Huwebes, Oktubre 30, 2014

Ang madilaw mong ngipin


Naalala mo pa ba yung banat ko sayo dati na nakapag pangiti sayo? Nasa kusina tayo nun, tapos sabi ko 'paabot naman' tapos tumuturo-turo ako nun. Ikaw naman hanap ng hanap ng kung ano yung tinuturo ko. Nung hindi ka na makatiis tinanong mo kung ano yung pinapaabot ko. Tapos sabi ko 'paabot ng kamay mo holding hands tayo.' Tawa ka ng tawa nun. Ang ganda nung ngiti mo kahit medyo madilaw yung ngipin mo. Simula nun inaraw-araw ko na yung pag banat sayo. 

Inalam ko yung pangalan mo. Tinanong ko dun sa mga kasama natin. Nung makita kita, kinausap agad kita, naalala mo yung banat ko nung nasa kusina tayo pero sabi mo di magpakilala ako. At ayun nga nagpakilala ako. Sabi ako ako si Joshua sabay abot ng kamay. Bago mo maabot yung kamay ko dinugdungan ko ng 'joshua wanna be with you' (just wanna be with you) tawa ka ulit. 

Natutuwa din naman ako kasi natutuwa ka sakin. At ayokong hanggang dun lang tayo. Kaya gusto kong kunin yung number mo kaso nahihiya akong magtanong. Kaya ang ginawa ko nagpakita ako ng cellphone number na hindi sayo, sabi ko ' eto ba yung number mo?' tapos sabi mo hindi, tapos kusa mo ng nilagay. Galing ko nuh?

Di nagtagal naging tayo. Ang sweet-sweet natin. At siyempre hindi mawawala yung mga banat ko sayo. Mula dun sa pinaka gasgas na hanggang dun sa mga kung anek-anek na lang basta may masabi. Pero natutuwa ka parin. Napapangiti ka parin at nakikita ko yung madidilaw mong ngipin.

Ngayon mag uundas na. Pero kahit hindi pa undas patay na patay na ko sayo. Ang corny nun pero sinasabi ko sayo yun dati. 


Kahit nga ngayong break na tayo gusto parin kitang banatan. At pag ginawa ko yun sisiguraduhin kong di ka makakabangon. HAHAHAHAHA Joke langs.

Martes, Oktubre 28, 2014

Incomplete

Parang yung matagal mo ng suot na relo na naiwala mo, pakiramdam mo nandun parin sa kamay mo pero alam mong wala. Nag-iiwan ng kung anong pakiramdam na hindi maipaliwanag. Basta alam mo lang parang may kulang sayo. 

Sa una nakakatatanga. Tatanungin ka ng kasama mo kung anong oras na, itataas mo ng bahagya ang kaliwa mong kamay para tignan kung anong oras na. Pero wala nga pala dun yung relo mo. 

Mahirap talagang kalimutan ang isang bagay kung nasanay kang meron ka nun. Siguro kasama mo yun sa everyday routine mo kaya nung nawala eh ginagawa mo parin yun. Tumitingin-tingin ka parin siguro sa kaliwa mong kamay kapag hindi mo alam kung anong oras na. Okay lang yan. Masasanay ka din.

Darating yung panahon na masasanay ka ng wala na yung relo mo. Kapag hindi mo na alam kung anong oras na, dudukutin mo na lang yung cellphone mo o kaya ay magtatanong ka sa kasama mo. 

Kapag nakaluwag-luwag ka na ulit makakabili ka na ng bago mong relo. Maninibago ka sa una. Sa fitting, yung bigat at kung ano pa. Pero makakasanayan mo din yun tapos malilimutan mo na yung pakiramdam nung dati mong relo.

Sana yung tao katulad din ng relo. Pag nawala, Hindi sobrang sakit saka madaling palitan.  

Miyerkules, Oktubre 22, 2014

QC

Walang sagot ang yosing hawak nya. Wala ding sagot ang diyos ng kalungkutan na dinasalan nya. Hanggang ngayon wala paring sagot sa teks nya ang babaeng pinakamamahal nya. 

