Miyerkules, Disyembre 24, 2014

Ayaw naman talaga kitang maalala ngayong pasko.

Kaso hindi ko maiwasan.

Naaalala kita sa mga putaheng nakahain sa lamesa. May isang pasko na sabay nating niluto tong mga putaheng to.

Sa mga kanta sa videoke ng kapitbahay namin. Mahilig ka kasing kumanta. Yung ibang kantang kinakanta nila eh kinakanta mo sakin dati sa telepono o kaya sa klasroom natin dati.

Sa biglaang pag-ulan kanina. Wala nanaman akong payong. Ikaw kasi yung nagdadala at nagtatago nung payong natin dati, naiwawala ko kasi.

Hindi ko alam kung malamig ba talaga yung panahon o nangungulila lang ako sayo?

Ayaw naman talaga kitang maalala ngayong pasko pero hindi ko maiwasan.

Lalo ngayong kasama na kita :)

Lunes, Disyembre 8, 2014

Kung tayo pa nun siguro..

May picture akong nakangiti sa PICC tayo kung san tayo nagtapos.

Ako yung nagluto ng Carbonara nung birthday mo.

Nag Ice Skating tayo nung 1 year at nine months natin.

May litrato kami ni Eros Atalia, Manix Abrera at Jun Cruz Reyes nung byaheng panulat.

Alam kong kukunan mo ako ng litrato nun. 

Katulad ng pagkuha mo ng litrato ko dati kasama si Xiao Chua, R.A Rivera, Ramon Bautista at Lourd de Veyra.

Kung tayo panun, hindi siguro ako nagdiwang ng kaarawan ko ng mag-isa. Alam kong hinding hindi mo ko hahayaang mag-isa.

Tiyak sasamahan mo ko. Gaya ng dati mong ginagawa. 

Siguro ikaw pa ang magluluto ng Spaghetti na ihahanda ko tapos aayain mo akong lumabas.

May picture sana akong nakangiti sa Moa's eye kung saan tayo nagsimula.



Sabado, Nobyembre 29, 2014

Kung bakit hindi kita aayain mag starbucks


Ikaw ang alaala ko sa unibersidad. Sa 6th floor kung saan tayo nagru-room.

Sa linear park kung saan ako nagyoyosi. Sa mga kainang walang upuan sa north at east.

Sa teresa street. Sa bilihan ng pugo, sa 7/11, sa sakayan ng jeep.

Sa farmers plaza. Sa bilihan ng damit sa pinakataas na floor. Sa papuntang Araneta sa sumunod na floor

Sa may Penshoppe at Juana sa 3rd floor. National bookstore at brownies sa 2nd floor.

Sa lugawan, inuman at pizza hut sa ground floor.

Sa sakayan ng bus sa labas hanggang sa hyper market.

Ikaw ang alaala ko sa buong byahe papunta o pabalik

Sa circle kung saan tayo unang nagdate. Sa jolibee sa philcoa kung saan tayo kumakain pag galing UP.

Sa kahabaan ng UP Gym hanggang tandang sora kung saan tayo naglakad kasama ng mga kaibigan.

Sa Human Nature kung saan nagtatrabaho yung pinsan mo.

Sa St.Peter Parish kung saan ako nagtapat ng pag-ibig sayo. 

Sa Sandigan kung san ka nag nakaw ng halik sakin.

Ikaw parin mula sa SM Megamall hanggang SM North at Trinoma. Sayo ang buong kahabaan ng Edsa

Hanggang sa Maynila. Sa Paco Church. Sa Vicente Cruz, Espana, Kalaw, Intramuros.

Sa Magallanes, Moa, Pasig, Paranaque pati sa Batangas nung nagthesis ako.

Hanggang dito sa Bulacan. Sa Norzagaray, sa bahay ng tropa ko. Sa bahay kasama ang kapamilya ko.

Halos lahat ata ng napuntahan ko ay kasama kita. Palagi tayong masaya kaya ang daming alaala.

Dito lang kita hindi naisama. At kahit kailan hindi kita aayain dito. kasi....

1. Masyado ng maraming masasayang alaala kami dito ng mga kaibigan ko. Ayoko ng ibang alaala dito bukod sakanila.








2. eto na lang ata ang lugar na napuntahan ko na hindi kita kasama. 

saka, hindi ka naman sasama pag inaya kita, kasi may iba ka ng kasama. 

Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

Sa madilim na sulok ng Sta.Mesa


Malamig ang gabi kagabi. Senyales na malapit ng mag pasko. Kung sabagay malapit naman na talaga. Hindi ko lang alam kung ilang araw na lang. Tumigil na kasi ako sa pagbibilang ng mga araw. Huli kong bilang eh 175 days simula nung iniwan ako ng dati kong kasintahan. 

Galing ako sa isang unibersidad kahapon. Nanood ako ng laro ng mga dati kong kateam mate. Sa kasamaang palad medyo inalat yung laro nila. Kaya yung kasama namin nag-ayang maghappy-happy para man lang makalimutan ang lungkot dala ng pagkatalo. Hindi naman ako makahindi. Hindi dahil atat akong mag-inom, libre kasi. Mahirap talagang tanggihan ang libre. 

Napadpad kami sa pamilyar na lugar. Sa kanto sa may jolibee sa bandang Sta.mesa. Dun sa kahit hindi pasko eh patay-sindi ang ilaw na parang mga christmas lights. May lamesa, plato, kutsara't tinidor pero walang ulam at kanin. Pulutan lang ang meron. May baso pero walang tubig. Beer lang ang meron. Takot ako sa dilim lalo't hindi ko kilala yung mga aninong nandun.Madami na kasi akong karanasan sa mga holdap. Pero kagabi hindi ako takot. Walang wala ako kagabi kahit pangyosi. At tiyak kong hindi holdaper yung mga naka mini-skirt doon.

Pumasok na kami. tipikal na beer house. Patay sindi ang ilaw, madilim, maingay. Kakaunti lang ang tao. Alam ko kung bakit. Sabi kasi nung kalendaryo ko 24 pa lang. Kadalasan ang sahod eh sa katapusan pa, o kaya naman 20 o 25. Pero kahit wala pang sahod andun kami. Kailangan naming maging masaya kahit papano. Yung kasama ko gustong makalimot sa pagkatalo, ako naman ayaw ko lang talagang umuwing maaga at isa pa nalibre kasi.

Nilapitan kami ng isang lalake. Malaki yung katawan. Me phobia ako sa mga lalaking malaki ang katawan lalo na sa ganitong lugar. Nung huli akong nag punta sa ganitong lugar eh halos buhatin na ako palabas nung lalaking malaki yung katawan dahil ayaw nyang maniwalang bente dos na ko at wala akong ID. Pero tong isang to eh hindi naman. Tinanong lang kung lights o red horse yung bibilhin namin.

Bumili kami ng isang bucket ng lights. Konting kwento. Dead air. Konting kwento Dead air. Para kaming magjowa na nagbreak tapos biglang nagkita. Ang hirap mag-usap. Hindi naman dahil parehas kaming lalaki. Ang ingay lang kasi ng lugar. Ayaw naman naming magsigawan. 

Napansin ata nung isang mamasang (bugaw) na hirap na hirap kami kaya lumapit sya at may ipinakilala.

Hindi naman kami suplado kaya nakipagkilala din kami sa dinala sya samin. Eh ang kaso kakakilala pa lang namin tong mga babae naman, (ewan ko kung babae talaga) eh nagtuturo na. Hindi pa daw sya kumakain at nagpapabili ng sisig. At sakin pa nanghihingi. Yosi na lang yung inalok ko dahil walang wala nga ako. Kinuha na rin nya. Hindi pala mahiyain si ate. Tumatanggap ng alok kahit na alam nyang hindi bukal sa loob. Kung alam lang nya, dinadasal ko na magka TB  sya pagkaubos nya nung yosing kinuha nya sakin.

Konting kwento. Konting lambing. Tapos nagtuturo nanaman. Gusto din daw uminom. Sa totoo lang may budget yung kasama. At gusto na din naming mag table. Ang kaso kasi, hindi namin tipo yung dalawang nakaupo. Saka masyadong masiba. Kahit yung baon kong mani hindi pinatawad. Inubos pa yung yosi namin. Hindi na lang namin kinausap. Ganun daw ang pinakamadaling paraan para iwanan ka ng tao. Huwag mo daw pansinin. Effective. Umalis nga yung dalawa. Pero nanghingi pa ng bente. Pang yosi daw. Binigyan ko naman.

Konting inom. Kanta. First time kong kumanta sa ganitong lugar. Nung birthday ko kumanta ako sa bar sa MOA, sa 5th o 4th floor ng farmers. Kumakanta din ako sa videoke ng kapitbahay namin pero iba pala pag dito ka kumanta. Nakaka-pressure. Tinitignan ka ng mga taong hindi mo kilala. Sa palagay ko hinuhusgahan na nila ko. Shet. Nairaos ko naman yung binirit kong half crazy ng freestyle. 

Pagkatapos nun may lumapit sa table naming babae. Balingkinitan ang pangagatawan. Nakasuot ng polo pero yung dalawang butones sa taas lang yung nakasara. Naka shorts sya ng maong na halos isang dangkal ko lang ata yung haba. Makapal yung make-up pero walang lipstick. Maiksi yung buhok. 'ang galing mo palang kumanta' bati nya sakin. Aba, minsan na lang mabola magpapahumble pa ba ako? Sabi ko wala pa yun. Saka hindi lang sa pagkanta ako magaling sabay kindat. Tawanan kami. Ewan ko lang kung parehas kami ng iniisip. Basta ako ang ibig kong sabihin dun eh bukod sa magaling ako kumanta eh magaling din akong magchess. 

Kumuha sya ng isang upuan tapos nakisalo sa table namin. Pia daw ang pangalan nya. Ewan ko lang kung totoo o hindi. Sa napapanood ko kasi eh iba yung pangalan nila sa umaga at iba din sa gabi. 

'kukuha ako?' tanong nya sakin. Ladies drink yung tinutukoy nya. Tutal medyo tipo ko naman yung itsura nya saka wala na talaga kaming magawa eh pinakuha ko na. 'Isa lang muna, depende kung masusundan' sabi ko. Tawa nanaman kami. Ewan ko lang kung parehas kami ng tinatawanan. Basta ako depende kung may pera pa yung kasama ko.

Mahawak tong si Pia. Bago ako magkwento papatanong nya yung kamay nya sa hita ko. O kaya naman kada magrereact sya sa kwento ko eh papalo sya ng marahan sa balikat ko. Minsan nagnanakaw din sya ng kurot sa pisngi ko sabay banat na kukuha pa daw sya ng isa pa. Ladies drink daw ulit.

Since wala akong pera, nagpaalam muna ako sa kasama ko. Medyo short na daw kasi aakyat daw sya sa VIP room. Pero iiwanan daw nya ko ng 300 tapos dumiskarte na daw ako. Hindi ko maintindihan yung sinasabi nyang dumiskarte. Ibebenta ko ba yung kidney ko para madagdagan yung 300 o bobolahin ko si Pia para sya na lang magbayad ng ladies nya. Saka teka pwede ba yun? Eh dun nga sya kumikita tapos kakakilala lang namin eh gagastos na sya para sakin. Teka, kakakilala ko lang sakanya ah? Bakit ako gagastos para sakanya. Bahala na.

At umakyat na nga ang kasama ko sa VIP at naiwan ako kasama ni Pia. Tinanong ko muna sya kung magkano yung ladies. '170 lang' sabay palakad ng hintuturo nya sa mukha ko. Tinanong ko kung magkano sakanya dun. 70 daw. Sabi ko kumuha sya ng isa, tapos bibigyan ko na lang sya ng isang daan basta tagalan lang nyang ubusin yung ladies nya. Pumayag naman sya.

Tinanong nya ko kung madalas daw ba ako sa mga ganitong lugar. Sabi ko pangatlong beses palang pero hindi sya naniwala.Parang sanay na daw akong makipag usap. Ganun daw kasi ang istilo para makatipid. Bibigyan na lang yung babae kesa mapahamal pa sa ladies drink. Pero promise pangatlong beses ko pa lang talaga. Hindi ko pa nga alam na kapag tinanong mo sila kung gaano na sila katagal sa ganung trabaho eh ang sasabihin nila sayo eh dalawang linggo palang sila doon.

Ewan ko kung ganun talaga ang briefing sakanila doon o madali lang talagang magsinungaling sa hindi mo kakilala. Kasi wala naman silang patunay kung nagsasabi sila ng totoo. Pero sa bawat tanong nya sakin sinasabi ko yung totoo, ayoko kasing magsinungaling baka isipin ko ding nagsisinungaling sya kahit halata. Nung huli kasing punta namin dito eh nakita ko na sya. Last month yun. 

Banatan. sweet talk. inom. Nagsawa agad ako. Hindi ko pa pala kayang may humahawak sa kamay ko o may sumasandal sa balikat ko maliban dun sa babaeng nang iwan sakin. Hindi parin pala ako sanay mambola ng ibang babae na maganda sila etc. etc. Kaya pumunta na lang ako sa seryosong usapan.

Sinimulan kong tanungin kung Pia ba talaga ang pangalan nya. Hindi ko alam kung pinapanindigan lang nya yung kasinungalingan nya o nagsasabi sya ng totoo na Pia nga yung pangalan nya. Sinabi ko din na kaya ko natanong eh dahil nagdududa ako. Sa pag-uusap namin eh nalaman kong taga-bulacan din sya. Panganay sa tatlong magkakapatid at minsang nangarap na maging tourism student. Sa kasamaang palad eh wala silang pang tustos ng pag-aaral kaya nung pagkatapos sya ng hayskul ay nag-apply sya ng trabaho sa Maynila. Natanggap naman kaagad sya bilang serbidora daw sa kantina ang kaso pag punta nya ng Maynila eh dito sya sa madilim na lugar ng Sta.Mesa napadpad.

Ang lupit talaga ng mundo. Wala lang. Ang daming manloloko at naloloko. Madaming nang-iiwan at iniiwan. Teka hindi ata bagay na magmoment ako ng ganito matapos kong marinig yung kwento nya. 

Natanggal lahat ng duda ko. Naniwala na akong Pia ang pangalan nya at 20 years old lang sya. Tang ina mas matanda pa ko. Tapos sya nagtatrabaho ng ganun para lang mabuhay ang kanyang pamilya samantalang ako eh hindi nag ayos sa pagtatrabaho.

Bumaba na yung kasama ko. Kitang kita mo yung tuwa sakanya. Nalimutan na nya siguro yung pagkatalo nila kaninang umaga. Uuwi na daw kami pagkatapos nyang mag CR. 

Nag-paalam na ko kay Pia. Makikipag-apir lang sana ako pero yumakap sya. Walang kilig. Inabutan ko sya ng isang daan at nagpasalamat sa kwento. 

Hinatid kami palabas ni Pia at nung kasama nyang babae. Mga ilang hakbang pa lang may dumating na parokyano. 'Apple long time no see' pagtingin ko si Pia yung yakap-yakap. Tang ina sinungaling.

Sabado, Nobyembre 22, 2014

Nung gabing wala akong tulog


Kahapon, bumalik muli ako sa burol. Nakita ko ulit si tatang na adik. Nagkwentuhan ulit kami at tinuruan nya akong maghagis ng barya sa kara krus.

