Huwebes, Mayo 23, 2019

Mga masakit na ala-ala tuwing May 24









Sa araw na to, mas natandaan ko pang pinagluto kita ng spaghetti at nagyosi tayo sa ikatlong palapag ng dorm namin kesa sa nangyaring gyera sa marawi nung nagdaang taon. Ganun ka naging kaimportante sakin.
Sampung araw bago mawasak ang Marawi tiyak kong masaya at kontentong naninirahan ang mga tao doon, walang kamalay-malay sa delubyong sasapitin at pagdudusahan nila hanggang sa susunod pang mga taon. Katulad din na masaya pa kong nag-iinom noon, limang taon na ata ang nakakalipas nang sabihin mong ayaw mo na.
Pero katulad ko, sigurado akong magiging maayos din ang kalagayan ng mga tao sa Marawi. Maaayos ang mga nasira, makakabangon ang mga natumba. Hindi man maibabalik ang mga nawala, patuloy silang mabubuhay. Sasaya at liligaya.
Darating man muli ang buwan ng Mayo kasama ng mga ala-ala nung nagdaang taon, sigurado ako, kagaya ko, patuloy silang mabubuhay at magiging masaya sa kabila ng mapapait at masakit na ala-ala

1 komento: