Linggo, Pebrero 26, 2017

When in bolinao

Kahapon nasa Bolinao ako. Naalala kita. Naalala ko yung mga napagkwentuhan natin nung minsang lasing tayo sa beer sa Cubao Ex. Sabi mo ibili kita ng two piece at papayag kang ihiga kita sa puting buhanginan ng Batangas, Pangasinan, at kung may budget ay sa Bora. Sabi mo sisimulan mo na ang pagda-diet para naman maging kaaya-aya kang tignan sa two piece na bibilhin ko. 

Ang tutoo'y kaya mo lang sinabi yun nung araw na yun ay alam mong wala akong perang pambili ng two piece mo at ayokong magpunta sa mga beach. Mas gusto kong umakyat sa bundok at maputikan kesa gumawa ng mga kastilyong buhangin at mag tampisaw sa dagat.

Pero alam mo, kahapon habang naglalakad ako sa dalampasigan na may hawak na beer, sabi ko masaya din pala sa beach. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba yun sa tunog ng hampas ng alon, kapayapaan ng gabi, ng malamig na malamig na beer na nasa kamay ko o ng alaala na nagsasabing papayag kang ihiga kita sa puting buhanginan ng Batangas, Pangasinan o pag may budget ay sa bora.

5 komento:

  1. Bolinao beach+Beer= perfect yan sir! It was my last getaway trip before I flew to Japan last January. At palagi ko pa ring binabalikan ang mga trip na yun. Masarap sa beach, masarap sa bundok. Pinakamasarap ang may kasamang i-explore ang nature! May your love story get better next time! Hahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Haha sana nga. Para hindi puro beer ang kasama ko sa mga travel ko. :)

      Burahin
  2. Havent been to Bolinao. Haha. Kaya di ko maimagine kung ang beach ba nila ay ang beer, pang tequila sunrise o pang mojito. Hahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Punta na sir. Kahit walang alak panalo parin yung beach :)

      Burahin