Biyernes, Agosto 29, 2014
Huwebes, Agosto 28, 2014
Martes, Agosto 26, 2014
Ganito kagulo ang buhay ko nung iniwan mo ko
Sa totoo lang, madami talaga akong gustong ikwento sayo kanina. Hindi lang tungkol kay tito sotto at sa kaibigan ko. Idagdag mo na rin yung kwento tungkol sa makalat kong kama. Sinisimbolo daw ng kama ang buhay ng tao. Oo, ganito na kagulo ang buhay ko nung naghiwalay tayo.
Sa kwento ng kama ko, may isa pang kwento. Tungkol ito sa misteryo kung paano ako natutulog sa kabila ng kalat at alaala natin doon. Hindi pa tayo nagtabi dito pero nakita mo ba? Andun yung libro na binigay mo sa akin. Yung panyo mo sa ilalim ng unan. Yung t-shirt na regalo mo sa akin, kapirasong sulat na naglalaman ng iyong damdamin.
Talagang misteryo kung paano ako nakakatulog sa gabi. Meron pa kong isang kwento. Tungkol parin ito sa kama ko. Kung nirerepresenta ng kama ang buhay ng tao edi lahat ng nasa kama eh bahagi parin nung tao? (Pagkatao) magulo.
Wala na tayo pero nandun parin yung mga gamit kaya ba hindi ako makaget over? Ganun nga siguro yun. Dahil hindi ko naman inaalis. Dalawang bagay. Nasanay kasi ako at malaking pagbabago sa akin kung hindi ko maaamoy sa gabi ang panyo mo at hindi ko mababasa ang mga sulat mo. Ikalawang bagay ay palaisipan sa akin kung paano aalisin ito at saan ko ililipat.
Pwede kong alisin pero hindi ko alam kung paano. Uunahin ko ba yung mga damit o yung mga libro, o yung sulat kaya?
Madami akong kwento, at yun ay katulad ng kama at pag-iibigan natin. Parehas magulo.

Linggo, Agosto 24, 2014
Sulat para sayo.
Matagal na din kitang hindi nasulatan. Kamusta ka? Wala na rin akong oras para kausapin ka. Pagod ka sa trabaho ako naman galing sa inuman o kaya sa starbucks.
Matagal na din tayong hindi nag usap tungkol sa pangarap. Hays. Nakakamiss na yung mga ganun, yung kakain tayo ng sabay at magkukwentuhan. Ngayon kasi parang ayokong makausap ka. Hindi naman ako galit. Nahihiya lang.
Bukod sa hindi ako gwapo, hindi pa ko katalinuhan. Basta madami akong personal issues na kinahihiya ko.
Buti na lang understanding ka. Kahit sinong kasama ko, ok lang sayo at hindi ka nagagalit. Nagagalit ka pag umuuwi akong lasing o kaya pag ginagabi pero naiintindihan ko. Mali ko naman talaga yun.
Salamat sa pag intindi ha? Hindi ko maipapangako na may magbabago sakin, ang alam ko lang eh kahit ganito ako mahal kita.
At yun ang hindi magbabago.
O tama na medyo corny na eh. Hindi kasi ako sanay sumulat sayo ng ganito..
sa uulitin, mahal kita.. ma. Happy birthday

Huwebes, Agosto 21, 2014
Void
Naupo sya sa maliit na bangkito.
Sumindi ng yosi at kumuha ng isang Zest-o.
Tumingin ng malayo. Nangarap. Muling umasa.
Talo nanaman sya sa pakikipaglaro sa kanyang sarili.
Gulong gulo ang isip nya. Hindi mapakali. Hindi mapalagay.
Masyadong malawak ang espasyong mayroon sya. Hindi nya alam ang gagawin.
Naglaro ng mga salita.
Eto ang nagawa. Walang kwenta.
Hindi nya alam kung paano pupunuin ang espasyo.
Sige sa pag tipa. Halatang magawa.
