Kaso hindi ko maiwasan.
Naaalala kita sa mga putaheng nakahain sa lamesa. May isang pasko na sabay nating niluto tong mga putaheng to.
Sa mga kanta sa videoke ng kapitbahay namin. Mahilig ka kasing kumanta. Yung ibang kantang kinakanta nila eh kinakanta mo sakin dati sa telepono o kaya sa klasroom natin dati.
Sa biglaang pag-ulan kanina. Wala nanaman akong payong. Ikaw kasi yung nagdadala at nagtatago nung payong natin dati, naiwawala ko kasi.
Hindi ko alam kung malamig ba talaga yung panahon o nangungulila lang ako sayo?
Ayaw naman talaga kitang maalala ngayong pasko pero hindi ko maiwasan.
Lalo ngayong kasama na kita :)
Miyerkules, Disyembre 24, 2014
Lunes, Disyembre 8, 2014
Kung tayo pa nun siguro..
May picture akong nakangiti sa PICC tayo kung san tayo nagtapos.
Ako yung nagluto ng Carbonara nung birthday mo.
Nag Ice Skating tayo nung 1 year at nine months natin.
May litrato kami ni Eros Atalia, Manix Abrera at Jun Cruz Reyes nung byaheng panulat.
Alam kong kukunan mo ako ng litrato nun.
Katulad ng pagkuha mo ng litrato ko dati kasama si Xiao Chua, R.A Rivera, Ramon Bautista at Lourd de Veyra.
Kung tayo panun, hindi siguro ako nagdiwang ng kaarawan ko ng mag-isa. Alam kong hinding hindi mo ko hahayaang mag-isa.
Tiyak sasamahan mo ko. Gaya ng dati mong ginagawa.
Siguro ikaw pa ang magluluto ng Spaghetti na ihahanda ko tapos aayain mo akong lumabas.
May picture sana akong nakangiti sa Moa's eye kung saan tayo nagsimula.

Linggo, Disyembre 7, 2014
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)