Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Ikaw at ang pulang buwan

Maganda daw ang buwan ngayon sabi nila. Gusto ko din sanang tignan. Pero hindi ko magawa. Nakatingin kasi ako sa litrato mo. Maganda din. Hindi ko lang alam kung alin ang mas maganda. Napaka unfair naman sayo kung sasabihin kong kasing ganda mo yung buwan. Dahil hindi naman yun ang tingin ko. 

Mas maganda yung bilugan mong mata kesa sa buwan. Mas makinis ang iyong balat. Walang bako. Yung namumula-mula mong pisngi ay mas matingkad kesa sa kulay ng buwan. Madami pa akong pwedeng maikumpara sayo at sa buwan. 

Pero kilala kita, ayaw mo ng pagkukumpara kaya titigilan ko na. Sasabihin ko na lang yung pinagkaparehas nyo. Maganda ka, at maganda din yung buwan. Parehas kayong malayo. Mataas, imposibleng abutin. Parehas ko kayong gustong makita pero wala akong ginawa kundi mag kulong dito sa maliit kong kwarto. Kahit hanggang tingin lang, wala akong ginawa.

3 komento:

  1. Uyyy... I therefore conclude, hindi Mary Jane ang pangalan nya. LOL

    TumugonBurahin
  2. Siya pa rin yung babaeng nang iwan sakin </3 ang hirap nga isipan ng pangalan eh xD

    TumugonBurahin