Truth will set you free
-Marcelo Santos III
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
kahit hindi ako sigurado kung anong meron nagmamadali parin akong pumunta.
halos humaba na yung kamay ko kaka-para ng bus, Halos madapa rin ako sa paghabol
nung huminto. Bakit nga ba ganito lagi akong naghahabol?
Naalala ko nung nasa kolehiyo pa lang ako at gumagawa ng thesis. Mayroon kaming
tatlong buwan para gawin at paghandaan yun. Pero nung kulang na ang oras at
malapit na ang deadline saka palang namin ginawa. Hindi lang naman siguro ako
yung ganito no? Tiyak ko hindi lang ako.
Si Elsa din kasi, saka lang niya ko inaya sa kung saan-saang lugar
para pumasyal, nilambing, hinahawakan sa kamay
nung malapit na yung deadline nung relasyon namin. Sad nu?
Tapos pagdating ng deadline wala kang magagawa. Parang grade 4 student
na pagsinabi ng teacher nila na 'finish or not finish, pass your paper' eh kailangan
mong sumunod, kahit na ayaw mo.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mahaba ang byahe. Ang layo talaga Cubao sa Bulacan. Isa siguro to sa dahilan kung bakit
hindi naging matagumpay yung relasyon namin. Bukod sa 'will of God' na pinaniniwalaan nya eh
kalaban din namin yung Science na pinaniniwalaan ko. Pag malayo ang distansya, mababawasan
yung rate o quality time na tinatawag. Mas may eexcert ka pa ng effort at iba pa. Mahabang formula.
At hindi si Elsa ang taong magtyatyaga sa mahabang proseso. Kapag ayaw nya, ayaw nya.
Kapag pagod, tigil. Ganun kasimple ang mga bagay hindi kailangang patagalin. Kung sabagay,
hindi nya rin pinatagal yung panliligaw ko sakanya. Hindi naman sa easy to get sya, sadjang
gusto lang namin ang isa't isa nun. At isa pa, hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi yung
pagsasama.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Basa na singit ko sa sobrang init. Nag-ordinary lang kasi ako. Para mabilis.
Kinakabahan rin kasi ako. Pano ba naman tong si Jao (yung tumawag sakin)
Nakakapag alala kung makapagsalita. Parang pang teleserye yung linyahan.
Sana lang walang nangyaring masama. Sana. Sana....
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Baba ng bus. Lakad ng konti. Kanan, pasok sa maliit na eskinita. Panglimang
bahay.
'Jao? Tao po.'
'pasok pre'
'anyare' tanong ko.
'wala lang, wala sila ermats eh.' sabay tawa ni gago.
Kanina ko pa nga pala binabanggit si Jao pero hindi ko pa napapakilala. Si Jao,
Tropa ko, nakilala ko sya nung naligaw ako sa unang kurso ko. HRM. Hindi ako
makatagal, saka hindi ako bagay dun. Puro paporma, yung mga kaklaseng lalaki
pabebe, hindi ko rin matagalan yung mga prof, masyadong istrikto. Kelangan laging
nakapormal ang suot. At bawal din ang yosi. Shet.
Kaya ayun, unang sem palang umalis na ko. Eh etong si Jao, ako lang ang tropa,
Di rin sya nakatagal. 2nd sem nagshift kami ng mass com. Para pag graduate mas
komportable sa bahay. Doon namin nakilala si Elsa, mas naging malapit sila kumpara
sa akin. Kaya nung tumawag tong si Jao na tungkol kay Elsa pumunta agad ako, baka
kasi may scoop sya tungkol kay Elsa o kaya naman baka magkasama sila.
Tagay. Yosi. Kwento.
bangka ng kwento tungkol sa mga pangarap. Sa lipunan. Sa Diyos at iba pa.
Hindi katulad ng ibang inuman, hindi kami nag uusap ng tungkol sa mga babae
na nagalaw namin o yung mga pinagpantasyahan. Hindi kami hiyang sa ganun.
Tagay. Yosi. Kwento.
'maiba tayo' sabi ko. Hindi na ko nakatiis. Kating kati talaga akong magtanong.
"nu yun?"
'balita kay Elsa?'
"wala na talaga pre, ayaw na daw nya sayo matagal na"
Tumagay akong puno. Hinithit ng tatlong magkakasunod yung yosi tapos pinitik.
'una na ko pre' paalam ko.
"gege, ingat"
"pak u ka."
'tang ina mo nag enjoy ka naman. hahaha'
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Tang ina talaga. Kahit matagal ko ng alam yung totoo, ang hirap paring paniwalaan.
Ang hirap maniwala na pumasa yung kaklase ko sa thesis kahit na wala namang kwenta
yung paper nila. Ang hirap paniwalaan na may Alien, ang hirap paniwalaan na may Diyos.
Tang ina. Ang hirap maniwala sa totoo. Na yung kaisa-isang taong minahal ko, ayaw na sakin.