Parang kantang Alumni home coming ng Parokya ni Edgar. Hindi ko alam kung pano, basta biglang nagsama tayo. Mula noon ay napaibig mo ako.
Hindi ko sigurado kung saan at pano tayo nagsimula. Kung nung sa may cubao ba na aksidente tayong nagkatabi sa upuan o nung sa jeep palang na sinadya kong habulin ka. Hindi ko rin matandaan kung sino ang unang nagsalita sa ating dalawa nun. Basta pagtingin ko sa bandang kanan, sa may bandang bintana. Nandun ka. Ang lapit lang. Parang naka-zoom in yung camera. Tapos naka focus sa ngiti mo. Naka grayscale yung background. Litaw na litaw yung maputi mong kutis. Mabagal lahat ng pangyayari. Naka negative yung frameskip. Tapos prumeno yung bus.
Nagising ako sa panaginip kong scene. Pagtingin ko andun ka parin. Nagkausap tayo. Nagkakilala. Napadalas ang mga aksidenteng pagtatabi sa bus at pagsasama. Nalaman mong ang lakas ng dating mo sakin, nalaman kong takot ka sakin. Natawa tayo sa sarili natin nung parehas nating inamin na tinitignan natin ang isa't isa, na may pagtingin tayo sa isa't isa.
Ngayong nagkaalaman na tayo, hindi ko na papalagpasin to. Mukhang alam mo naman yun. Nasabi ko kasi minsan sa aking kwento na ako yung taong hindi nakukuntento. Alam mo sigurong ayoko na ng hanggang tingin, kaya ka yumakap sa akin. (at nagsabing, ang galing mo, nakuha mo ako sa tingin :D)
cheesy and romantic :)
TumugonBurahinparang ekesena sa movie
base ba ito sa tunay na karanasan?
buti ka pa may ganitong moment hehehe
salamat pala sa pagsubaybay,
aabangan ko pa ang mga kwento mong nakakakilig lols
:)
Opo. Haha. Yan yung mga panahong masaya pa kami naaalala ko lang xD
BurahinSalamat po sa pagbabasa haha