Naglaro ako magdamag ng chess, pusoy at tong-its kasama ng mga kateam mate ko. 

Nakakita ako ng nagtsotsongke at nagpapagulong ng bato. 

Nakipag kamustahan sa mga kaibigan.

Pagkatapos ng huling gabi ng burol ay dumeretso kami ng swimming ng dati kong estudyante.

Namalengke kami, naglaro, nagpicture, kumanta at syempre lumangoy. 

Pagod ako dahil halos tatlong araw akong walang tulog.

Madami akong nakita. At hindi kasama doon ang kalungkutan.

Linggo, Nobyembre 16, 2014

Isang gabi sa burol

Ayoko ng may namamatay akong kakilala o kamag-anak ng kakilala ko. Ayoko din ng burol. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko ding sumilip sa kabaong at tignan ang itsura ng nakahiga doon. Pero kahit na ayoko hindi naman yun makakapigil sa ganung pangyayari. Dahil katulad ng kapanganakan, ang kamatayan ay natural lang. Kaya eto kami papunta ngayon sa isang burol. Namatay ang nanay ng kaibigan ko. Kahapon lang ay malakas pa daw iyon, kaya nagulat sila sa biglaang pagkamatay.

Ako din nagulat, bukod sa ansaya-saya pa naming nag-uusap nung nakaraang gabi, eh yung burol daw eh gagawin sa Sandigan. Malapit sa bahay nung dati kong kasintahan. Mapaglaro talaga ang tadhana. Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ko bababa doon kahit anong mangyari, pero nasira ko agad ang pangakong yun. Gaya ng pangako ko sakanya dati na hindi ako susuko kahit anong mangyari.

Tumuloy parin ako. Sanay na rin kasi akong sumira ng mga pangako. Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko sa may barbershop sa sakayan ng tricycle. Tuwang-tuwa kami kasi halos tatlong taon o apat na yata na hindi kami nagkita-kita. At sa wakas nagkita na rin, kaso sa malungkot na lugar. Sa burol. 

Eto ang ayoko sa burol. Yung magkikita-kita lahat ng kamag-anak na bihira lang magkita, o kaya yung mga magkakaklase na nabubuo lang kapag may ganitong pangyayari. Kailangan pa ba talagang may mamatay muna bago makaalalang dumalaw o magsama sama?

Matapos ang mahabang byahe sa tricylce, nakarating na din kami sa wakas. Naligaw pa kami, pano ang sinabi lang eh yung street, hindi na sinabi kung ano yung block o lot ng bahay. Akala ko nga paglalamayan na din kami, pano napakaraming gangster na naglipana! Medyo madilim pa yung lugar, buti na lang at mababait yung mga gangster na yun. Hindi parin talaga pwedeng husgahan ang tao base sa itsura at lugar kung saan sila nakatira.

Sa mismong burol makikita mo yung iba't ibang ginagawa ng mga tao. May malungkot, may nagsasaya. Merong nakiki balita lang. Maraming dahilan kung bakit pumupunta sa isang burol. Yung isa kong kasama kakarating pa lang nagpusoy na. Yung iba pumasok at nagpahayag ng pakikiramay. Ako naman sumama sa umpukan ng naglalaro ng kara-krus. Iba-iba ang gustong gawin at dahilan namin pero parehas ng pinuntahan.
Pero bakit tayo, parehas tayo ng gusto at dahilan pero bakit sa magkaibang lugar tayo napadpad? Bakit ikaw lang ang masaya at ako lang ang malungkot? 

Ah ewan. Nasa tao daw yun kung ano ang gagawin nya. Wala sa lugar, wala sa pangyayari. Pinili kong maging malungkot para mapasaya ka at pinili mong maging masaya sa kabila ng kalungkutan ko. Sabi mo kasi, ayaw mo na dahil hindi ka na masaya sakin, sa atin. May magagawa ba ko dun? Wala. Katulad ng pangako ko sayo dati, wala akong magagawa kundi bitawan yun.

Sa umpukan ng naglalaro ng kara-krus nakilala ko si Tata Berto. Isang adik. Napansin ko sya matapos nyang sabihin yung linyang nagpasaya ng gabi ko. "Bobo neto, grade 4 lang tinapos mo mas marunong ka pa saken? At ikaw naman, pagrounded grounded ka pa, kuryentician ka ba?"
nung una hindi ko pa naintindihan yung kuryentician, saka lang nag sink in sakin na yung 'grounded, kuryente' tapos nakuha ko yung ibig nyang sabihin. Electrician.

Tuwang-tuwa ako kay Tata Berto. Hindi ako nakatiis eh kinausap ko sya. Nagsimula yung pag-uusap namin sa pag-aalok ng yosi. Natutunan ko yun sa Espana. Sa pagkukwentuhan namin, nalaman ko na grade 6 ang tinapos nya, at sa edad na kinse eh nagkarpintero na sya. Sumide line din sya bilang kundoktor ng bus at doon nga sya natutong magpagulong ng bato. Nung panahong nag-uusap kami alam ko din na nakabatak sya nun. Panay ang galaw nya, nguya ng nguya at hindi mapakali ang daliri. Hiningan nya pa ko ng isa pang yosi tapos sumibat na sya dahil maglalaro pa sya.

Ganun ganun lang. Iniwan nya ko matapos nyang makuha ang gusto nya. Shet. May mga ganong tao talaga sa mundo na minsan eh naiisip ko sana sila na lang yung nakaburol jan o sa kung saan mang burol.

Buong magdamag kaming gising ng mga kaibigan ko. Masayang nagkukwentuhan. Kahit yung namatayan naming kaibigan, makikita mo sakanya yung bakas ng kaunting saya. Saya dahil nabuo ulit kami at alam nyang may kahati sya sa kanilang kalungkutan. 

Matagal ko ng hindi nakikita yung iba kong kaibigan at kamag-anak. Naisip ko tuloy pasiyahin sila kahit isang gabi lang.

Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Maiksi ang saya. Mahaba ang paghihintay.

Parang kanina, ilang buwan din kitang hinintay na makita sadya man o hindi. At ayun nga nag kita tayo, ng di sinasadya. Suot mo yung binili nating damit dati nung pumunta tayo ng Batangas para sa thesis ko. Madaming tao sa mall kaya hindi mo agad ako nakita. Nag-aalangan din ako kung ikaw ba talaga yung nakita ko, kasi ang alam ko may pasok ka ng ganung oras. Kaya siniguro ko muna.

Tinignan kita mula sa malayo. Pinagmasdan ko yung mukha mo, yung buhok, yung ngiti, ikaw na ikaw. Kaso wala yung kwintas sa leeg na binigay ko nung anibersaryo natin. Pero alam kong ikaw na ikaw yun.

Kaya naglakad na ko papunta sa dereksyon mo. Nag-aalangan pa ko nung una, kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Kakaway lang ba ako tapos aalis o uupo ako at makikipagkwentuhan. Pag ginawa ko yun di kaya awkward? Pero bahala na. Bihira lang na makita kita kaya lumapit na ko.

Medyo malapit na ko nung nakita kong may kasama ka, magkaholding hands pa kayo nun. Nagulat ako, nakita mo ko tapos nagulat ka rin. Napabitaw ka pa dun sa kamay ng kasama mo, sabi ko okay lang. Hindi ko na tinanong kung sino yun nagkamay na lang kami, sabi ko dati mo akong kaklase.

Ngumiti naman sya. Naikwento mo kaya ko sakanya?

Umalis din ako kaagad para hindi ko kaya maabala. Akala ko talaga magiging masaya yung pagkikita nating dalawa pagkatapos ng ilang buwan pero hindi pala.

Oh Em Jie

Ang dami kong gustong isulat.

Kung paanong akala kong naka move on na ko sayo pero nalaman kung hindi pala nung nagkita tayo ng hindi sinasadya. Nagulat ako. Nagulat ka din kaya napabitaw ka sa kamay nung lalaking kasama mo.

Masakit parin akala ko kapag dumating yung araw na makikita kitang may kasamang iba masasabi ko na 'sana maging masaya kayo' tapos sabay ngiti.

Hindi naman ako bitter na bitter, nabigla lang siguro ako. Kasi sabi mo wala kang panahon sa love life dahil busy ka sa trabaho at ayaw mo muna ng commitment. Pinagtanong tanong ko tuloy sa mga kaibigan mo kung alam nila na may boyfriend ka na ulit. At oo, tatlong buwan na pala kayo. Shet na lang ang masasabi ko.

Gusto ko ding isulat kung paano ako nasisante sa pinagtatrabahuan ko. Hindi naman dapat ako mabibigla. Pano ba naman eh kung paghatian nila yung schedule ko eh andun ako. Kaya kinausap ko yung coordinator ko. Sabi nya huwag ko daw pansinin dahil wala naman daw yun. Kumampante naman ako at umasang wala nga lang yun. Laking gulat ko nung nakaraang lunes nakatanggap ako ng sulat galing sa Principal. Hindi ko muna binasa pero alam ko na kung anong nakalagay. Kamot na lang ako ng ulo.

Isusulat ko din sana kung paanong nalungkot yung mga estudyante ko sa biglang pag-alis ko. Yung iba ay nagalit dahil hindi ako nakapag paalam. Hindi ko naman din kasi alam. Sabi kasi nung coordinator ko 'wala lang naman daw yun.' Kaya nag-appeal ako sa principal, umabot ako sa puntong sabi ko kahit wala na akong sahod (walking distance lang kasi yung school sa bahay namin) basta tapusin ko lang yung school year, ayaw ko kasing iwan yung mga bata at talagang ang hirap naman silang iwan dahil nung kasagsagan nung kalungkutan ko dahil sa break up eh sila yung nagpapasaya sakin. Pero wala. Pano ba naman yung floating teacher pala na pumalit sakin eh kamag-anak ng kung sino dun sa school. Haaaay

Gusto ko sanang isulat lahat to para mailabas ko lahat ng sakit, sama ng loob at lungkot na nararamdaman ko. Pero wala. Shock parin ako sa lahat ng pangyayari. Hindi ko pa matanggap ang lahat. Yung ex ko may boyfriend na. Nasisante na ko tapos may kapalit na agad ako kaya hindi na ako makaapila. Tapos pakiramdam ko nang iwan ako sa ere.

Kung sinabi ng ex ko na meron na syang iba dati pa siguro mas nakapaghanda ako. Naihanda ko sana yung sarili ko na makita sila sa kahit saan na ang sweet sweet. Kung sinabi lang nung coordinator ko na may problema edi sana baka naagapan ko pa, at sana nakapag paalam ako ng maayos sa mga estudyante ko kung sakaling hindi na talaga maaayos.

Di man lang nila naisip na idahan-dahan. Kasi hindi ako sanay sa biglaan, unti-unti na lang sanang nawala. Napakanta na lang ako.

Sabado, Nobyembre 1, 2014

Cold summer nights

Mag-aanim na buwan na nung iniwan sya ni Sophie. Yung matangkad, maganda, matalino at makinis nyang girlfriend. Matagal-tagal din ang kanilang pagsasama kaya nakakaramdam sya ng labis na pangungulila. Kahit na ba sa halos dalawang taon nilang pagsasama ay madalas silang mag away at pakiramdam nya hindi na sya mahal ng girlfriend nya. 

May mga gabing hirap syang matulog. Masyado ng maluwag ang kamang dati ay sakto para sakanilang dalawa. Sariwa pa sa kanyang alaala ang mga gabing pinagsaluhan nila. Magtitigan, magnanakaw ng halik. Magkukwentuhan ng mga pangarap. At ang pinaka namimiss nya ay ang pagyayakap nilang dalawa para labanan ang lamig ng gabi. 

Alaala na lamang ito. Sariwang alaala kahit na halos anim na buwan na ang nakakaraan. Naiwan pa sa unan ang amoy ng mabangong buhok ni Sophie. Naririnig parin nya parin sa kanyang isip ang maganda at mapang-akit nitong boses. Nakatatak parin sa kanyang puso ang kanilang mga pangarap.

Ang gabing ito ay hindi iba sa mga gabing nagdaan anim na buwan ng maghiwalay sila ni Sophie. Hirap syang makatulog. Tumingin sya sa bandang kaliwa ng kama at bumuntong hininga.

'Haays. Tama na ang drama, ang mahal mahal ng kuryente'

Bumangon sya at pinatay ang lintek na Aircon. 'Kahit nandito si Sophie malamig parin ang gabi.'

Stalker

Kung nasaan ka, andun sya. Parang tanod na nakabantay sa kilos at galaw mo. Nasa shaw ka man o Ayala nandun din sya, kahit ang trabaho nya ay nasa Sta.Mesa. Wala naman kaso sakanya ang distansya, basta makita ka nya masaya na sya. Hindi ka na nya kailangang kausapin o ano pa man. Basta makita ka nya okay na.

Kung di ka man nya makita, iteteks ka nya. Kahit di ka pa magreply. Minsan sinasabi nya ingat ka, o kaya naman namimiss ka nya. Wala syang paki kung hindi ka sasagot, hindi ka naman daw nya inoobliga. Naiintindihan ka daw nya. Alam nyang naka focus ka sa career mo ngayon at galing ka pa sa break up. Pero kaya naman daw nyang mag-antay.

Nagstatus ka ng ingles, ni-like nya. Nagpost ka ng pinakapangit mong picture, ni-like nya. Nag status ka ng 'hays' ni-like nya din. Nagtweet, upload ng pic, palit DP, lagi syang nakalike.

Kahit wala tuloy akong kalendaryo ngayon o kaya walang nagtirik ng kandila alam kong halloween na. Pano ba naman nagpaparamdam na yung mga kaluluwa, ay tikbalang pala. 

Huwebes, Oktubre 30, 2014

Ang madilaw mong ngipin


Naalala mo pa ba yung banat ko sayo dati na nakapag pangiti sayo? Nasa kusina tayo nun, tapos sabi ko 'paabot naman' tapos tumuturo-turo ako nun. Ikaw naman hanap ng hanap ng kung ano yung tinuturo ko. Nung hindi ka na makatiis tinanong mo kung ano yung pinapaabot ko. Tapos sabi ko 'paabot ng kamay mo holding hands tayo.' Tawa ka ng tawa nun. Ang ganda nung ngiti mo kahit medyo madilaw yung ngipin mo. Simula nun inaraw-araw ko na yung pag banat sayo. 

Inalam ko yung pangalan mo. Tinanong ko dun sa mga kasama natin. Nung makita kita, kinausap agad kita, naalala mo yung banat ko nung nasa kusina tayo pero sabi mo di magpakilala ako. At ayun nga nagpakilala ako. Sabi ako ako si Joshua sabay abot ng kamay. Bago mo maabot yung kamay ko dinugdungan ko ng 'joshua wanna be with you' (just wanna be with you) tawa ka ulit. 

Natutuwa din naman ako kasi natutuwa ka sakin. At ayokong hanggang dun lang tayo. Kaya gusto kong kunin yung number mo kaso nahihiya akong magtanong. Kaya ang ginawa ko nagpakita ako ng cellphone number na hindi sayo, sabi ko ' eto ba yung number mo?' tapos sabi mo hindi, tapos kusa mo ng nilagay. Galing ko nuh?

