Ganitong oras lagi kung dalawin ako ng mga ala-ala nya. Alas tres. Patay daw yung diyos sa ganitong oras kaya siguro walang bisa yung dasal ko sa bathala ng kalungkutan na wag akong dalawin ng mga ala-ala nya tuwing wala akong ginagawa. Pero dahil nandito nanaman sya, wala nanaman akong magagawa kundi ngumiti at matuwa sa mga ala-alang na aalala ko tungkol sakanya.
Nung nasa kolehiyo pa kami, sa ganitong oras kami magkasama. Masaya. Oo, lagi pa kaming masaya nun. Bababa kami mula sa ika-anim na palapag at sabay na kakain. Pagkatapos nun ay sasamahan nya ako sa paborito kong lugar sa aming sintang paaralan. Sa gilid ng Ilog Pasig.
Madalas akong tambay doon bago maging kami. Doon ako nagpapalipas ng oras sa tuwing nag-aaway kami ng nauna kong kasintahan. Sa lugar na ito din ako nakatagpo ng bagong kaibigan, kainuman at kalandian. Pare-parehas kami ng trip ng mga tambay sa may ilog. Mabisyo, makulet at malandi.
Ayaw ko syang dalhin sa tambayan ko sa may ilog dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka husgahan nya ako. Kasi nga di ba may kasabihan na 'tell me whou your friends are ang i tell you who you are' kaya ayoko.
Pero simula nung naging kami, pag sapit ng alas tres, kasama ko sya sa may ilog. Sa ilog kung saan nabuo ko yung munti kong paraisong puno ng usok, alak, kalokohan at kulitan. Niyakap nya ang munting mundo ko na ikinatuwa ko ng husto.
Kaya kahit ngayong nakapagtapos na kaming parehas, at nagkahiwalay na rin gusto kong balikan yung tambayan namin sa ilog. Pero hindi na pwede. Kaya nagkakasya na ako sa ganito. Yung dumadalaw-dalaw sya sa isip ko tuwing alas tres. Bumabalik yung ala-ala ko, namin, sa may ilog. YUng mga panahong nagyoyosi ako, tapos hawak nya yung kaliwang kamay ko.
Naramdaman ko na tinanggap nya ako ng buong-buo
At least Ma'am masaya ang 3 O clock Habit na yan kahit sa ala ala na lang po kayo nagkikita! Pang tanggal stress din.
TumugonBurahin