Sa tuwing tinitignan ko yung profile mo, bumabalik yung nakaraan. Yung mga sugat ng kahapon parang andito ulit. Habang nag iiscroll down ako sa wall mo pakiramdam ko nagkukutkot ako ng sugat na pahilom na. Makati. Mahirap iwasang hindi kamutin. Tapos magsusugat ulit. Dudugo ng dudugo. Makakaramdam ulit ako ng sakit at hindi ng kawalan ng paki. Maalala ko ulit kung paano ko nakuha ang sugat na ito at sasabihin sa sarili na hindi na uulit.
Pagkatapos masaktan sa ginawa sa sarili ay lilinisan ang sugat at gagamutin. Tatawag ng kaibigan, kakilala o magsosolo. Bibili ng isang mutcho, sisindi ng yosi, tatanga, magmumuni-muni. Kapag walang nakakakita, iiyak.
At para hindi maimpeksyon ang sariwang sugat, itatago ito gamit ang band aid o kaya ay malinis na gasa. Magkukulong sa kwarto, magdedeactivate ng facebook, twitter at instagram hanggang sa matuyo muli ang sugat.
Pagpahilom na muli ang sugat, titingin ulit ako sa wall mo, tapos mangangati ulit, kakamutin, magsusugat, gagamutin, tatakpan. Paulit-ulit. Hanggang sa mabulok, maimpeksyon, magnana. Lumala ng lumala. Hanggang sa kainin ng nana yung parteng may sugat. Tapos puputulin na lang. Masakit. Pero makakasanayan din.
Alam kong hindi na tutubo yung naputol na parte. Madaming magbabago. Madaming mga bagay na kahit gustuhin ko eh hindi ko na magagawa. Pero alam kong para sakin din yun. Mahirap sa simula, pero darating ang panahon na may tutulong ulit sakin para magawa ko ulit yung mga bagay na gusto kong gawin o hindi ko na magagawa dahil sa naputol na parte. Matutuwa ulit ako.
Pagkatapos, aalis ulit yung taong yun. Masasaktan ulit. Masusugatan. Pagpahilom na, kakamutin. repeat process. Hanggang masanay. Mawalan ng paki.
PUTA RELATE. Syet.
TumugonBurahinItagay na lang natin to haha
Burahin