Di nagtagal naging tayo. Ang sweet-sweet natin. At siyempre hindi mawawala yung mga banat ko sayo. Mula dun sa pinaka gasgas na hanggang dun sa mga kung anek-anek na lang basta may masabi. Pero natutuwa ka parin. Napapangiti ka parin at nakikita ko yung madidilaw mong ngipin.

Ngayon mag uundas na. Pero kahit hindi pa undas patay na patay na ko sayo. Ang corny nun pero sinasabi ko sayo yun dati. 


Kahit nga ngayong break na tayo gusto parin kitang banatan. At pag ginawa ko yun sisiguraduhin kong di ka makakabangon. HAHAHAHAHA Joke langs.

Martes, Oktubre 28, 2014

Incomplete

Parang yung matagal mo ng suot na relo na naiwala mo, pakiramdam mo nandun parin sa kamay mo pero alam mong wala. Nag-iiwan ng kung anong pakiramdam na hindi maipaliwanag. Basta alam mo lang parang may kulang sayo. 

Sa una nakakatatanga. Tatanungin ka ng kasama mo kung anong oras na, itataas mo ng bahagya ang kaliwa mong kamay para tignan kung anong oras na. Pero wala nga pala dun yung relo mo. 

Mahirap talagang kalimutan ang isang bagay kung nasanay kang meron ka nun. Siguro kasama mo yun sa everyday routine mo kaya nung nawala eh ginagawa mo parin yun. Tumitingin-tingin ka parin siguro sa kaliwa mong kamay kapag hindi mo alam kung anong oras na. Okay lang yan. Masasanay ka din.

Darating yung panahon na masasanay ka ng wala na yung relo mo. Kapag hindi mo na alam kung anong oras na, dudukutin mo na lang yung cellphone mo o kaya ay magtatanong ka sa kasama mo. 

Kapag nakaluwag-luwag ka na ulit makakabili ka na ng bago mong relo. Maninibago ka sa una. Sa fitting, yung bigat at kung ano pa. Pero makakasanayan mo din yun tapos malilimutan mo na yung pakiramdam nung dati mong relo.

Sana yung tao katulad din ng relo. Pag nawala, Hindi sobrang sakit saka madaling palitan.  

Miyerkules, Oktubre 22, 2014

QC

Walang sagot ang yosing hawak nya. Wala ding sagot ang diyos ng kalungkutan na dinasalan nya. Hanggang ngayon wala paring sagot sa teks nya ang babaeng pinakamamahal nya. 

'Asan ka na Elsa? Magiging katulad ba tayo ng liwanag ng buwan at araw na kailanman ay hindi magkikita?'


Malawak ang Quezon City. Damang-dama nya ang espasyo sa pagitan nila.

Kahit tsumamba na magkasalubong ang kanilang landas katulad ng buwan, araw at mundo katulad ng eclipse eh malabong pansinin sya ni Elsa. Dahil hindi naman sya katulad ng pabango, payong, damit o sapatos na laging tinitignan ni Elsa sa mga mall, hindi sya mamahalin.. hindi sya mahal ni Elsa ..kaya malabong tumigil sya kahit isang saglit para tignan man lang ang kawawang lalake.

Lunes, Oktubre 20, 2014

Waiting in vain

Mga bagay na araw-araw kong hinihintay.

1. Update ng paboritong manga na aking binabasa (One Piece, Hajime No Ippo, Kingdom)
2. Update ng bagong videos ng mga idol ko sa youtube ( Screen Junkies, Cinema Sins at =3)
3. Mag alas diyes ng gabi. (para makalabas ng bahay at magmuni-muni habang nagyoyosi)
4. Mga bagong entries ng Idol kong blogger.
5. Pagkaramdam ng antok
6. Pagbangon sa umaga.. na nanjan ka na. 

Sana lang talaga there's something good happens for those who wait.

Lunes, Oktubre 13, 2014

Walong bagay kung bakit mo ako iniwan

Madami tayong nabasang article tungkol sa mga bilang na dahilan kung bakit dapat tayong magmahal ng engineer, nagyoyo o mga taong mahilig sa libro. Gumawa din ako ng mga ganun. Binigyan kita ng sampung dahilan kung bakit ka magmahahal ng chess player. Natuwa ka nun. Tuwang-tuwa. Pagkatapos nun iniwan mo ko. Na hindi ko alam ang dahilan. 

Kaya ako na ang magdadahilan para sayo.

Walong bagay kung bakit kailangan mo akong iwan.

1. Chess player ako. I make my own plans. At gusto ko nangyayari yun. Manipulative din ako. Kasi that is how chess work. Kailangang i-manipulate mo yung kalaban mo para yung plano mo ang masunod. At sa case natin ganun ang ginawa ko. Gusto ko yung plano ko lang. Kaya dapat mo akong iwan.

2. I drink. I smoke. Payat at maliit ang katawan ko. Eventually, kakainin ako ng sakit. Mamamatay ako ng maaga. Baka mabyuda ka. Kaya habang maaga kailangan mo akong iwan.

3. Bumagsak ako sa mga major subjects ko, kung hindi bagsak mababa ang grade. Kasi hindi ako nagpapasa ng requirements. Sa madaling sabi, tamad ako. Kung sa school hindi ako nagsusubmit ng requirements, madadala ko yun sa pagtatrabaho ko. Eventually sa magiging bahay natin kung sakaling umabot tayo dun. Having said that, dapat mo nga akong iwan.

4. Priority ko mga friends ko. Isang aya lang pupunta ako kahit anong mangyari. May one time nung bata pa ko, nasa national tournament ako, i'm about to win pero sinuko ko yung laban ko para makipaglaro sakanila ng holen. Nung nasa college ako drinop ko pa yung accounting subject ko just to be with my friends. Baka pagtagal unahin ko yung friends ko before you. Kaya dapat ngang iwan mo ako.

5. Maliit ako, tamad, di gwapo at ano pa ba? Insecure akong tao. At kailangan ng babae yung taong masasandigan nila. At hindi ako yun. Dahil nga insecure ako. Hindi mo mararamdaman na secured ka sakin kasi i'm full of insecurities kaya tama lang na iniwan mo ko.

6. Masyado akong madaming pangarap. Madami akong gustong marating. Na kasama ka. Dalawang bagay, puro lang yun pangarap. Tapos kailangan kasama ka pa. Hindi ako independent na tao. Kailangan ko ng inaasahan. Hindi yun pasok sa characteristics ng tao na hanap mo. Kaya iniwan mo ko.

7. Gumawa gawa ako ng kwento. Katulad ng mga sinusulat ko. Panay kwento. At ayaw mo ng puro kwento lang. Kahit sino naman ayaw nun. Nakakalibang pero hindi totoo. Gusto natin yung totoo.

8. Sinungaling ako. Hindi ako chess player. I don't drink and smoke. I did not failed in any of my subjects. Ikaw lagi ang inuuna ko. Alam ko ang kahinaan ko pero hindi ako nakaramdam ng insecurities. Yung kahinaan ko ang nagpalakas sakin. Isa lang talaga ang pangarap ko, at yun ay ang ibigin ka. Hindi ako gumagawa ng kwento. Lahat ng sinusulat ko ay base sa karanasan ko. 

Maniwala ka sinungaling ako.

