Sa totoo lang, madami talaga akong gustong ikwento sayo kanina. Hindi lang tungkol kay tito sotto at sa kaibigan ko. Idagdag mo na rin yung kwento tungkol sa makalat kong kama. Sinisimbolo daw ng kama ang buhay ng tao. Oo, ganito na kagulo ang buhay ko nung naghiwalay tayo.
Sa kwento ng kama ko, may isa pang kwento. Tungkol ito sa misteryo kung paano ako natutulog sa kabila ng kalat at alaala natin doon. Hindi pa tayo nagtabi dito pero nakita mo ba? Andun yung libro na binigay mo sa akin. Yung panyo mo sa ilalim ng unan. Yung t-shirt na regalo mo sa akin, kapirasong sulat na naglalaman ng iyong damdamin.
Talagang misteryo kung paano ako nakakatulog sa gabi. Meron pa kong isang kwento. Tungkol parin ito sa kama ko. Kung nirerepresenta ng kama ang buhay ng tao edi lahat ng nasa kama eh bahagi parin nung tao? (Pagkatao) magulo.
Wala na tayo pero nandun parin yung mga gamit kaya ba hindi ako makaget over? Ganun nga siguro yun. Dahil hindi ko naman inaalis. Dalawang bagay. Nasanay kasi ako at malaking pagbabago sa akin kung hindi ko maaamoy sa gabi ang panyo mo at hindi ko mababasa ang mga sulat mo. Ikalawang bagay ay palaisipan sa akin kung paano aalisin ito at saan ko ililipat.
Pwede kong alisin pero hindi ko alam kung paano. Uunahin ko ba yung mga damit o yung mga libro, o yung sulat kaya?
Madami akong kwento, at yun ay katulad ng kama at pag-iibigan natin. Parehas magulo.
magulo nga, parang yung higaan lang ng kapatid ko :)
TumugonBurahinipalinis nyo po kay ma'am yccos xD mukhang gusto nya pong maglinis ng magugulong kama haha
BurahinWait lang, bakit may urge akong ligpitin ang kalat? Haha. Di lang ako sanay sa magulong bed I suppose :P
TumugonBurahinPero please, peram nung book! Lol
Sure, pwede naman :) anong libro po? xD
BurahinYung Kikomachine X. Hehehe..
BurahinWaaah! Ngayon ko lang nabasa, Napahiram ko na </3
Burahin