Kailangang kumilos.
Kailangang gumalaw.
Hindi pwedeng nakatanga.
Maaalala nyang muli ang lahat.
Lungkot, saya, pighati at ligaya. Sarap at sakit, pagmamalasakit, pagdurusa.
Walang pagsisisi kahit konti.
Patapos na ang mga naiisip nya.
Paubos na rin ang sasabihin nya.
Hindi parin nya alam, kung pano pupunan
ang espasyong naiwan,
mula ng sya ay lumisan

Martes, Agosto 19, 2014
True love waits
"Teka male-leyt ako ng konti". Wala kasing bumagay na sapatos sa damit ko. Saka hindi kasi ako makapili ng isusuot ko. Alam mo naman gusto kong laging mukhang maganda para sayo.
"Oks lang, maaga pa naman" mukha lang akong naiinip pero hindi talaga. Sa totoo nyan nag eenjoy ako habang naghihintay. Naglalaro ako sa isip ko, hinuhulaan ko kung anong suot mo. Pagkatapos nun lalo akong masasabik na makita ka kaya iteteks kita na bilisan mo. Para malaman ko na din kung tama yung nasa isip ko.
Saka alam naman natin parehas na kahit gaano katagal, makakapag antay ka/ako, true love waits di ba? :)

waiting
Andito na ko. wala ba talagang araw na mauuna kang dumating kesa sakin? Para ka namang di sabik makita ako. Minsan nakakatampo na. Kapag lalabas kayo ng mga kaibigan mo ang aga mo, pero pag date natin ang tagal mo.
Sabagay, ganun naman lagi. Lagi mo akong pinaghihintay. Sa klase bago umuwi, inaantay kita kasi chichika ka pa sa mga friends mo. Tapos sa mall pagtapos nating magsine, sasamahan kitang mamili ng sapatos o damit mo.
Sa bahay pag uwi mo dami mo pang inuuna, mag pe-peysbuk ka muna bago mo ko iteks.
Alam mo namang mainipin ako. Katulad ngayon, sabi mo magpapatuyo ka lng ng buhok pero antagal mo. Halos alas otso na.
Pero alam mo, kahit gano ko katagal maghintay ok lang, kapag dumating ka na kasi okay na ulit lahat. Hindi ko na maaalala kung gaano ako katagal naghintay. Mainipin ako, totoo yun. Maiinip ako sa lahat, pero hindi sa paghihintay sayo.

Wait
Teka nagpapatuyo pa ko ng buhok. Excited din naman akong makita ka. Sa katunayan nga kanina pa alas sais ng umaga gising kahit halos alos dos na tayo ng madaling araw nakatulog.
Ang hirap kasi pumili ng isusuot. Dapat terno. Dapat bagay sa pupuntahan. Parang tayo di ba? Bagay din. Hehe.
Ang hirap pala ng ganito, yung may nag-aantay sayo, nakaka pressure. Mainipin ka pamandin. Chess player ka kasi, mahalaga ang bawat minuto sayo. Ayaw mong may nasasayang na oras kahit konti.
Pero anong magagawa ko? 7:30 pa usapan eh 6:45 pa lang anjan ka na? Antay ka lang muna jan. Mamaya konti nanjan na ko. Ipopost ko lang muna to.

Lunes, Agosto 18, 2014
Huwebes, Agosto 14, 2014
Nakuha sa tingin
Parang kantang Alumni home coming ng Parokya ni Edgar. Hindi ko alam kung pano, basta biglang nagsama tayo. Mula noon ay napaibig mo ako.
Hindi ko sigurado kung saan at pano tayo nagsimula. Kung nung sa may cubao ba na aksidente tayong nagkatabi sa upuan o nung sa jeep palang na sinadya kong habulin ka. Hindi ko rin matandaan kung sino ang unang nagsalita sa ating dalawa nun. Basta pagtingin ko sa bandang kanan, sa may bandang bintana. Nandun ka. Ang lapit lang. Parang naka-zoom in yung camera. Tapos naka focus sa ngiti mo. Naka grayscale yung background. Litaw na litaw yung maputi mong kutis. Mabagal lahat ng pangyayari. Naka negative yung frameskip. Tapos prumeno yung bus.