Linggo, Oktubre 12, 2014

Walang Merry (Explicit)

Pasado alas-tres na pagtingin ko sa relo ko habang naglalakad kami palabas ng pamantasan. Wala. Trip lang. Iinom lang. Wala namang broken, o may problema. Wala rin namang okasyon, o selebrasyon. Natripan lang talaga nung biglang nagyaya si Kris kahapon na subukan naman daw naming mab-bar sa Timog, hindi niya pa daw kasi nararanasan yun, at isa pa, pinakamahalaga, gusto mang-tsiks. Ayos lang samin, wala namang problema, halos linggu-linggo na nga kaming umiinom nila Janno at Warren tuwing Biyernes, pero dun lang kami sa isang tahimik na lugar dun sa Cubao (tahimik pag walang event). Tinanggap naman namin siyang isang magandang ideya dahil pare-parehas kaming ignorante sa mga ganung lugar, change of environment ba. Saka, nagbabakasakaling makasipat ang mga hinayupak.
"Mag-taxi na lang tayo, pre. Mahirap byahiin yun kapag ganitong oras. Mahirap na pag nagmukhang haggard," yaya ni Kris. Takte talaga neto, puro babae lang iniisip. Takte pala naming lahat. "Sige, basta libre mo," sabat ni Janno. "Ge, sagot mo pamasahe mo pauwi a." Matigas namang sagot ni Kris. Hm.. Mukhang may inside job ‘tong dalawang ‘to mamaya a. Tumingin ako kay Warren. Mukhang pareho kami ng iniisip.
Si Warren na yung nagmabuting loob na mag-abang ng taxi sa antayan, habang yung dalawa, humihithit ng sigarilyo sa may bandang ilalim ng puno sa istasyon ng pulis na parang hindi naman istasyon ng pulis, umaambon ambon kasi. Habang ako, nasa gitna nila, malapit sa abangan para masabing may pakisama ako’t di ko iniiwan si Warren, at malapit dun sa dalawa para makaiwas iwas sa buhos ng ambon.  Mabilis din namang nakakuha ng taxi si Warren, pinalapit nya dun sa dalawa. “Wait lang boss a, ubusin lang namin,” sabi ni Kris dun sa driver. Makalipas ang apat na hithit niya siguro, “Timog tayo, boss,” sabi ni Kris. “Sa’n po dun, sir?” tanog ng driver. “Basta malapit lang dun sa mga bar bar.” Ayos. We’re in for a night.
Isang bente-uno na mukhang menor de edad, isang bente, isang dise-nwebe, at isang dise-syete. At pota, ako yung dise-syeteng yun. Kapag hinanapan ako ng ID neto, dedo na. Ito yung mga pagkakataong kailangang umaktong matanda, at kahit ilang beses ko nang naranasan ‘to, nakakakaba pa rin. Pagkababa ng taxi, bumili agad ako ng isang yosi kay ateng naka-takatak, “Marboloro Red nga, ‘te.” Dyahe kung may kaibigan ka ngang mayaman at palaging may yosi, black naman ang brand. Si Kris na yung naghanap ng lugar na pagiinuman namin. At putsa, halatang igno, hindi man lang tumingin tingin sa iba, pumasok kaagad dun sa kauna-unahang bar na malapit sa pinagbabaan namin. “No Minors Allowed,” sabi ng signboard dun sa pinto pero wala nang pakialam pakialam. Humithit muna ‘ko ng malalim saka ibinuga bago pumasok sa pinto. “Gandang gabi, sir,” sabi ko dun sa bantay na mukhang bouncer na mukhang presidential guard na mukhang customer na ewan. “Sir, ilang taon ka na?” Putsa, nakatunog ata. Ganito ata talaga pag  beterano na sa mga ganitong larangan, malalaman mo nang nagtatanda tandaan yung isang menor de edad kapag bubuga muna ng yosi bago pumasok w/ matching pilit na straight body. “Dise-nwebe, sir,” sagot ko sabay nagaakmang magbubukas ng bag. “Ah, sige. Magandang gabi rin, sir.” bati nung ewan, na may kasamang ngiting nakakapanginig. Ay, ambot nga.
Madilim yung lugar, na sakto lang para makapagkitaan kayo ng mukha. May tugs tugs tugs, pero sakto lang para makapagkwentuhan kayo ng maayos. Ayos. Ito yung mga gusto ko.  Nagiisa na lang yung bakanteng pwesto para sa bilang namin, ayaw naman naming pumwesto dun sa pangmaramihan, mukhang sugapa, at mas lalong di naman pwede dun sa pang-couple. Napapagitnaan ng dalawang grupo. Dalawang grupo ng babae. Kaso yung isa mga gurangis na, kaya yung isa na lang yung pag-asa . Naupo na kami. Si Kris, iniiscan yung menu. Si Janno, nagtawag ng waiter. At si Warren, nakatitig sa kaha ng sigarilyo, gumugusto. Habang ako, sinisipat yung apat sa kabilang table. Magaganda sila, pero hindi yung magagandang talaga. Iniisa isa kong tignan, mamaya kasi cheerleader effect lang, pero hindi. Tatlo, naka-dress. Isa, naka-short. Yayamanin, mapuputi. Titig pa lang, naglalasang krema na yung dila ko. Umiinom na sila, halo yung mesa ng San Mig Light at flavored beers. Ayos ‘ka ko. “Red Horse sakin,” sabi ko dun sa waiter na parang hindi waiter, kasi mas mas mukha pang customer sakin, dahil sa mga branded na suot.
Isang bucket. Paikot ikot lang yung alak. Paikot ikot lang din yung usapan, at yung nagsasalita. Pare parehas lang naman ng pinaguusapan kada inuman, tropa, babae, relihiyon, diyos, lipunan, ISIS, saka yung nanalo ng lotto na di nakuha yung premyo dahil pinlantsa ng anak yung ticket, pero di pa rin nakakasawa. Pare parehong mukha. Pero. Ewan ko ba. Di ko rin alam. Saktong sakto pagkaubos ni Warren sa huling bote ng unang bucket, may dumating na babae sa kabilang table, kaya pala malumanay lang silang uminom kanina, kasi ata may inaantay. Naka-itim na Jack Daniels style na sando na hindi Jack Daniels yung tatak, maiksing shorts na ewan. Kasing itim ng kalawakan yung buhok, yung mga bituin ay yung kintab. Saktong payat lang, na may laman. Mga ‘gang tenga ko. Maputi. Sobrang puti, parang sterilized na bear brand ang kutis. Mukhang maangas na malambing na ewan. Puta. Dumaan sa harap ko bigla yung babaeng pinapangarap ko. Nasa kalahati na kami ng pangalawang bucket agad agad, na parang hindi na yung inuman yung climax ng istoryang ‘to. Iinom. Sasalita. Tititig dun sa babae. Non-stop rotatation. 
Pagkaubos nung pangalawang bucket, nagyayang mag-CR si Kris, nagpasama kay Janno, hmm alam na. Tapos si Warren, pinaorder nya ng isa pa. Naiwan ako sa table. Tumititig lang dun sa bagong dating kaninang babae. Nagbabakasakaling makarating sa kanyang gusto ko siyang ikama. Tumingin sakin yung babae, pero napadaan lang. Sa pangalawang pagdaan ng tingin niya sa ‘kin, di ko na pinalampas. Nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya, kumilos na ‘ko. Tinawag ko sya. At niyayang pumunta dun sa table namin. At anak ng mahabaging langit nga naman, papunta na sya sa pwesto namin. Nakiupo.
"Anong pangalan mo?" ‘ka ko. "Jane," sagot nya, "Ikaw? Kanina ka pa nakatitig sakin a." "Thirdy. Ayos. ‘Kala ko di mo napapansin e." Tangina talaga, ito yung mga pagkakataong sinusumpa kong wala ‘kong mabangis na dila. "Sus. Tiniis lang kita. Kala ko kakayanin ko." sabay tawa niya. Ay, putangina. May nagwawala nang makatakas sa zipper ko. 
"O, may bisita tayo a." si Kris, sabay sabay nang bumalik yung tatlong hinayupak na may dala dalang dalawa pang bucket, sisig, saka isang sako ng wrong timing. "Jane," sabi ni Jane malamang sabay kumamay naman yung tatlong ungas, si Kris nagtangka pang bumeso, tigas. Pakuha na si Warren ng upuan sa kabilang table nang tumayo na ‘ko’t nagsabing bibili ng yosi sa labas. Papa-fresh air.. Kasama si Jane.
"Badtrip ka sa mga kasama mo?" tanong nya. "Di naman, balak pa ‘ko agawan ng ikakama mamaya e." sagot ko habang humihithit ng sigarilyo. "Ay, ang kapal mo a." tawa naman niya. "San ka nakatira?" ‘ka ko. "Fairview lang, sa may Casa Milan. " "Seryoso? Along the way lang pala kita e." sagot ko naman. Tanginaaaa. Jackpot ata ‘ko ngayong gabi. Malapit na samin, sa yayamaning lugar pa nakatira, mayaman, sa kanya ko ipapasagot yung bayad sa hotel mamaya pag nagkataon. Sa Bulacan ako ‘kako nung tinanong niya kung san ako nakatira. Wala na ‘kong nabanggit na maski isang salita pagkatapos nun. Putakte, utak, gumana ka, galit na si Manoy. Pakiusap. Pakiusap. "Gusto mo samin na lang?" binarag nya yung nakaharang na katahimikan kanina. "Anong sa inyo?" "Alam mo na." sabay ngiting nakakapanlibog nga naman talaga.
Nag-taxi kami palabas ng GMA. Saka na nag-abang ng bus dun pa-Fairview. Panandalian kong nakalimutang may mga kaibigan akong iniwan ng walang pasabi sabi. Panandalian kong nakalimutang may nililigawan ako. Pero tangina, sa mga ganitong pagkakataong bumaba ang dyosa sa harap mo mula sa kalangitan para dalhin ka sa kaharian nya, wala ka ng magagawa.
Sa bandang dulo kami ng bus pumwesto. Nakaakbay lang ako sa kanya, samantalang sya, nakasandal sa ‘kin. Sa likod namin, may pamilyang nakapwesto, nagaayos ayos na ng gamit, kaya mukhang pababa ng bus. Pagbaba netong mga ‘to, tangina, hahalikan ko na ‘to kaagad. At bumaba ang mga sagabal. Pagkaandar ng bus. Bigla niya ‘kong hinalikan. Ay pota, palaban si ate. Pumalag ako, may rebatt agad siya, naglabas ng espada. Naglabas ng dila. Nakapikit siya, habang ako tumingin tingin sa konduktor kung nakatingin ba samin. Buti na lang tulonggis si manong. Gusto ko sanang hawakan yung suso niya, kahit medyo hindi siya nabiyayaan ng Panginoon ng hinaharap, pero wala na ‘kong pakialam, putangina, ang ganda pa rin niya. Gusto ko sanang hawakan yung dibdib nya, kaso pag tumingin yung konduktor banda samin, halatang halata kaya hinayaan ko na lang. Tagal naming nagespadahan, at di pa rin bakas kung sinong mananalo. Yung kanina nya pang makulit na kumamay, biglang nagalburuto. Hinihimas himas na niya yung pantalon ko, banda kay Junior. Putangina, kinukulit yung zipper ko. Pahiya ‘ko neto pag pinasok nya yung kamay nya sa pantalon ko, tangina, mamasa masa na sa sobrang galit. At pinasok nga ni anong-pangalan-niya-ulet. Tangina, bihasa. Nagkaroon na ng talo sa espadahan. Napapikit na lang ako. Wala ng pakialam kung makita man kami ng ibang tao. Putangina lang talaga. Ang sarap. Nung nasa bandang St. Peter’s Church na kami. Yung kamay ko naman yung sinapian. Nakangiti  lang siya habang nilalaro yung pagkalalaki ko, samantalang ako, parang lalabasan na sa sobrang galing niya. Di ko na napigilan, gusto ko naman ibalik yung pabor, gusto kong sya naman yung pasiyahin. Yung kamay kong hasang hasa sa mga pornsite kung panong maglaro ng mani, ay sasabak na naman sa isang misyon. Hinalikan ko siya, sabay hawi ng buhok, dumaan sa leeg, pababa sa flat-chested niyang dibdib, kaunting kiliti sa kanyang pasas, pababa sa pantalon. Pinasok ko yung kamay ko sa short niyang pangsabak, at gumuho bigla ang mundo ko sa harapan ko, puki ng ina, bakit may talong na nakatalukbong.


