Gino-google ko ang 'kalungkutan'. Nakita ko ang larawan ni Vernice. Nakatingin sya sa malawak na bukirin sa isang lugar sa Bulacan. Inisip ko na hindi nya maipaliwanag kung ano ang nakita nya dun. Wala kasing caption, di gaya ng iba nyang litratong nagsasabi kung masaya ba sya o malungkot o kung maganda ba ang lugar o hindi.
Sa loob ng bus sa Edsa, may isang babaeng naglalambing sa kasama nya,'kwentuhan mo naman ako' Ngumiti ang lalaki. 'Matulog ka na' hinalikan nya sa noo ang babae at isinandal sa kanyang balikat. Lahat ng kwento ay may katapusan. Tignan mo yung mga ibong nakadapo sa linya ng kuryente. Kung panong napaka kampante nila pero umaalis agad kapag umihip ang hangin. Maririnig mo ang pagaspas ng kanilang pakpak, sa ilang saglit wala na. Kahit sila, alam nila kung kailan dapat umalis. Pwede silang magpaalam, ipaliwanag kung bakit sila umalis, pero kung nagka ganun, wala sanang entry tong blog ko ngayon.
Tignan mo yung peklat sa kanan kong braso, Alam ko ang mapait na katotohanan. Alam na alam ko ito gaya ng kanta ng chicosci at secondhand serenade na kinakanta ko tuwing ako'y nag-iisa. Alam ko ito gaya ng hindi mo pagbalik sa akin. Na ang lahat ng kwento ay may katapusan.
Huwebes, Pebrero 26, 2015
Martes, Pebrero 24, 2015
3:26
Sa totoo lang, madami pa akong kwento sayo. Madami akong gustong sabihin sayo. Apat na taon din tayong hindi nagkita. Kulang ang apat na sabado ng bawat buwan na pagkikita natin para sa mga kwento ko. Gusto kong ikwento sayo kung pano kita nagustuhan nung minsang nagkasama tayo sa Tarlac. Kung pano ako kinilig nung malaman kong gusto mo din ako. Gusto kong ikwento sayo yung sayang nararamdaman ko kapag nagpapalitan tayo ng mga sweet na mensahe. Ikukwento ko rin sayo kung bakit ako nanlamig at basta ka na lang iniwan. Nagkaroon ako ng iba, may napusuan ka din naman di ba? Kaso iniwan ka din.
Nung apat na taong nawala ako hindi talaga kita naisip. Naalala lang kita nung thesis ko na. Nasa UP yung mga librong kailangan ko at ikaw lang ang kakilala kong andun. Ganun naman talaga di ba? Kapag may kailangan lang nakakakaalala? Masisisi mo ba ko dun?
Natapos yung unang relasyon, sinundan nung isa pa. Halos isang taon ko din yung pinagluksa. Tapos bigla tayong nagkita. Sa totoo lang nag-aalangan akong lapitan ka. Inaway ka kasi nung nauna kong girlfriend kasi akala nya babalikan kita kaya ako nakipagbreak sakanya. Nakwento ko kasi dati na may usapan tayo nung bata pa lang tayo. Na kapag 18 ka na magiging tayo. Hindi ko naman nakalimutan yun. Sa totoo lang hinintay ko yun ng matagal. Nainip lang ako.
Nagkita tayo sa tournament. Nagulat ka kasi andun ako. Akala mo hindi na ko naglalaro. Mas nagulat ka nung nanalo ako. Ako din nagulat. Nung nakita kasi kita wala na kong paki sa laro. Binibilisan ko yung laro ko para mapanood kita. Gustong-gusto kong pinapanood kang maglaro. Walang imik. Di mapalagay yung kamay. Minsan ipapanghawi sa unat mong buhok o kaya naman ay ipapantakip sa bibig. Gusto ko kitang pinapanood, pakiramdam ko nababasa ko yung isip mo kapag parehas sa itinira mo yung nasa isip ko.
