Pasado alas-tres na pagtingin ko sa relo ko habang naglalakad kami palabas ng pamantasan. Wala. Trip lang. Iinom lang. Wala namang broken, o may problema. Wala rin namang okasyon, o selebrasyon. Natripan lang talaga nung biglang nagyaya si Kris kahapon na subukan naman daw naming mab-bar sa Timog, hindi niya pa daw kasi nararanasan yun, at isa pa, pinakamahalaga, gusto mang-tsiks. Ayos lang samin, wala namang problema, halos linggu-linggo na nga kaming umiinom nila Janno at Warren tuwing Biyernes, pero dun lang kami sa isang tahimik na lugar dun sa Cubao (tahimik pag walang event). Tinanggap naman namin siyang isang magandang ideya dahil pare-parehas kaming ignorante sa mga ganung lugar, change of environment ba. Saka, nagbabakasakaling makasipat ang mga hinayupak.
"Mag-taxi na lang tayo, pre. Mahirap byahiin yun kapag ganitong oras. Mahirap na pag nagmukhang haggard," yaya ni Kris. Takte talaga neto, puro babae lang iniisip. Takte pala naming lahat. "Sige, basta libre mo," sabat ni Janno. "Ge, sagot mo pamasahe mo pauwi a." Matigas namang sagot ni Kris. Hm.. Mukhang may inside job ‘tong dalawang ‘to mamaya a. Tumingin ako kay Warren. Mukhang pareho kami ng iniisip.
Si Warren na yung nagmabuting loob na mag-abang ng taxi sa antayan, habang yung dalawa, humihithit ng sigarilyo sa may bandang ilalim ng puno sa istasyon ng pulis na parang hindi naman istasyon ng pulis, umaambon ambon kasi. Habang ako, nasa gitna nila, malapit sa abangan para masabing may pakisama ako’t di ko iniiwan si Warren, at malapit dun sa dalawa para makaiwas iwas sa buhos ng ambon. Mabilis din namang nakakuha ng taxi si Warren, pinalapit nya dun sa dalawa. “Wait lang boss a, ubusin lang namin,” sabi ni Kris dun sa driver. Makalipas ang apat na hithit niya siguro, “Timog tayo, boss,” sabi ni Kris. “Sa’n po dun, sir?” tanog ng driver. “Basta malapit lang dun sa mga bar bar.” Ayos. We’re in for a night.
Isang bente-uno na mukhang menor de edad, isang bente, isang dise-nwebe, at isang dise-syete. At pota, ako yung dise-syeteng yun. Kapag hinanapan ako ng ID neto, dedo na. Ito yung mga pagkakataong kailangang umaktong matanda, at kahit ilang beses ko nang naranasan ‘to, nakakakaba pa rin. Pagkababa ng taxi, bumili agad ako ng isang yosi kay ateng naka-takatak, “Marboloro Red nga, ‘te.” Dyahe kung may kaibigan ka ngang mayaman at palaging may yosi, black naman ang brand. Si Kris na yung naghanap ng lugar na pagiinuman namin. At putsa, halatang igno, hindi man lang tumingin tingin sa iba, pumasok kaagad dun sa kauna-unahang bar na malapit sa pinagbabaan namin. “No Minors Allowed,” sabi ng signboard dun sa pinto pero wala nang pakialam pakialam. Humithit muna ‘ko ng malalim saka ibinuga bago pumasok sa pinto. “Gandang gabi, sir,” sabi ko dun sa bantay na mukhang bouncer na mukhang presidential guard na mukhang customer na ewan. “Sir, ilang taon ka na?” Putsa, nakatunog ata. Ganito ata talaga pag beterano na sa mga ganitong larangan, malalaman mo nang nagtatanda tandaan yung isang menor de edad kapag bubuga muna ng yosi bago pumasok w/ matching pilit na straight body. “Dise-nwebe, sir,” sagot ko sabay nagaakmang magbubukas ng bag. “Ah, sige. Magandang gabi rin, sir.” bati nung ewan, na may kasamang ngiting nakakapanginig. Ay, ambot nga.
