Lunes, Agosto 24, 2015

Walang pinagbago

May starmall na sa labasan. May tinatayo na ring SM sa may tungko.

Trapik na sa may Pleasant. Wala na yung quadrangle dun sa dati naming school, napalitan na ng covered court.


May mga bagong tambay na rin sa may duhat, karamihan dun hindi ko kilala. 

Kanina nakita ko si Tomas, yung bunsong kapatid ng kababata ko, mas matangkad na sya sakin. 

Wala na yung mga TBS, SF, TST, napalitan na ng magkakaclan sa COC.

Madami ng nagbago sa lugar at sa mga tao dito samin. Ako na lang ata ang walang pinagbago.

Mukha parin akong bata, maliit, at eto.. 

Hanggang ngayon, mahal ka parin.

1 komento:

  1. At sa tamang panahon, either mamahalin ka na rin nya or magmamahal kna ng iba... #aldub4ever
    LOLS.

    TumugonBurahin