka ulit. Baka hindi nanaman kita maabot. Sinabayan kita ngayon. Gaya ng dati titingala ako sa salamin na nasa taas ng Escalator. Tumitingin tayo noon doon. Ikaw nag-aayos ng buhok, ako naman tinitignan ko ang mga sarili natin, kung gaano tayo kasaya na magkasama. Gustong gusto mo ang salamin. Maliit o malaki gusto mo ito. Gusto mong nakikita ang sarili mo. Inaayusan ang sarili mo. Kung paano ka gustong makita ng mga kaibigan mo. Sa daan madalas kang tumigil sa harap ng mga kotse o jeep na nakaparada para manalamin. Pero ngayon, inisnab mo yung dambuhalang salamin sa taas mo. Na madalas nating tinitignan. Sa lahat ng tinitignan mong salamin eto yung gusto ko. Kasi kasama ako sa nakikita mo sa salamin. Hindi lang ang sarili mo, kasama ako, at iba pang mga tao. Hindi lang ngiti mo ang makikita mo, hindi lang ayos ng buhok mo, hindi lang puro ikaw.
Inaya kita para kumain. Ayaw mo. Tinanggap ko na nun na nagbago na ang lahat. Dati kahit hindi ka gutom kakain ka basta inaya kita. Masaya tayong dalawa kapag kumakain. Kapag may away tayo, sandali tayong nagbabati para kumain. Napakahalaga satin ng pag kain ng sabay. Kaya kahapon tinanggap ko na. Wala na yung mga mahahalagang bagay na yun, yung mga ‘dati’.
Pauwi na tayo. Sumakay ng bus. Sa pangdalawahan. Nasa may bintana ka, ako naman sa may bungad. Naglalaro ka sa android phone mo. Yung parang tamagochi. Gustong gusto mo yung larong yun. Aalagaan mo yung parang patatas na may mukha, papakainin, lilibangin, aasikasuhin, papaliguan. Natuwa na lang din ako. Iniisip ko ako yun. Ako yung pinag aaksayan mo ng oras mo. Inaalagaan, inaasikaso. Nakita mo yatang natutuwa ako kaya tinigil mo ang paglalaro.
Tinago ang android phone at tumingin sa may bandang bintana. Pakiramdam ko ayaw mo akong natutuwa. Tinitignan lang kita. Tahimik. Tinitignan lang kita kahit di mo ko tinitignan. Kahit sa iba ka nakatingin. Gusto kong malaman mo na sayo lang ako titingin. Na may pagtingin ako sayo. Ayaw mo yung makita. Kaya pumikit ka. Natulog. Hindi ka sumandal sakin na katulad ng dati.
Malinaw na sakin. Ayaw mo ng pahirapan ang sarili mo. Mas maliit kasi ako sayo ng bahagya kaya mahirap ang pagsandal kung sakali. Pero dati ginagawa mo iyon. Sabi mo ok lang kahit medyo mahirap, nakakatulog ka naman. Naglalaway ka pa nga kung minsan. Pero ngayon. Hindi na. Malinaw na sakin. Hindi mo na kailangan ng masasandalan. Na kaya mo ng mag isa. Na kaya mo ng wala ako.
Nakita ko yung lugar kung saan ako nagtapat ng pag-ibig ko sayo. Naluha ako. Alam ko kasi malapit ka ng bumaba. Ni wala akong nasabi. Tinignan lang kita. Sabi mo sakin nung pababa ka na, ‘mag-iingat ka’. Oo, mag iingat ako, kasi wala ng mag iingat sakin.
Wala ka na. Bumaba ka na. Naglakad ng kaunti. Pero hindi na katulad ng dati. Kahapon, lumingon ka sakin. Na hindi mo ginagawa dati.
Tumingin mula sa labas hanggang sa kina-uupuan ko. Tinignan mo ko.
Nakangiti.
Hindi katulad ng dati.

Walking trip
Napagod ako. Umiyak. Lumayo. Pero wala akong nakuhang sagot. Bumalik ako sa pag-iisip kung paano tayo napunta sa ganito. Sinumulan ko sa Cubao. Sa may Farmers. Hawak kamay tayong naglalakad. Masaya. Nililibot natin lahat ng bilihan ng damit. Pipili ka. Sasabihin mo gusto mo. Pagkatapos mong isukat, kilatisin ay iiwan mo. Natatakot din tuloy ako nun nung sinabi mong gusto mo ako.