'Asan ka na Elsa? Magiging katulad ba tayo ng liwanag ng buwan at araw na kailanman ay hindi magkikita?'


Malawak ang Quezon City. Damang-dama nya ang espasyo sa pagitan nila.

Kahit tsumamba na magkasalubong ang kanilang landas katulad ng buwan, araw at mundo katulad ng eclipse eh malabong pansinin sya ni Elsa. Dahil hindi naman sya katulad ng pabango, payong, damit o sapatos na laging tinitignan ni Elsa sa mga mall, hindi sya mamahalin.. hindi sya mahal ni Elsa ..kaya malabong tumigil sya kahit isang saglit para tignan man lang ang kawawang lalake.

Lunes, Oktubre 20, 2014

Waiting in vain

Mga bagay na araw-araw kong hinihintay.

1. Update ng paboritong manga na aking binabasa (One Piece, Hajime No Ippo, Kingdom)
2. Update ng bagong videos ng mga idol ko sa youtube ( Screen Junkies, Cinema Sins at =3)
3. Mag alas diyes ng gabi. (para makalabas ng bahay at magmuni-muni habang nagyoyosi)
4. Mga bagong entries ng Idol kong blogger.
5. Pagkaramdam ng antok
6. Pagbangon sa umaga.. na nanjan ka na. 

Sana lang talaga there's something good happens for those who wait.

Lunes, Oktubre 13, 2014

Walong bagay kung bakit mo ako iniwan

Madami tayong nabasang article tungkol sa mga bilang na dahilan kung bakit dapat tayong magmahal ng engineer, nagyoyo o mga taong mahilig sa libro. Gumawa din ako ng mga ganun. Binigyan kita ng sampung dahilan kung bakit ka magmahahal ng chess player. Natuwa ka nun. Tuwang-tuwa. Pagkatapos nun iniwan mo ko. Na hindi ko alam ang dahilan. 

Kaya ako na ang magdadahilan para sayo.

Walong bagay kung bakit kailangan mo akong iwan.

1. Chess player ako. I make my own plans. At gusto ko nangyayari yun. Manipulative din ako. Kasi that is how chess work. Kailangang i-manipulate mo yung kalaban mo para yung plano mo ang masunod. At sa case natin ganun ang ginawa ko. Gusto ko yung plano ko lang. Kaya dapat mo akong iwan.

2. I drink. I smoke. Payat at maliit ang katawan ko. Eventually, kakainin ako ng sakit. Mamamatay ako ng maaga. Baka mabyuda ka. Kaya habang maaga kailangan mo akong iwan.

3. Bumagsak ako sa mga major subjects ko, kung hindi bagsak mababa ang grade. Kasi hindi ako nagpapasa ng requirements. Sa madaling sabi, tamad ako. Kung sa school hindi ako nagsusubmit ng requirements, madadala ko yun sa pagtatrabaho ko. Eventually sa magiging bahay natin kung sakaling umabot tayo dun. Having said that, dapat mo nga akong iwan.

4. Priority ko mga friends ko. Isang aya lang pupunta ako kahit anong mangyari. May one time nung bata pa ko, nasa national tournament ako, i'm about to win pero sinuko ko yung laban ko para makipaglaro sakanila ng holen. Nung nasa college ako drinop ko pa yung accounting subject ko just to be with my friends. Baka pagtagal unahin ko yung friends ko before you. Kaya dapat ngang iwan mo ako.

5. Maliit ako, tamad, di gwapo at ano pa ba? Insecure akong tao. At kailangan ng babae yung taong masasandigan nila. At hindi ako yun. Dahil nga insecure ako. Hindi mo mararamdaman na secured ka sakin kasi i'm full of insecurities kaya tama lang na iniwan mo ko.

