Miyerkules, Nobyembre 4, 2015

Nung High School ako

Maghihintay lang ako kapag cleaners yung tropa ko.
Aasa lang ako tuwing may bagyo, na sana walang pasok kinabukasan.
Mapupuyat lang ako sa kakaisip ng tungkol sa mga assignments hindi sa kung anu-anong bagay
Iiyak lang ako kapag napagalitan ng magulang.
Ang iniisip ko lang sa pag uwi eh kung anong idadahilan ko sa nanay ko, hindi ko iniisip kung nakauwi ka na ba.
Kapag bagsak lang ako sa subject ko ako nalulungkot, hindi kagaya ngayon, di mo lang ako mateks sira na araw ko.
Noon madali lang sumaya, manalo lang sa dota okay na. Ngayon kahit sahod na, baliwala kung hindi kita nakita.

1 komento:

  1. Awwww. Pagkatam-is naman nito.

    PS: Nakakarelate ako dun sa cleaners. Haha. Public school experience :)

    TumugonBurahin