Pagkatapos nun akala ko hindi na tayo magkikita. Ayoko rin naman na ako ang unang lalapit sayo. Hindi ko kaya. Nahihiya ako. Iniwan kita dati tapos inaway ka pa ng ex ko. Alam mo siguro yun kaya ikaw na ang nagchat sakin pagkauwi. "kamusta yung inaalagahan mong ahas"? Nabalitaan mo na pala yun. Na sinulot ng kaibigan ko yung sumunod na girlfriend ko. Natawa na lang ako. Sa unang pagkakataon. Natawanan ko yung tang inang pangyayaring yun.
Ang daming nangyari sa apat na taon. Graduating ka na ngayon. Ako naman nagtatrabaho na. Busy ka ulit. Tapos ako naghihintay kung kelan ka may bakanteng oras. Pero hindi katulad nung dati. Dati gusto kita, gusto mo ko. Ngayon ako na lang ata ang may gusto. Madaming nagbago doon sa apat na taong dumaan. Ngayon alam ko na. Sigurado na ko. Kaya ko ng maghintay.
Biyernes, Pebrero 20, 2015
Romantic moments
Buwan ng pag-ibig ngayon, Anong balak?
Tara inom, sabi ko. 'De ayoko nun, let's do something romantic' sabi nya.
okay, let't drink with candle light. At ayun nga ang nangyari.
Lunes, Pebrero 16, 2015
That thing called kilig
Matagal na kong hindi nakakaramdam ng ganito. Pero kagabi naramdaman ko ulit. Sa sinehan, habang naglalakad papuntang Bookstore, sa byahe, habang humihithit ng sigarilyo pauwi naramdaman ko ulit to. Nagpa-flashback lahat ng nangyari. Paisa-isa. Napapailing na lang ako. Hindi ko kasi alam kung bakit nakangiti ako. Dalawang magkasunod na hithit. Natatawa parin ako. Halos maubo ako. Naalala kong pumila kami sa pa-xeroxan samantalang magbabayad dapat kami sa cashier. Naalala ko yung ibang eksena sa pelikula. Parang gusto ko biglang kumain sa Shabu Shabu. Parang gusto ko biglang umakyat ng Baguio. Magpunta ng Sagada. Umakyat ng bundok at doon sa tuktok isisigaw kong mahal ko sya. Isa pang hithit. Napailing na lang ako. Nakangiti parin kasi ako. Natatawa ako. Huli ko kasing naramdaman yung ganito kaninang umaga pagkatapos kong umihi sa banyo.
DI kami binigo ng Tadhana yiee
Feb 15.
Sa wakas. Natuloy din kami! Nabalik na sakin yung laptop ko pero hindi ko kaagad naisulat kung gaano ako kasaya sa araw na to. Hindi pa kasi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Yung napapangiti na lang bigla kasi naaalala ko yung mga ginawa namin.
Sa totoo lang hindi ko inaasahang matutuloy kami. UAAP nun. Tapos umaga pa lang tineks na nya ko na may sya pagkatapos ng laro. At di hamak naman na mas mahalaga yun kesa sa pagsama saking manood ng that thing called tadhana. Tapos umulan pa nun. Bwiset kako.
Pumunta parin akong SM North. Nagbabakasakaling may himalang dumating, baka mapadaan sya dun at matuloy kami. At ayun nga. Nanalo sila sa game tapos tinext nya ko. Nung nalaman nyang nasa SM North ako, sabi nya tumuloy na daw kami. Ayaw nya siguro akong nag-iisa? Ewan ko.
Nanood nga kami. Maganda yung kwento, pero wala paring sinabi sa one more chance. Naikwento na kasi sakin yung ibang part dun kaya hindi ko rin gaanong natuwa. Mas natutuwa pa ko kapag di sinasadjang nagkakasagian kami ng kamay pagkumukuha ng pop corn o kaya naman pag tinatapik tapik nya ko sa likod kapag naramdaman nyang tagos yung linya sakin.
Pagkatapos nun pumunta kaming National Bookstore. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dun na may kasama. Yung kasama ko kasi dating bumili ng notebook, ballpen at libro eh iniwan na ko. Anyways, natutuwa lang ako na may iba na akong maaalala kapag napadpad ako sa National Bookstore.
Habang naglalakad sa UP pinaplano na namin yung sunod naming lakad. Tagaytay! Sa August pa yun pero putcha excited na ko. Kung pwede lang August na kagad bukas. Kaso hindi. Hindi na ko takot magplano ngayon. Hindi na rin ako takot mag-aya. Hindi na ko takot matanggihan. Handa na yata ulit akong masaktan? Ewan ko kung magandang bagay ba to o hindi. Hayaan na lang. Ang mahalaga natutuwa ka sa nangyayari.

Sabado, Pebrero 14, 2015
Binigo ng Tadhana
Feb 14.
Araw ng mga puso. Nakita mo yung post ko na nag-aaya ako ng single at handang makinig ng drama ng buhay ko. Libre ko na ang ticket sa that thing called tadhana may kasama pang pop corn.
Sabi mo bakit hindi kita ayain. Inaya kita. Nagplano tayo. Sabi mo pagkatapos ng laro nyo sa UAAP. Sige sabi ko. Natapos ka mag-aalas singko. Nanalo ang team nyo. Natuwa ako. Pagpunta natin sa SM North, sold out ang ticket.
Binigo tayo ng that thing called tadhana.

Arghhh
Feb 13
Wala na tayong pambili ng ticket. Balak sana nating magkwentuhan na lang sa gilid ng Sunken Garden. Tignan ang mga bituin (kung meron man) at ienjoy ang mga oras na tayo'y magkasama. Kaso may quiz ka bukas.
Tapos ang UP Fair.

Maalat ang ikalawang araw ng UP Fair.
Feb 12.
Bumili ka ng ticket para satin. Umulan ng malakas habang nagtatalon ang crowd sa kanta ng Sandwich.
Tapos ang UP fair.
Huwebes, Pebrero 12, 2015
Ayon sa sabi-sabi at mga kwento sa bahay nila toby.
Hello. Alam na nating lahat na ang pag-ibig ay hindi hinihintay o hinahanap. Ang pag-ibig ay nilalasing! Kaya kailangang seryosohan natin ang art ng panlalasing. Hindi na uso ang betchin at upos. Delikado yun. Kahihiyan mo ba bilang tanggero/manginginom kung mahuli kang gumagawa ng ganun. And here are a few points para makalasing ng pag-ibig ng hindi nadudungisan ang dangal mo.
Siyempre unang bagay. WAG KANG MALALASING. Hindi ka magtatagumpay sa balak mo kung mauuna ka pang malalasing sa lalasingin mo. Hindi ka magugustuhan nun kung umiiyak iyak ka na sa gilid o tumatawag ka na ng uwak o kaya naman ay natutulog ka na sa kalsada. Kaya dapat mataas ang tolerance mo at magilang kang dumiskarte.
Pick the Right Place. Tama. Nasa pwestuhan ang sikreto. Kung ang prospect mo ay katapat mo, it's a big NO NO. Siguraduhin mong katabi mo sya. Para maramdaman nya ang presence mo AT magtagumpay ang plano mo. (babalik tayo sa pwestuhan mamaya)
Mooding. Eto ang pinaka mabisang paraan para makapanlasing. Siguraduhin mong kada sha-shat ka lagi mong sasabihin na 'Oi shat ko na ah' tapos ipapakita mong ininom mo. Kahit may bumabangka ng kwento dapat maisingit mo lagi yung linya mo 'Oi shat ko na' tapos ipapakita mo. Sa ganun, maiinstill sa isip na nila na kapag sinabi mo yung magic word mo na 'oi shat ko na ah' eh iniinom mo. Kapag matagal na kayong umiinom hindi na nila mapapansin na tinatapon mo na lang o ipinapasa sa prospect mo. (kaya mahalagang katabi mo yung prospect mo) 70% Success Rate
Sing then pass. Pick the Right song. Kapag may videoke tataas ng 100% ang tyansang makalasing ka. Makakapahinga ka na sa shat at tutok pa sila sa kinakanta nila o kaya naman ay sa song book. Reminders. Wag kang pumili ng kantang mahaba ang instrumental. Dahil kapag mahaba ang instrumental hahanapin nila yung tagay. Pag nakitang nasayo parin ipapashat sayo yun. Wala kang takas. Kapag nasa interlude ipasa ang tagay sa katabi. 50% chance ang success rate neto depende sa kanta, at ginagawa ng mga kasama mo. Pero wala pa akong palya dito kaya alam kong kaya nyo rin to.
Balik tayo sa placing. Siguraduhin mong ang katabi mo ay ang prospect mo. Take note: Dapat alam mo kung pakanan ang o pakaliwa ang ikot ng tagay. Siguraduhin mo na ikaw muna ang sha-shat bago ang prospect mo. Para kapag epektibo na mooding, paniguradong mas nakainom na sayo ang prospect mo. REMINDER: Siguraduhin mong yung mga mas malalakas sayong uminom eh mauunang shumat kesa sayo. Halatado kasi kapag nauna kang shumat sakanila. Magtataka sila sa bilis ng ikot ng tagay. 90% Success rate
Set Your Own Pace. Proven na to. May mga matataas ang tolerance sa alak pero nalalasing parin kasi nabibigla o nababagalan sa ikot. Ikaw bilang tanggero dapat alam mo kung nasaan ka, kung sanay ka sa mabagal o sanay sa inumang marino. Dapat alam mo din ang kahinaan ng prospect mo. Kung batikan ka na katulad ng kaibigan kong si Jay, na kayang uminom ng hindi malamig na red horse, chume-chaser ng laway sa empi,, pwede mo ng laruin ang bilis o bagal ng tagay. Double-edge technique to. Tanging mga beterano lang ang may kaya neto. 100% Success Rate, 50% Risk
At kapag lasing na ang prospect! Aba pwede ng ikama! De joke lang. Ikaw na ang bahala kung pano ang gagawin mo sakanya. Basta ayon sa teorya madaling hulihin ang manok na lasing at napakasarap ng hipong lasing <3
Happy Drinking

Feb 11, UP fair. (late post wala kasi yung laptop ko)
2:45 waiting shed sa Abelardo
Kagabi pinilit mong pumasok pero wala kang gana. Pumunta ka na lang ng UP fair para sana maenjoy ang gabi. Nakisama sa mga hindi mo naman gaanong kakilala. Nakitalon, nakisayaw, nakikanta sa kantang hindi mo naman alam.
Kagabi pinilit mong makita sya. Tinext, tinawagan, pinuntahan mo pa. Hindi kayo nagkita. Nasa Phan ka sa tapat ng ferris wheel. Nasa Phan din sya sa tapat ng ferris wheel pero sa dami ng tao hindi kayo nagkita. Sinabutahe kayo ng signal ng cellphone at ng tadhana.
Kagabi pinilit mong pumasok pero hindi mo nagawa. Ayaw mo ng sumagot ng tawag mula sa mga kano kasi may hinihintay kang tawag. Pinilit mong magsaya, tumalon, kumanta sa saliw ng kantang hindi mo naman alam. Ang ending hindi ka natuwa. Wala kang paki kung nakita mo si Ely Buendia, wala ka ring paki nung tumugtog ang Urbandub at Franco. Wala naman kasi yung gusto mong makasama.