6. Masyado akong madaming pangarap. Madami akong gustong marating. Na kasama ka. Dalawang bagay, puro lang yun pangarap. Tapos kailangan kasama ka pa. Hindi ako independent na tao. Kailangan ko ng inaasahan. Hindi yun pasok sa characteristics ng tao na hanap mo. Kaya iniwan mo ko.

7. Gumawa gawa ako ng kwento. Katulad ng mga sinusulat ko. Panay kwento. At ayaw mo ng puro kwento lang. Kahit sino naman ayaw nun. Nakakalibang pero hindi totoo. Gusto natin yung totoo.

8. Sinungaling ako. Hindi ako chess player. I don't drink and smoke. I did not failed in any of my subjects. Ikaw lagi ang inuuna ko. Alam ko ang kahinaan ko pero hindi ako nakaramdam ng insecurities. Yung kahinaan ko ang nagpalakas sakin. Isa lang talaga ang pangarap ko, at yun ay ang ibigin ka. Hindi ako gumagawa ng kwento. Lahat ng sinusulat ko ay base sa karanasan ko. 

Maniwala ka sinungaling ako.

Linggo, Oktubre 12, 2014

Walang Merry (Explicit)

Pasado alas-tres na pagtingin ko sa relo ko habang naglalakad kami palabas ng pamantasan. Wala. Trip lang. Iinom lang. Wala namang broken, o may problema. Wala rin namang okasyon, o selebrasyon. Natripan lang talaga nung biglang nagyaya si Kris kahapon na subukan naman daw naming mab-bar sa Timog, hindi niya pa daw kasi nararanasan yun, at isa pa, pinakamahalaga, gusto mang-tsiks. Ayos lang samin, wala namang problema, halos linggu-linggo na nga kaming umiinom nila Janno at Warren tuwing Biyernes, pero dun lang kami sa isang tahimik na lugar dun sa Cubao (tahimik pag walang event). Tinanggap naman namin siyang isang magandang ideya dahil pare-parehas kaming ignorante sa mga ganung lugar, change of environment ba. Saka, nagbabakasakaling makasipat ang mga hinayupak.
"Mag-taxi na lang tayo, pre. Mahirap byahiin yun kapag ganitong oras. Mahirap na pag nagmukhang haggard," yaya ni Kris. Takte talaga neto, puro babae lang iniisip. Takte pala naming lahat. "Sige, basta libre mo," sabat ni Janno. "Ge, sagot mo pamasahe mo pauwi a." Matigas namang sagot ni Kris. Hm.. Mukhang may inside job ‘tong dalawang ‘to mamaya a. Tumingin ako kay Warren. Mukhang pareho kami ng iniisip.
Si Warren na yung nagmabuting loob na mag-abang ng taxi sa antayan, habang yung dalawa, humihithit ng sigarilyo sa may bandang ilalim ng puno sa istasyon ng pulis na parang hindi naman istasyon ng pulis, umaambon ambon kasi. Habang ako, nasa gitna nila, malapit sa abangan para masabing may pakisama ako’t di ko iniiwan si Warren, at malapit dun sa dalawa para makaiwas iwas sa buhos ng ambon.  Mabilis din namang nakakuha ng taxi si Warren, pinalapit nya dun sa dalawa. “Wait lang boss a, ubusin lang namin,” sabi ni Kris dun sa driver. Makalipas ang apat na hithit niya siguro, “Timog tayo, boss,” sabi ni Kris. “Sa’n po dun, sir?” tanog ng driver. “Basta malapit lang dun sa mga bar bar.” Ayos. We’re in for a night.
Isang bente-uno na mukhang menor de edad, isang bente, isang dise-nwebe, at isang dise-syete. At pota, ako yung dise-syeteng yun. Kapag hinanapan ako ng ID neto, dedo na. Ito yung mga pagkakataong kailangang umaktong matanda, at kahit ilang beses ko nang naranasan ‘to, nakakakaba pa rin. Pagkababa ng taxi, bumili agad ako ng isang yosi kay ateng naka-takatak, “Marboloro Red nga, ‘te.” Dyahe kung may kaibigan ka ngang mayaman at palaging may yosi, black naman ang brand. Si Kris na yung naghanap ng lugar na pagiinuman namin. At putsa, halatang igno, hindi man lang tumingin tingin sa iba, pumasok kaagad dun sa kauna-unahang bar na malapit sa pinagbabaan namin. “No Minors Allowed,” sabi ng signboard dun sa pinto pero wala nang pakialam pakialam. Humithit muna ‘ko ng malalim saka ibinuga bago pumasok sa pinto. “Gandang gabi, sir,” sabi ko dun sa bantay na mukhang bouncer na mukhang presidential guard na mukhang customer na ewan. “Sir, ilang taon ka na?” Putsa, nakatunog ata. Ganito ata talaga pag  beterano na sa mga ganitong larangan, malalaman mo nang nagtatanda tandaan yung isang menor de edad kapag bubuga muna ng yosi bago pumasok w/ matching pilit na straight body. “Dise-nwebe, sir,” sagot ko sabay nagaakmang magbubukas ng bag. “Ah, sige. Magandang gabi rin, sir.” bati nung ewan, na may kasamang ngiting nakakapanginig. Ay, ambot nga.