(C) Clifford Andawi kaibigan ko hihi

Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Ikaw at ang pulang buwan

Maganda daw ang buwan ngayon sabi nila. Gusto ko din sanang tignan. Pero hindi ko magawa. Nakatingin kasi ako sa litrato mo. Maganda din. Hindi ko lang alam kung alin ang mas maganda. Napaka unfair naman sayo kung sasabihin kong kasing ganda mo yung buwan. Dahil hindi naman yun ang tingin ko. 

Mas maganda yung bilugan mong mata kesa sa buwan. Mas makinis ang iyong balat. Walang bako. Yung namumula-mula mong pisngi ay mas matingkad kesa sa kulay ng buwan. Madami pa akong pwedeng maikumpara sayo at sa buwan. 

Pero kilala kita, ayaw mo ng pagkukumpara kaya titigilan ko na. Sasabihin ko na lang yung pinagkaparehas nyo. Maganda ka, at maganda din yung buwan. Parehas kayong malayo. Mataas, imposibleng abutin. Parehas ko kayong gustong makita pero wala akong ginawa kundi mag kulong dito sa maliit kong kwarto. Kahit hanggang tingin lang, wala akong ginawa.

Linggo, Oktubre 5, 2014

Yung gabing kasama kita.. Jane


Pasado alas otso nung dumating ako kila james. Birthday kasi ng isa naming tropa. Malamig ang panahon. Madilim ang kalangitan. Parang bubuhos ang ulan pero hindi. Wala din ang mga magulang nila James. Sakto. Masarap magsaya neto.

Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagsaya simula nung iniwan ako ni Elsa. Mga tatlo o apat na buwan ata akong nagmumukmok. Pakiramdam ko na nga nag iinarte na lang ako. Kaya ngayong gabi naisipan kong lumabas at magsaya. 

Nasa kalagitnaan ng ikot ng Alfonso nung dumating ako. Kaya sa susunod na ikot na ko uminom. Tahimik lang ang lahat. Nagtitinginan. Parang nag uusap sa mata, tapos tatawa. Tahimik ang paligid pero ramdam mo yung saya. 

Nagpaalam ako kay James na kung pwede ko bang kausapin si Mary Jane. Gustong gusto ko na kasi siyang makausap. Matagal tagal na din nung huli naming pagkikita. Saka kanina pa naman sila magkasama. Ayaw pumayag ni James, pero lumapit si Jane. Kahit na nahihiya ako dahil nga ayaw ng tropa ko, eh palay na ang lumapit sa manok di ba? Tukain na syempre. 

Eto ang gusto ko jane. Ang sarap kausap. Kahit anong ikwento nya napapangiti lang ako. Kinuwento niya yung tungkol sa aso nila na ang laki nung tae, tawa ako. Kinuwento niya yung nabasa niyang libro, tawa ako. Tinawag nya ako sa pangalan ko, tawa rin ako. Ang simple lang ng usapan pero napapasaya nya ko. Napapaisip tuloy ako kung pag-ibig na ba to?

Saglit lang kaming nag-usap tinawag kasi siya nung gwapo naming tropa. Eh wala na din naman akong masabi kaya sige hinayaan ko na lang siyang umalis kasama ng tropa ko.

