Martes, Oktubre 28, 2014

Incomplete

Parang yung matagal mo ng suot na relo na naiwala mo, pakiramdam mo nandun parin sa kamay mo pero alam mong wala. Nag-iiwan ng kung anong pakiramdam na hindi maipaliwanag. Basta alam mo lang parang may kulang sayo. 

Sa una nakakatatanga. Tatanungin ka ng kasama mo kung anong oras na, itataas mo ng bahagya ang kaliwa mong kamay para tignan kung anong oras na. Pero wala nga pala dun yung relo mo. 

Mahirap talagang kalimutan ang isang bagay kung nasanay kang meron ka nun. Siguro kasama mo yun sa everyday routine mo kaya nung nawala eh ginagawa mo parin yun. Tumitingin-tingin ka parin siguro sa kaliwa mong kamay kapag hindi mo alam kung anong oras na. Okay lang yan. Masasanay ka din.

Darating yung panahon na masasanay ka ng wala na yung relo mo. Kapag hindi mo na alam kung anong oras na, dudukutin mo na lang yung cellphone mo o kaya ay magtatanong ka sa kasama mo. 

Kapag nakaluwag-luwag ka na ulit makakabili ka na ng bago mong relo. Maninibago ka sa una. Sa fitting, yung bigat at kung ano pa. Pero makakasanayan mo din yun tapos malilimutan mo na yung pakiramdam nung dati mong relo.

Sana yung tao katulad din ng relo. Pag nawala, Hindi sobrang sakit saka madaling palitan.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento