Linggo, Agosto 24, 2014

Sulat para sayo.

Matagal na din kitang hindi nasulatan. Kamusta ka? Wala na rin akong oras para kausapin ka. Pagod ka sa trabaho ako naman galing sa inuman o kaya sa starbucks.

Matagal na din tayong hindi nag usap tungkol sa pangarap. Hays. Nakakamiss na yung mga ganun, yung kakain tayo ng sabay at magkukwentuhan. Ngayon kasi parang ayokong makausap ka. Hindi naman ako galit. Nahihiya lang. 

Bukod sa hindi ako gwapo, hindi pa ko katalinuhan. Basta madami akong personal issues na kinahihiya ko. 

Buti na lang understanding ka. Kahit sinong kasama ko, ok lang sayo at hindi ka nagagalit. Nagagalit ka pag umuuwi akong lasing o kaya pag ginagabi pero naiintindihan ko. Mali ko naman talaga yun.

Salamat sa pag intindi ha? Hindi ko maipapangako na may magbabago sakin, ang alam ko lang eh kahit ganito ako mahal kita.

At yun ang hindi magbabago.

O tama na medyo corny na eh. Hindi kasi ako sanay sumulat sayo ng ganito..

sa uulitin, mahal kita.. ma. Happy birthday

2 komento:

  1. Whoa! Hello. Masarap magsulat. Lalo na kung ang sulat ay galing sa puso. Keep those words flowing and that love burning :D :D Salamat sa pagdalaw sa aking munting pahina.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat din ho. Ipagpapatuloy ko po xD Natutuwa po ako ng sobra kapag may napapadaan at nag iiwan ng komento. Salamat po ulit

      Burahin