Nagising ako sa panaginip kong scene. Pagtingin ko andun ka parin. Nagkausap tayo. Nagkakilala. Napadalas ang mga aksidenteng pagtatabi sa bus at pagsasama. Nalaman mong ang lakas ng dating mo sakin, nalaman kong takot ka sakin. Natawa tayo sa sarili natin nung parehas nating inamin na tinitignan natin ang isa't isa, na may pagtingin tayo sa isa't isa.
Ngayong nagkaalaman na tayo, hindi ko na papalagpasin to. Mukhang alam mo naman yun. Nasabi ko kasi minsan sa aking kwento na ako yung taong hindi nakukuntento. Alam mo sigurong ayoko na ng hanggang tingin, kaya ka yumakap sa akin. (at nagsabing, ang galing mo, nakuha mo ako sa tingin :D)
Nakaw Tingin
Bagong estudyante ako nun sa Pamantasan kung san tayo nagkakilala. Hindi naman tayo malapit nun, hindi rin nag-uusap. Ang totoo nga nun, naweweirdohan ako sayo. Hindi pala, natatakot ako sayo. Hindi ka naman pangit, ang weird lang na nakatitig ka lang sakin. Kaya nga madalas akong lumabas nun sa classroom natin.
Tapos kapag hindi ka na nakatingin sakin, ako naman ang titingin sayo. Hindi ka pangit, pero hindi ka rin naman gwapo. Nakukuha mo lang yung atensyon ko. Una sa mga nakakatawang mga banat at biro mo, pangalawa nga dahil lagi kang nakatingin sakin. Minsan nga gusto ko ng isipin na baka may pagtingin ka sakin eh. Kasi ako, may pagtingin ako sayo. Kaya nga tuwang-tuwa ako kapag nahuhuli kitang nakatingin sakin eh, o ikaw ang nakakahuli na nakatingin ako sayo?
Ewan ko pero, kapag ganun natutuwa ako. Nasasabi ko sa sarili ko na, minsan eh nagkaroon tayo ng pagtitinginan sa isa't isa.
Ligaw Tingin
Hindi mo alam, pero lagi kitang tinitignan. Kapag nasa room ka, sa labas, basta kapag natatanaw kita tinitignan kita. Hindi mo ko stalker. Hindi naman kasi ako pangit. Ang lakas lang ng dating mo sakin. Yung mahabang kulot na buhok mo bagay sa hugis ng mukha mo. Sakto lang naman yung bilugang mata mo. Yung kutis, ang kinis. Parang hindi ka bagay dito, sa Pamantasan kung saan kita unang nakita.
Ako yung taong hindi nakukuntento sa kung anong meron ako. Pero nung mga araw na yun, makita lang kita solb na ang araw ko. Bonus na kung makikita kong nakatingin ka rin sa akin, na madalas namang nangyayari. Naiilang ka siguro dahil lagi kitang tinitignan, o tinitignan mo din ako? Hindi ko alam at hindi ko yun malalaman. Ayoko namang itanong. Okay na ko sa ganito. Hanggang tingin.
Sabado, Agosto 9, 2014
untitled
Sana yung pagpasok ng mga ala-ala mo ay parang pag pasok din sa trabaho. 8:00 - 3:30 lang. Pagkatapos nun pwede na kong mag pahinga. Pero hindi. Walang pinipiling oras. Parang pag buhos ng ulan na dulot ng magulong climate change. Biglang bubuhos, malakas maya-maya wala na. Mag iiwan lang ng bakas. Basang dahon sa puno, basang bubong, basang kalsada at basang mga mata.