Madilim yung lugar, na sakto lang para makapagkitaan kayo ng mukha. May tugs tugs tugs, pero sakto lang para makapagkwentuhan kayo ng maayos. Ayos. Ito yung mga gusto ko. Nagiisa na lang yung bakanteng pwesto para sa bilang namin, ayaw naman naming pumwesto dun sa pangmaramihan, mukhang sugapa, at mas lalong di naman pwede dun sa pang-couple. Napapagitnaan ng dalawang grupo. Dalawang grupo ng babae. Kaso yung isa mga gurangis na, kaya yung isa na lang yung pag-asa . Naupo na kami. Si Kris, iniiscan yung menu. Si Janno, nagtawag ng waiter. At si Warren, nakatitig sa kaha ng sigarilyo, gumugusto. Habang ako, sinisipat yung apat sa kabilang table. Magaganda sila, pero hindi yung magagandang talaga. Iniisa isa kong tignan, mamaya kasi cheerleader effect lang, pero hindi. Tatlo, naka-dress. Isa, naka-short. Yayamanin, mapuputi. Titig pa lang, naglalasang krema na yung dila ko. Umiinom na sila, halo yung mesa ng San Mig Light at flavored beers. Ayos ‘ka ko. “Red Horse sakin,” sabi ko dun sa waiter na parang hindi waiter, kasi mas mas mukha pang customer sakin, dahil sa mga branded na suot.
Isang bucket. Paikot ikot lang yung alak. Paikot ikot lang din yung usapan, at yung nagsasalita. Pare parehas lang naman ng pinaguusapan kada inuman, tropa, babae, relihiyon, diyos, lipunan, ISIS, saka yung nanalo ng lotto na di nakuha yung premyo dahil pinlantsa ng anak yung ticket, pero di pa rin nakakasawa. Pare parehong mukha. Pero. Ewan ko ba. Di ko rin alam. Saktong sakto pagkaubos ni Warren sa huling bote ng unang bucket, may dumating na babae sa kabilang table, kaya pala malumanay lang silang uminom kanina, kasi ata may inaantay. Naka-itim na Jack Daniels style na sando na hindi Jack Daniels yung tatak, maiksing shorts na ewan. Kasing itim ng kalawakan yung buhok, yung mga bituin ay yung kintab. Saktong payat lang, na may laman. Mga ‘gang tenga ko. Maputi. Sobrang puti, parang sterilized na bear brand ang kutis. Mukhang maangas na malambing na ewan. Puta. Dumaan sa harap ko bigla yung babaeng pinapangarap ko. Nasa kalahati na kami ng pangalawang bucket agad agad, na parang hindi na yung inuman yung climax ng istoryang ‘to. Iinom. Sasalita. Tititig dun sa babae. Non-stop rotatation.
Pagkaubos nung pangalawang bucket, nagyayang mag-CR si Kris, nagpasama kay Janno, hmm alam na. Tapos si Warren, pinaorder nya ng isa pa. Naiwan ako sa table. Tumititig lang dun sa bagong dating kaninang babae. Nagbabakasakaling makarating sa kanyang gusto ko siyang ikama. Tumingin sakin yung babae, pero napadaan lang. Sa pangalawang pagdaan ng tingin niya sa ‘kin, di ko na pinalampas. Nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya, kumilos na ‘ko. Tinawag ko sya. At niyayang pumunta dun sa table namin. At anak ng mahabaging langit nga naman, papunta na sya sa pwesto namin. Nakiupo.
"Anong pangalan mo?" ‘ka ko. "Jane," sagot nya, "Ikaw? Kanina ka pa nakatitig sakin a." "Thirdy. Ayos. ‘Kala ko di mo napapansin e." Tangina talaga, ito yung mga pagkakataong sinusumpa kong wala ‘kong mabangis na dila. "Sus. Tiniis lang kita. Kala ko kakayanin ko." sabay tawa niya. Ay, putangina. May nagwawala nang makatakas sa zipper ko.
"O, may bisita tayo a." si Kris, sabay sabay nang bumalik yung tatlong hinayupak na may dala dalang dalawa pang bucket, sisig, saka isang sako ng wrong timing. "Jane," sabi ni Jane malamang sabay kumamay naman yung tatlong ungas, si Kris nagtangka pang bumeso, tigas. Pakuha na si Warren ng upuan sa kabilang table nang tumayo na ‘ko’t nagsabing bibili ng yosi sa labas. Papa-fresh air.. Kasama si Jane.
