Miyerkules, Disyembre 24, 2014

Ayaw naman talaga kitang maalala ngayong pasko.

Kaso hindi ko maiwasan.

Naaalala kita sa mga putaheng nakahain sa lamesa. May isang pasko na sabay nating niluto tong mga putaheng to.

Sa mga kanta sa videoke ng kapitbahay namin. Mahilig ka kasing kumanta. Yung ibang kantang kinakanta nila eh kinakanta mo sakin dati sa telepono o kaya sa klasroom natin dati.

Sa biglaang pag-ulan kanina. Wala nanaman akong payong. Ikaw kasi yung nagdadala at nagtatago nung payong natin dati, naiwawala ko kasi.

Hindi ko alam kung malamig ba talaga yung panahon o nangungulila lang ako sayo?

Ayaw naman talaga kitang maalala ngayong pasko pero hindi ko maiwasan.

Lalo ngayong kasama na kita :)

4 (na) komento:

  1. Medyo natawa ako nung mabasa ko na -

    "Naaalala kita sa mga putaheng nakahain sa lamesa."

    buti na lang may karugtong na -

    "May isang pasko na sabay nating niluto tong mga putaheng to."

    Hahaha. Hindi ko lang mawari kung ano yung naisip ko lols. Gayunpaman, akala ko ay ma-emote ang post na ito, ramdam ko na yung mga sumunod na linya eh...

    ...pero kasama mo naman pala siya :)

    Maligayang Pasko sa inyong dalawa! Tandaan, walang forever lols, pero tumatagal ang true love :)

    TumugonBurahin
  2. Hahaha maligayang pasko din po sa inyo :)

    #walangforever

    TumugonBurahin