Biyernes, Agosto 1, 2014
Tinira sa pwet, di makatayo
"Tinira sa pwet hindi makatayo."
"Kawawang Zest-o"
Ang lakas ng tawa ko sa joke na to. Lalo pa't galing sayo. Ikaw na parang napaka inosente. Yung tipong hindi pa nakakahawak ng bayag. Tapos eto nagjojoke ka ng tinira sa pwet. Napaka out of this world pa nung sinabi mo yun. Nag-uusap tayo nun tungkol sa mga pangarap at pag-ibig natin nung bigla mo tong binanat. Mula nun nahilig na ko sa Zest-o
Zest-o sa umaga. Pagkatapos mag yosi, habang nasa klase, lagi akong may baon na Zest-o. 'Tinitira ko din sa pwet' yung kawawang Zest-o. Naalala ko kasi yung sinabi mo. Tapos natutuwa na ko.
Pero nagbago lahat ng yun nung nagbreak na tayo. Bumibili parin ako ng Zest-o pero hindi ko na 'tinitira sa pwet.' Naaalala nga kasi kita dun. Ayoko na ng ala-ala lalo kung tungkol sayo. Pero hindi ko naman mapigilang bumili ng Zest-o. Ang sarap kasi, parang yung mga halik mo, yung yakap. Masarap--nakakaadik.
Nung iniwan mo ako, pakiramdam ko ako yung kawawang Zest-o. Hindi makatayo. Said ang laman. Kahit lagyan ng hangin ay hindi makakatayo, kasi nga tinira sa pwet. Sa kaso ko naman hindi mahabang straw ang nakabaon sakin, kundi yung mga ala-ala ng matagal at nating pagsasama.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento