Linggo, Mayo 17, 2015

Paglimot

Meron akong listahan ng mga kaibigan ko.
Konti lang naman kasi sila. Andun sa listahan
si Nathan Casuga na nagturo sakin ng maraming bagay.
At si Mar San Diego na nagsasabing ang galing kong sumulat.
hindi ako magaling sumulat, madamdamin lang ako.
Nung nakaraang Disyembre umakyat ako sa norte
at bumili ng kuwintas na ibibigay ko sa isang espesyal na tao.
Limang buwan na ang nakalipas nandun parin sa aparador ko
yung kuwintas at hindi ko na malaman kung para kanino ko yun ibibigay.
Wala sya sa listahan ng mga pangalang meron ako.
Walang nagsabi sakin na ganito lang pala kadaling lumimot.

4 (na) komento:

  1. Madaling lumimot pero magirap magsimula muli.

    TumugonBurahin
  2. ow, it feels, depende sa lilimutin kung close kayu, pag attached ka na, naku napakahirap. :)

    TumugonBurahin