Masaya na kong pinapanood ko silang nag-uusap. Makitang masaya sila. Okay na kong nakasama ko siya kahit saglit lang. 

Jane salamat. Sa oras, panahon, sa saglit na pag-uusap natin, pakiramdam ko tatlong buwang kasiyahan yung nailabas ko. Kagabi natuto ulit akong ngumit at tumawa sa mga simpleng bagay, 

Biyernes, Oktubre 3, 2014

Nothing good happens after 2.am


Nothing good happens after 2 A.M. sabi ng marami. Totoo naman. Huli akong inabot ng Alas dos ng madaling araw eh nung hiniwalayan ako ni Elsa. At syempre, nasanay akong hindi natutulog ng hindi kami nagkakaayos kaya gising lang ako. Magpupumilit at mauuwi lang sa mas malaking away.

Pasado alas dos din ng madaling araw ng maholdap kami ni David dati sa tapat ng dating eskwelahan na pinagtatrabahuan ko. Suspetsa namin eh napagtripan lang kami dahil parehas kaming maliit.

Pasado alas dos din ng madaling araw kung saan marami daw nagpaparamdam na mga ligaw na kaluluwa. Pasado alas dos din nung tuluyan kaming naghiwalay ni Elsa.

Pero kanina, hindi ko yun pinaniwalaan. inabot na ako ng Alas tres. Galing ako sa gimikan. Nakilala ko Sophia. Maganda, may sense kausap. Hindi ko na nakita kung sexy sya o hindi dahil sa patay sinding ilaw at dulot ng kalasingan. Hinatid ko siya sa kanilang bahay, hiningi ang cellphone number at facebook account kung saan ko siya ma-iaadd sa aking friendlist.

Tanghali na ko nagising. Pero okay lang. Good vibes parin. Naalala ko yung mga ginawa namin nung gabi. Habang nasa bus kami, nakayakap siya sakin, nagnanakaw pa ako ng halik sa kanyang noo, sa pisngi, at kung alam kong walang nakatingin sa amin, pati na rin sa labi. Madiin na halik. na ikinatutuwa naman niya. Magkahawak kamay pa kami na parang hindi na maghihiwalay kahit na kakakilala pa lang namin.

Tumawag ako sakanya at nag good morning tapos binaba ko na. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin saka gusto kong mabitin siya sa pagtawag ko para sya ang magteks sakin. Pero wala ata siyang load. 

Binuksan ko yung facebook ko at sinearch ko yung facebook account niya. Tang ina kako. Bading si Sophia.

Muli akong naniwala na nothing good happens after 2 A.M
Masyado akong napapahanga sa mga sinusundan ko dito sa blogger, nalimutan ko ng magsulat. nakontento na  akong magbasa na lang xD

Biyernes, Setyembre 26, 2014

Truth will set you free
     
       -Marcelo Santos III

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

kahit hindi ako sigurado kung anong meron nagmamadali parin akong pumunta.
halos humaba na yung kamay ko kaka-para ng bus, Halos madapa rin ako sa paghabol
nung huminto. Bakit nga ba ganito lagi akong naghahabol?

Naalala ko nung nasa kolehiyo pa lang ako at gumagawa ng thesis. Mayroon kaming
tatlong buwan para gawin at paghandaan yun. Pero nung kulang na ang oras at
malapit na ang deadline saka palang namin ginawa. Hindi lang naman siguro ako 
yung ganito no? Tiyak ko hindi lang ako. 

Si Elsa din kasi, saka lang niya ko inaya sa kung saan-saang lugar
para pumasyal, nilambing, hinahawakan sa kamay
nung malapit na yung deadline nung relasyon namin. Sad nu? 

Tapos pagdating ng deadline wala kang magagawa. Parang grade 4 student
na pagsinabi ng teacher nila na 'finish or not finish, pass your paper' eh kailangan 
mong sumunod, kahit na ayaw mo. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mahaba ang byahe. Ang layo talaga Cubao sa Bulacan. Isa siguro to sa dahilan kung bakit
hindi naging matagumpay yung relasyon namin. Bukod sa 'will of God' na pinaniniwalaan nya eh
kalaban din namin yung Science na pinaniniwalaan ko. Pag malayo ang distansya, mababawasan 
yung rate o quality time na tinatawag. Mas may eexcert ka pa ng effort at iba pa. Mahabang formula.

At hindi si Elsa ang taong magtyatyaga sa mahabang proseso. Kapag ayaw nya, ayaw nya.
Kapag pagod, tigil. Ganun kasimple ang mga bagay hindi kailangang patagalin. Kung sabagay,
hindi nya rin pinatagal yung panliligaw ko sakanya. Hindi naman sa easy to get sya, sadjang
gusto lang namin ang isa't isa nun. At isa pa, hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi yung
pagsasama.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Basa na singit ko sa sobrang init. Nag-ordinary lang kasi ako. Para mabilis.
Kinakabahan rin kasi ako. Pano ba naman tong si Jao (yung tumawag sakin)
Nakakapag alala kung makapagsalita. Parang pang teleserye yung linyahan.
Sana lang walang nangyaring masama. Sana. Sana.... 


-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Baba ng bus. Lakad ng konti. Kanan, pasok sa maliit na eskinita. Panglimang 
bahay. 

'Jao? Tao po.'

'pasok pre'

'anyare' tanong ko.

'wala lang, wala sila ermats eh.' sabay tawa ni gago.

Kanina ko pa nga pala binabanggit si Jao pero hindi ko pa napapakilala. Si Jao,
Tropa ko, nakilala ko sya nung naligaw ako sa unang kurso ko. HRM. Hindi ako 
makatagal, saka hindi ako bagay dun. Puro paporma, yung mga kaklaseng lalaki 
pabebe, hindi ko rin matagalan yung mga prof, masyadong istrikto. Kelangan laging
nakapormal ang suot. At bawal din ang yosi. Shet. 

Kaya ayun, unang sem palang umalis na ko. Eh etong si Jao, ako lang ang tropa, 
Di rin sya nakatagal. 2nd sem nagshift kami ng mass com. Para pag graduate mas 
komportable sa bahay. Doon namin nakilala si Elsa, mas naging malapit sila kumpara 
sa akin. Kaya nung tumawag tong si Jao na tungkol kay Elsa pumunta agad ako, baka 
kasi may scoop sya tungkol kay Elsa o kaya naman baka magkasama sila.

Tagay. Yosi. Kwento. 

bangka ng kwento tungkol sa mga pangarap. Sa lipunan. Sa Diyos at iba pa.
Hindi katulad ng ibang inuman, hindi kami nag uusap ng tungkol sa mga babae
na nagalaw namin o yung mga pinagpantasyahan. Hindi kami hiyang sa ganun.

Tagay. Yosi. Kwento.

'maiba tayo' sabi ko. Hindi na ko nakatiis. Kating kati talaga akong magtanong.
"nu yun?"
'balita kay Elsa?' 
"wala na talaga pre, ayaw na daw nya sayo matagal na"

Tumagay akong puno. Hinithit ng tatlong magkakasunod yung yosi tapos pinitik.

'una na ko pre' paalam ko.
"gege, ingat" 

"pak u ka."

'tang ina mo nag enjoy ka naman. hahaha'

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Tang ina talaga. Kahit matagal ko ng alam yung totoo, ang hirap paring paniwalaan.
Ang hirap maniwala na pumasa yung kaklase ko sa thesis kahit na wala namang kwenta
yung paper nila. Ang hirap paniwalaan na may Alien, ang hirap paniwalaan na may Diyos.
Tang ina. Ang hirap maniwala sa totoo. Na yung kaisa-isang taong minahal ko, ayaw na sakin.