Madilim yung lugar, na sakto lang para makapagkitaan kayo ng mukha. May tugs tugs tugs, pero sakto lang para makapagkwentuhan kayo ng maayos. Ayos. Ito yung mga gusto ko.  Nagiisa na lang yung bakanteng pwesto para sa bilang namin, ayaw naman naming pumwesto dun sa pangmaramihan, mukhang sugapa, at mas lalong di naman pwede dun sa pang-couple. Napapagitnaan ng dalawang grupo. Dalawang grupo ng babae. Kaso yung isa mga gurangis na, kaya yung isa na lang yung pag-asa . Naupo na kami. Si Kris, iniiscan yung menu. Si Janno, nagtawag ng waiter. At si Warren, nakatitig sa kaha ng sigarilyo, gumugusto. Habang ako, sinisipat yung apat sa kabilang table. Magaganda sila, pero hindi yung magagandang talaga. Iniisa isa kong tignan, mamaya kasi cheerleader effect lang, pero hindi. Tatlo, naka-dress. Isa, naka-short. Yayamanin, mapuputi. Titig pa lang, naglalasang krema na yung dila ko. Umiinom na sila, halo yung mesa ng San Mig Light at flavored beers. Ayos ‘ka ko. “Red Horse sakin,” sabi ko dun sa waiter na parang hindi waiter, kasi mas mas mukha pang customer sakin, dahil sa mga branded na suot.
Isang bucket. Paikot ikot lang yung alak. Paikot ikot lang din yung usapan, at yung nagsasalita. Pare parehas lang naman ng pinaguusapan kada inuman, tropa, babae, relihiyon, diyos, lipunan, ISIS, saka yung nanalo ng lotto na di nakuha yung premyo dahil pinlantsa ng anak yung ticket, pero di pa rin nakakasawa. Pare parehong mukha. Pero. Ewan ko ba. Di ko rin alam. Saktong sakto pagkaubos ni Warren sa huling bote ng unang bucket, may dumating na babae sa kabilang table, kaya pala malumanay lang silang uminom kanina, kasi ata may inaantay. Naka-itim na Jack Daniels style na sando na hindi Jack Daniels yung tatak, maiksing shorts na ewan. Kasing itim ng kalawakan yung buhok, yung mga bituin ay yung kintab. Saktong payat lang, na may laman. Mga ‘gang tenga ko. Maputi. Sobrang puti, parang sterilized na bear brand ang kutis. Mukhang maangas na malambing na ewan. Puta. Dumaan sa harap ko bigla yung babaeng pinapangarap ko. Nasa kalahati na kami ng pangalawang bucket agad agad, na parang hindi na yung inuman yung climax ng istoryang ‘to. Iinom. Sasalita. Tititig dun sa babae. Non-stop rotatation. 
Pagkaubos nung pangalawang bucket, nagyayang mag-CR si Kris, nagpasama kay Janno, hmm alam na. Tapos si Warren, pinaorder nya ng isa pa. Naiwan ako sa table. Tumititig lang dun sa bagong dating kaninang babae. Nagbabakasakaling makarating sa kanyang gusto ko siyang ikama. Tumingin sakin yung babae, pero napadaan lang. Sa pangalawang pagdaan ng tingin niya sa ‘kin, di ko na pinalampas. Nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya, kumilos na ‘ko. Tinawag ko sya. At niyayang pumunta dun sa table namin. At anak ng mahabaging langit nga naman, papunta na sya sa pwesto namin. Nakiupo.
"Anong pangalan mo?" ‘ka ko. "Jane," sagot nya, "Ikaw? Kanina ka pa nakatitig sakin a." "Thirdy. Ayos. ‘Kala ko di mo napapansin e." Tangina talaga, ito yung mga pagkakataong sinusumpa kong wala ‘kong mabangis na dila. "Sus. Tiniis lang kita. Kala ko kakayanin ko." sabay tawa niya. Ay, putangina. May nagwawala nang makatakas sa zipper ko. 