Sabado, Agosto 2, 2014
Alaala ng hapong masaya
Ganitong oras lagi kung dalawin ako ng mga ala-ala nya. Alas tres. Patay daw yung diyos sa ganitong oras kaya siguro walang bisa yung dasal ko sa bathala ng kalungkutan na wag akong dalawin ng mga ala-ala nya tuwing wala akong ginagawa. Pero dahil nandito nanaman sya, wala nanaman akong magagawa kundi ngumiti at matuwa sa mga ala-alang na aalala ko tungkol sakanya.
Nung nasa kolehiyo pa kami, sa ganitong oras kami magkasama. Masaya. Oo, lagi pa kaming masaya nun. Bababa kami mula sa ika-anim na palapag at sabay na kakain. Pagkatapos nun ay sasamahan nya ako sa paborito kong lugar sa aming sintang paaralan. Sa gilid ng Ilog Pasig.
Madalas akong tambay doon bago maging kami. Doon ako nagpapalipas ng oras sa tuwing nag-aaway kami ng nauna kong kasintahan. Sa lugar na ito din ako nakatagpo ng bagong kaibigan, kainuman at kalandian. Pare-parehas kami ng trip ng mga tambay sa may ilog. Mabisyo, makulet at malandi.
Ayaw ko syang dalhin sa tambayan ko sa may ilog dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka husgahan nya ako. Kasi nga di ba may kasabihan na 'tell me whou your friends are ang i tell you who you are' kaya ayoko.
Pero simula nung naging kami, pag sapit ng alas tres, kasama ko sya sa may ilog. Sa ilog kung saan nabuo ko yung munti kong paraisong puno ng usok, alak, kalokohan at kulitan. Niyakap nya ang munting mundo ko na ikinatuwa ko ng husto.
Kaya kahit ngayong nakapagtapos na kaming parehas, at nagkahiwalay na rin gusto kong balikan yung tambayan namin sa ilog. Pero hindi na pwede. Kaya nagkakasya na ako sa ganito. Yung dumadalaw-dalaw sya sa isip ko tuwing alas tres. Bumabalik yung ala-ala ko, namin, sa may ilog. YUng mga panahong nagyoyosi ako, tapos hawak nya yung kaliwang kamay ko.
Naramdaman ko na tinanggap nya ako ng buong-buo
Biyernes, Agosto 1, 2014
Tinira sa pwet, di makatayo
"Tinira sa pwet hindi makatayo."
"Kawawang Zest-o"
Ang lakas ng tawa ko sa joke na to. Lalo pa't galing sayo. Ikaw na parang napaka inosente. Yung tipong hindi pa nakakahawak ng bayag. Tapos eto nagjojoke ka ng tinira sa pwet. Napaka out of this world pa nung sinabi mo yun. Nag-uusap tayo nun tungkol sa mga pangarap at pag-ibig natin nung bigla mo tong binanat. Mula nun nahilig na ko sa Zest-o
Zest-o sa umaga. Pagkatapos mag yosi, habang nasa klase, lagi akong may baon na Zest-o. 'Tinitira ko din sa pwet' yung kawawang Zest-o. Naalala ko kasi yung sinabi mo. Tapos natutuwa na ko.
Pero nagbago lahat ng yun nung nagbreak na tayo. Bumibili parin ako ng Zest-o pero hindi ko na 'tinitira sa pwet.' Naaalala nga kasi kita dun. Ayoko na ng ala-ala lalo kung tungkol sayo. Pero hindi ko naman mapigilang bumili ng Zest-o. Ang sarap kasi, parang yung mga halik mo, yung yakap. Masarap--nakakaadik.
Nung iniwan mo ako, pakiramdam ko ako yung kawawang Zest-o. Hindi makatayo. Said ang laman. Kahit lagyan ng hangin ay hindi makakatayo, kasi nga tinira sa pwet. Sa kaso ko naman hindi mahabang straw ang nakabaon sakin, kundi yung mga ala-ala ng matagal at nating pagsasama.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)