Pagtapos nating maglibot sa damitan pupunta tayo sa National Bookstore. Pipili ng libro tapos bibilhin kapag may espesyal na araw sa buhay natin. Napag usapan pa nga natin na gagawa tayo ng library natin. Ang saya saya ko nun. Ganado akong mag ipon para makarami. Hanggang ngayon bumibili parin ako ng mga libro at tinutuloy ang pangarap natin. Marami tayong pangarap. Alam kong bata pa tayo pero naplano na natin yun. Tatlo o dalawang anak lang. Kesyo may lalaki o wala basta tatlo o dalawa lang. Ayaw mo kasing malosyang agad. Pumayag naman ako syempre. Pero sa isip ko nun, kahit kasing laki ka ng gasul yayakapin parin kita. Hindi hadlang sakin yun para mahalin ka.
Yung pagsasama kasi nating dalawa masyado ng madaming hadlang. Yung mga kaibigan natin ayaw sa atin. Yung pamilya natin ayaw sa atin. Mabuti na lang at gusto natinang isa’t isa.
Sumindi muna ako ng sigarilyo. Kumain ng kwek-kwek. Tumawid ulit pabalik ng SM. Haay SM. Kay raming tao. Pero damang dama ko ang pag-iisa. Inalala ko yung mga panahong pumupunta tayo sa SM. Sa Manila, San Lazaro, Lipa, Mega mall, Sta.Mesa. Pero ang pinaka paborito ko ay yung nasa SM North tayo. Naligaw ako dun nung nanliligaw pa lang ako sayo. Ikaw ang nag pakilala sakin sa mga mall. Sa mga mall na maraming tao. Nung mga panahong magkasama tayo nun pakiramdam ko O.P satin lahat ng tao sa mall. Kung baga sa pelikula naka gray scale lang sila. Naka Slow motion. Nasa atin yung focus. Colored.
Makulay yung tatlong taon nating pagsasama. May away. Tampo. Selos. Kinaganda nun walang nanloko sa isa’t isa. Oo sige. Niloko kita. Sabi ko hindi kita mahal. Kasi mahal na mahal kita. Syempre kung may away nagbabati din. Kung may tampo, sinusuyo. Nung nagselos ako dati sa kaibigan mo, hinawakan mo lang ako sa kamay ko nakampante na ko. Pakiramdam ko nun kahit anong mangyari hindi ka bibitaw.
Ngayon bumitaw ka na. Sabi mo napagod ka. Saan ka ba napagod? Sa pag iikot natin sa mall? Sa mga away? Tampuhan? Hindi ko maintindihan. Kaya muli binalikan ko ang lahat. Mula SM North. Annex sa SM north, pupunta sa foodcourt. Babalik sa annex at titingin ng cellphone. Kakain. Tatawa. Maghahawak kamay. Kikiligin ako. Matutuwa ka at yayakapin mo ko para lalo akong kiligin. Lalo naman akong kiligin. Pag katapos nun pupunta ng Trinoma. Pupunta sa landmark. Tapos pag napagtripan pupunta sa wildlife.
Mga ilang linggo din tayo sa wild life. Madaming seryosong bagay ang napag usapan natin dun. Tungkol sa politika, relihiyon at iba pa. Na madalas ko lang mabanggit kapag lasing ako. Pero nung kausap kita nasabi ko lahat ng yun. Nung mga panahong yun lasing ako sa pag-ibig. Sa saya.
Madami tayong napuntahan na lugar. Binalikan ko lahat sa aking alaala. Hindi ko pa kasi kayang balikan yun sa ngayon. Masyadong masaya ang mga lugar na yun para sa akin at hindi ako bagay dun dahil puno ako ng kalungkutan. Katulad ngayon ni hindi ako makasakay ng bus kasi naaalala kita.
Lagi kitang naaalala. Pagkagising ko pa nga lang naaalala na kita. Tineteks kita agad. Ganun din bago ako matulog. Parang ikaw ang araw at buwan ng aking buhay. Sayo nagsisimula ang bawat araw ko at sayo din nagtatapos. Paano nga ba tayo napunta sa ganito? Masaya naman tayo. Nag aaway pero masaya parin pagkatapos. Dahil ba napanood mo yung 500 days of summer kaya nagkaganito tayo? Hindi naman siguro.
Isang buwan na tag-araw at isang buwan na tag-init. Inisip ko. Ngayon alam ko na ang sagot. Hindi naman tinakda. Nasa tamang oras at panahon naman tayo nung nagkita. Hindi ko rin naman masabing hindi tayo nagmahalan ng tunay nung panahong magkasama tayo. Napunta tayo sa ganito dahil kailangan.
Kailangan nino? Ko? Ikaw? Siguro nga ganun. Shit. Pero ganun nga siguro.
Sa susunod na maglalakad ako. Iisipin ko kung bakit kailangan natin to.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)