"O, may bisita tayo a." si Kris, sabay sabay nang bumalik yung tatlong hinayupak na may dala dalang dalawa pang bucket, sisig, saka isang sako ng wrong timing. "Jane," sabi ni Jane malamang sabay kumamay naman yung tatlong ungas, si Kris nagtangka pang bumeso, tigas. Pakuha na si Warren ng upuan sa kabilang table nang tumayo na ‘ko’t nagsabing bibili ng yosi sa labas. Papa-fresh air.. Kasama si Jane.
"Badtrip ka sa mga kasama mo?" tanong nya. "Di naman, balak pa ‘ko agawan ng ikakama mamaya e." sagot ko habang humihithit ng sigarilyo. "Ay, ang kapal mo a." tawa naman niya. "San ka nakatira?" ‘ka ko. "Fairview lang, sa may Casa Milan. " "Seryoso? Along the way lang pala kita e." sagot ko naman. Tanginaaaa. Jackpot ata ‘ko ngayong gabi. Malapit na samin, sa yayamaning lugar pa nakatira, mayaman, sa kanya ko ipapasagot yung bayad sa hotel mamaya pag nagkataon. Sa Bulacan ako ‘kako nung tinanong niya kung san ako nakatira. Wala na ‘kong nabanggit na maski isang salita pagkatapos nun. Putakte, utak, gumana ka, galit na si Manoy. Pakiusap. Pakiusap. "Gusto mo samin na lang?" binarag nya yung nakaharang na katahimikan kanina. "Anong sa inyo?" "Alam mo na." sabay ngiting nakakapanlibog nga naman talaga.
Nag-taxi kami palabas ng GMA. Saka na nag-abang ng bus dun pa-Fairview. Panandalian kong nakalimutang may mga kaibigan akong iniwan ng walang pasabi sabi. Panandalian kong nakalimutang may nililigawan ako. Pero tangina, sa mga ganitong pagkakataong bumaba ang dyosa sa harap mo mula sa kalangitan para dalhin ka sa kaharian nya, wala ka ng magagawa.
Sa bandang dulo kami ng bus pumwesto. Nakaakbay lang ako sa kanya, samantalang sya, nakasandal sa ‘kin. Sa likod namin, may pamilyang nakapwesto, nagaayos ayos na ng gamit, kaya mukhang pababa ng bus. Pagbaba netong mga ‘to, tangina, hahalikan ko na ‘to kaagad. At bumaba ang mga sagabal. Pagkaandar ng bus. Bigla niya ‘kong hinalikan. Ay pota, palaban si ate. Pumalag ako, may rebatt agad siya, naglabas ng espada. Naglabas ng dila. Nakapikit siya, habang ako tumingin tingin sa konduktor kung nakatingin ba samin. Buti na lang tulonggis si manong. Gusto ko sanang hawakan yung suso niya, kahit medyo hindi siya nabiyayaan ng Panginoon ng hinaharap, pero wala na ‘kong pakialam, putangina, ang ganda pa rin niya. Gusto ko sanang hawakan yung dibdib nya, kaso pag tumingin yung konduktor banda samin, halatang halata kaya hinayaan ko na lang. Tagal naming nagespadahan, at di pa rin bakas kung sinong mananalo. Yung kanina nya pang makulit na kumamay, biglang nagalburuto. Hinihimas himas na niya yung pantalon ko, banda kay Junior. Putangina, kinukulit yung zipper ko. Pahiya ‘ko neto pag pinasok nya yung kamay nya sa pantalon ko, tangina, mamasa masa na sa sobrang galit. At pinasok nga ni anong-pangalan-niya-ulet. Tangina, bihasa. Nagkaroon na ng talo sa espadahan. Napapikit na lang ako. Wala ng pakialam kung makita man kami ng ibang tao. Putangina lang talaga. Ang sarap. Nung nasa bandang St. Peter’s Church na kami. Yung kamay ko naman yung sinapian. Nakangiti  lang siya habang nilalaro yung pagkalalaki ko, samantalang ako, parang lalabasan na sa sobrang galing niya. Di ko na napigilan, gusto ko naman ibalik yung pabor, gusto kong sya naman yung pasiyahin. Yung kamay kong hasang hasa sa mga pornsite kung panong maglaro ng mani, ay sasabak na naman sa isang misyon. Hinalikan ko siya, sabay hawi ng buhok, dumaan sa leeg, pababa sa flat-chested niyang dibdib, kaunting kiliti sa kanyang pasas, pababa sa pantalon. Pinasok ko yung kamay ko sa short niyang pangsabak, at gumuho bigla ang mundo ko sa harapan ko, puki ng ina, bakit may talong na nakatalukbong.


