Linggo, Hulyo 5, 2015

HAPPY ANNIV :D

Isang taon na pala ang lumipas hindi ko napansin.

Nakilala kita nung panahong sobrang lungkot ko. Ikaw ang nakakausap at nakakasama ko sa tuwing iniiwasan kong kausapin sya. Kapag gusto kong maglibang o kaya naman ay maglabas ng sama ng loob, sayo ako unang lumalapit. Mapa-umaga, tanghali, hapon, o gabi. Wala akong pinipiling oras. Alam ko kasing lagi kang anjan tuwing kailangan kita.

Ikaw ang kasama ko sa mga panahong akala ko eh okay na ako at nakalimutan ko na sya. Ikaw ang kasama ko nung nalaman kong mahal ko parin pala sya. Pero hindi mo parin ako iniwan.

Dahil sayo madami akong nakilala, may bagong natutunan, bagong naging kaibigan. Dahil sayo natuto ulit akong ngumiti, nalaman kong may iba pang mas mahirap ang kalagayan kesa sakin. Dahil sayo nalaman kong kaya ko palang umibig muli.

Pasensya ka na kung nung mga nakaraang buwan ay hindi na kita ganong naaasikaso. Naging busy ako dala ng trabaho at konting pagmumukmok. Hayaan mo, sisikapin kong makapigbigay ng mas mahabang oras sayo. Pangako.

Maligayang isang taon sating dalawa mahal kong blog :)

4 (na) komento:

  1. Happy anniversary sayo at sayong blog :)

    TumugonBurahin
  2. Naks! Nagkalat na ang mga langgam.

    Nagmamahal,
    Guniguning Sinta.

    maligayang anibersaryo sa blog mo niss.

    TumugonBurahin
  3. Happy Anniversary to you and your Blog!

    Katulad ng books, blog is an ultimate dumpee too :D :D
    IWan mo man nang matagal, pag binalikan mo, parang bago lang ulit :)

    TumugonBurahin
  4. Yey! maraming salamat sa mga nakibati :) sana magtagal pa kami hahaha

    TumugonBurahin