Pasado alas otso nung dumating ako kila james. Birthday kasi ng isa naming tropa. Malamig ang panahon. Madilim ang kalangitan. Parang bubuhos ang ulan pero hindi. Wala din ang mga magulang nila James. Sakto. Masarap magsaya neto.
Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagsaya simula nung iniwan ako ni Elsa. Mga tatlo o apat na buwan ata akong nagmumukmok. Pakiramdam ko na nga nag iinarte na lang ako. Kaya ngayong gabi naisipan kong lumabas at magsaya.
Nasa kalagitnaan ng ikot ng Alfonso nung dumating ako. Kaya sa susunod na ikot na ko uminom. Tahimik lang ang lahat. Nagtitinginan. Parang nag uusap sa mata, tapos tatawa. Tahimik ang paligid pero ramdam mo yung saya.
Nagpaalam ako kay James na kung pwede ko bang kausapin si Mary Jane. Gustong gusto ko na kasi siyang makausap. Matagal tagal na din nung huli naming pagkikita. Saka kanina pa naman sila magkasama. Ayaw pumayag ni James, pero lumapit si Jane. Kahit na nahihiya ako dahil nga ayaw ng tropa ko, eh palay na ang lumapit sa manok di ba? Tukain na syempre.
Eto ang gusto ko jane. Ang sarap kausap. Kahit anong ikwento nya napapangiti lang ako. Kinuwento niya yung tungkol sa aso nila na ang laki nung tae, tawa ako. Kinuwento niya yung nabasa niyang libro, tawa ako. Tinawag nya ako sa pangalan ko, tawa rin ako. Ang simple lang ng usapan pero napapasaya nya ko. Napapaisip tuloy ako kung pag-ibig na ba to?
Saglit lang kaming nag-usap tinawag kasi siya nung gwapo naming tropa. Eh wala na din naman akong masabi kaya sige hinayaan ko na lang siyang umalis kasama ng tropa ko.
Masaya na kong pinapanood ko silang nag-uusap. Makitang masaya sila. Okay na kong nakasama ko siya kahit saglit lang.
Jane salamat. Sa oras, panahon, sa saglit na pag-uusap natin, pakiramdam ko tatlong buwang kasiyahan yung nailabas ko. Kagabi natuto ulit akong ngumit at tumawa sa mga simpleng bagay,
Bakit ibang mary jane ang nasa isip ko while reading this? LELS.
TumugonBurahinUyy... Inlab ka na ulit? hehehe
Tama yung mary jane na iniisip mo jan hahahaha
TumugonBurahinWith Batangenyo accent: Mamang pulis, a-re ho. Paki tingnan. Mukhang nakabatak ng juts.
TumugonBurahinHahahaha!