(C) Clifford Andawi kaibigan ko hihi

Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Ikaw at ang pulang buwan

Maganda daw ang buwan ngayon sabi nila. Gusto ko din sanang tignan. Pero hindi ko magawa. Nakatingin kasi ako sa litrato mo. Maganda din. Hindi ko lang alam kung alin ang mas maganda. Napaka unfair naman sayo kung sasabihin kong kasing ganda mo yung buwan. Dahil hindi naman yun ang tingin ko. 

Mas maganda yung bilugan mong mata kesa sa buwan. Mas makinis ang iyong balat. Walang bako. Yung namumula-mula mong pisngi ay mas matingkad kesa sa kulay ng buwan. Madami pa akong pwedeng maikumpara sayo at sa buwan. 

Pero kilala kita, ayaw mo ng pagkukumpara kaya titigilan ko na. Sasabihin ko na lang yung pinagkaparehas nyo. Maganda ka, at maganda din yung buwan. Parehas kayong malayo. Mataas, imposibleng abutin. Parehas ko kayong gustong makita pero wala akong ginawa kundi mag kulong dito sa maliit kong kwarto. Kahit hanggang tingin lang, wala akong ginawa.

Linggo, Oktubre 5, 2014

Yung gabing kasama kita.. Jane


Pasado alas otso nung dumating ako kila james. Birthday kasi ng isa naming tropa. Malamig ang panahon. Madilim ang kalangitan. Parang bubuhos ang ulan pero hindi. Wala din ang mga magulang nila James. Sakto. Masarap magsaya neto.

Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagsaya simula nung iniwan ako ni Elsa. Mga tatlo o apat na buwan ata akong nagmumukmok. Pakiramdam ko na nga nag iinarte na lang ako. Kaya ngayong gabi naisipan kong lumabas at magsaya. 

Nasa kalagitnaan ng ikot ng Alfonso nung dumating ako. Kaya sa susunod na ikot na ko uminom. Tahimik lang ang lahat. Nagtitinginan. Parang nag uusap sa mata, tapos tatawa. Tahimik ang paligid pero ramdam mo yung saya. 

