Martes, Hunyo 27, 2017

Mga takot ko sa gabi



I.
Dis-oras na ng gabi't kakatapos lang mag-inuman. Hinatid na ko ng mga kasama ko sa sakayan. Pagtingin ko sa cellphone ko, may anim na teks at walong tawag si mama.

II.
Pano kung iwan nya ko bago pa maging kami?

III.
Pagkatapos nitong kontrata, ano na?

IV.
Nung nakaraang gabi nanaginip ako, palakad-lakad sa lugar na di ko alam kung saan. Kahit saan ako dumaan bumabalik lang ako sa aking pinagsimulan. Alam kong panaginip lang yun. Pagkagising ko tumingin ako sa kalendaryo, madadag-dagan nanaman ang edad ko, hanggang ngayon di ko parin alam ang gagawin ko.

2 komento:

  1. Ang hirap talaga kapag nadadagdagan ang edad, ang daming iniisip haha

    TumugonBurahin