"Badtrip ka sa mga kasama mo?" tanong nya. "Di naman, balak pa ‘ko agawan ng ikakama mamaya e." sagot ko habang humihithit ng sigarilyo. "Ay, ang kapal mo a." tawa naman niya. "San ka nakatira?" ‘ka ko. "Fairview lang, sa may Casa Milan. " "Seryoso? Along the way lang pala kita e." sagot ko naman. Tanginaaaa. Jackpot ata ‘ko ngayong gabi. Malapit na samin, sa yayamaning lugar pa nakatira, mayaman, sa kanya ko ipapasagot yung bayad sa hotel mamaya pag nagkataon. Sa Bulacan ako ‘kako nung tinanong niya kung san ako nakatira. Wala na ‘kong nabanggit na maski isang salita pagkatapos nun. Putakte, utak, gumana ka, galit na si Manoy. Pakiusap. Pakiusap. "Gusto mo samin na lang?" binarag nya yung nakaharang na katahimikan kanina. "Anong sa inyo?" "Alam mo na." sabay ngiting nakakapanlibog nga naman talaga.
Nag-taxi kami palabas ng GMA. Saka na nag-abang ng bus dun pa-Fairview. Panandalian kong nakalimutang may mga kaibigan akong iniwan ng walang pasabi sabi. Panandalian kong nakalimutang may nililigawan ako. Pero tangina, sa mga ganitong pagkakataong bumaba ang dyosa sa harap mo mula sa kalangitan para dalhin ka sa kaharian nya, wala ka ng magagawa.
Sa bandang dulo kami ng bus pumwesto. Nakaakbay lang ako sa kanya, samantalang sya, nakasandal sa ‘kin. Sa likod namin, may pamilyang nakapwesto, nagaayos ayos na ng gamit, kaya mukhang pababa ng bus. Pagbaba netong mga ‘to, tangina, hahalikan ko na ‘to kaagad. At bumaba ang mga sagabal. Pagkaandar ng bus. Bigla niya ‘kong hinalikan. Ay pota, palaban si ate. Pumalag ako, may rebatt agad siya, naglabas ng espada. Naglabas ng dila. Nakapikit siya, habang ako tumingin tingin sa konduktor kung nakatingin ba samin. Buti na lang tulonggis si manong. Gusto ko sanang hawakan yung suso niya, kahit medyo hindi siya nabiyayaan ng Panginoon ng hinaharap, pero wala na ‘kong pakialam, putangina, ang ganda pa rin niya. Gusto ko sanang hawakan yung dibdib nya, kaso pag tumingin yung konduktor banda samin, halatang halata kaya hinayaan ko na lang. Tagal naming nagespadahan, at di pa rin bakas kung sinong mananalo. Yung kanina nya pang makulit na kumamay, biglang nagalburuto. Hinihimas himas na niya yung pantalon ko, banda kay Junior. Putangina, kinukulit yung zipper ko. Pahiya ‘ko neto pag pinasok nya yung kamay nya sa pantalon ko, tangina, mamasa masa na sa sobrang galit. At pinasok nga ni anong-pangalan-niya-ulet. Tangina, bihasa. Nagkaroon na ng talo sa espadahan. Napapikit na lang ako. Wala ng pakialam kung makita man kami ng ibang tao. Putangina lang talaga. Ang sarap. Nung nasa bandang St. Peter’s Church na kami. Yung kamay ko naman yung sinapian. Nakangiti lang siya habang nilalaro yung pagkalalaki ko, samantalang ako, parang lalabasan na sa sobrang galing niya. Di ko na napigilan, gusto ko naman ibalik yung pabor, gusto kong sya naman yung pasiyahin. Yung kamay kong hasang hasa sa mga pornsite kung panong maglaro ng mani, ay sasabak na naman sa isang misyon. Hinalikan ko siya, sabay hawi ng buhok, dumaan sa leeg, pababa sa flat-chested niyang dibdib, kaunting kiliti sa kanyang pasas, pababa sa pantalon. Pinasok ko yung kamay ko sa short niyang pangsabak, at gumuho bigla ang mundo ko sa harapan ko, puki ng ina, bakit may talong na nakatalukbong.
(C) Clifford Andawi kaibigan ko hihi
Patay!
TumugonBurahinwahaha! Epic F!
TumugonBurahin