Nagpaalam ako kay James na kung pwede ko bang kausapin si Mary Jane. Gustong gusto ko na kasi siyang makausap. Matagal tagal na din nung huli naming pagkikita. Saka kanina pa naman sila magkasama. Ayaw pumayag ni James, pero lumapit si Jane. Kahit na nahihiya ako dahil nga ayaw ng tropa ko, eh palay na ang lumapit sa manok di ba? Tukain na syempre. 

Eto ang gusto ko jane. Ang sarap kausap. Kahit anong ikwento nya napapangiti lang ako. Kinuwento niya yung tungkol sa aso nila na ang laki nung tae, tawa ako. Kinuwento niya yung nabasa niyang libro, tawa ako. Tinawag nya ako sa pangalan ko, tawa rin ako. Ang simple lang ng usapan pero napapasaya nya ko. Napapaisip tuloy ako kung pag-ibig na ba to?

Saglit lang kaming nag-usap tinawag kasi siya nung gwapo naming tropa. Eh wala na din naman akong masabi kaya sige hinayaan ko na lang siyang umalis kasama ng tropa ko.

Masaya na kong pinapanood ko silang nag-uusap. Makitang masaya sila. Okay na kong nakasama ko siya kahit saglit lang. 

Jane salamat. Sa oras, panahon, sa saglit na pag-uusap natin, pakiramdam ko tatlong buwang kasiyahan yung nailabas ko. Kagabi natuto ulit akong ngumit at tumawa sa mga simpleng bagay, 

Biyernes, Oktubre 3, 2014

Nothing good happens after 2.am


Nothing good happens after 2 A.M. sabi ng marami. Totoo naman. Huli akong inabot ng Alas dos ng madaling araw eh nung hiniwalayan ako ni Elsa. At syempre, nasanay akong hindi natutulog ng hindi kami nagkakaayos kaya gising lang ako. Magpupumilit at mauuwi lang sa mas malaking away.

Pasado alas dos din ng madaling araw ng maholdap kami ni David dati sa tapat ng dating eskwelahan na pinagtatrabahuan ko. Suspetsa namin eh napagtripan lang kami dahil parehas kaming maliit.

Pasado alas dos din ng madaling araw kung saan marami daw nagpaparamdam na mga ligaw na kaluluwa. Pasado alas dos din nung tuluyan kaming naghiwalay ni Elsa.

Pero kanina, hindi ko yun pinaniwalaan. inabot na ako ng Alas tres. Galing ako sa gimikan. Nakilala ko Sophia. Maganda, may sense kausap. Hindi ko na nakita kung sexy sya o hindi dahil sa patay sinding ilaw at dulot ng kalasingan. Hinatid ko siya sa kanilang bahay, hiningi ang cellphone number at facebook account kung saan ko siya ma-iaadd sa aking friendlist.

Tanghali na ko nagising. Pero okay lang. Good vibes parin. Naalala ko yung mga ginawa namin nung gabi. Habang nasa bus kami, nakayakap siya sakin, nagnanakaw pa ako ng halik sa kanyang noo, sa pisngi, at kung alam kong walang nakatingin sa amin, pati na rin sa labi. Madiin na halik. na ikinatutuwa naman niya. Magkahawak kamay pa kami na parang hindi na maghihiwalay kahit na kakakilala pa lang namin.

Tumawag ako sakanya at nag good morning tapos binaba ko na. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin saka gusto kong mabitin siya sa pagtawag ko para sya ang magteks sakin. Pero wala ata siyang load. 

Binuksan ko yung facebook ko at sinearch ko yung facebook account niya. Tang ina kako. Bading si Sophia.

Muli akong naniwala na nothing good happens after 2 A.M
Masyado akong napapahanga sa mga sinusundan ko dito sa blogger, nalimutan ko ng magsulat. nakontento na  akong magbasa na lang xD