Hindi talaga maganda kapag pilit. Bukas naisip mong bumalik. Tutugtog naman ulit ang kamikazee. Kasama pa ang Tanya Markova. Nandoon din yung idol nyang Silent Sanctuary. Mas mag-eenjoy ka bukas sabi mo. Kasi bukas maaga pa lang magkikita na kayo. Para hindi na kayo mapeste ng signal ng cellphnone at nung tadhanang sinasabi mo.
Sana lang matuloy.

Linggo, Pebrero 8, 2015
Pag may alak, may balak
Ang pag-ibig hindi hinahanap,
hindi hinihintay,
hindi rin kusang dumarating
Nilalasing!
Sabado, Pebrero 7, 2015
Lunes, Pebrero 2, 2015
What to do?
Napaka lamig ng gabi ngayon para sayo. May kung anong gumugulo sa isipan mo pero hindi mo malaman kung ano yun. Siguro ay naiinggit ka sa mga batang naglalaro sa harap mo kasama ang kanilang pamilya. Kelan mo nga ba huling nakausap ang mga kasama mo sa bahay?
Madilim ang gabi. Kulay itim ang langit. Malabo ang mata mo, pero kitang kita mo ang kalungkutan. Naisip mo na sana parang usok ng sigarilyo lang ang kalungkutan. Saglit na papasok sa katawan mo at mailalabas mo lang agad ng isang hingahan. Makikita mo saglit habang tinatangay ng hangin tapos mawawala din agad. Humithit ka pa ng dalawa bago mo itinapon ang yosing hindi mo pa nauubos. Naisip mo ulit na parang usok nga ng sigarilyo ang kalungkutan. Kahit hindi mo na nakikita ay nandun parin. Nakakapit sa suot mong damit, sa kamay at pati sa hininga mo. Pumapasok sa katawan, nanunuot at pwede mong ikamatay.
Nangalay ka na sa kakaupo kaya nagpasya kang maglakad-lakad. Hindi mo alam ang pangalan ng kalye at kakaunti lang ang ilaw sa daan. Hindi mo rin alam kung saan ka pupunta. Naisip mo ang buhay mo. Saan ka nga ba papunta?
Malaki ang sahod mo kumpara sa iba. May lisensya ka na ring hindi umuwi sa inyo pag ginagabi dahil pang gabi naman talaga ang pasok mo. Madami kang nakilalang tao at mga nalamang kwento. Kung tutuusin okay ka naman. Ang kaso malayo ang pagiging 'okay' sa pagiging masaya. Netong mga nakaraang araw pakiramdam mo ang lungkot lungkot mo. Okay ka sa trabaho, okay ka sa oras, okay ka sa mga kasama mo pero hindi ka masaya. Gusto mong tumigil na pero ayaw mo na ulit maging tambay ng matagal.
Tinitimbang mo ngayon ang mga bagay-bagay. Kung okay ka ng maging okay o kung gusto mong sumaya. Mas masaya ka kung gigising ka ng umaga katulad ng normal na tao. Babyahe sa kahabaan ng Edsa at maiipit sa trapik. Makikipagsiksikan sa mga tao sa bus. Pero okay lang din naman sayo na pumasok ka kung kelan pauwi na ang lahat, mag yosi ng madaling araw. Mas makapal ang usok kapag madaling araw. Sumagot ng problema ng iba gamit ang script na binigay sayo. Kung may eksaktong bigat lang yung mga tinitimbang mo ngayon malamang hindi ka na mahihirapan. Kaso wala.
Kaya inisa-isa mo na lang ang mga bagay na nasa isip mo ngayon. Nagsimula ka sa malaking sahod. Madami ka kamong magagawa sa malaking sahod. Makakabili ka ng chess clock, bagong cellphone, libro at makakapagtravel ka. Hindi mo rin problema ang pang-inom at pang gala. Makakapunta ka ng UP ng umaga. Doon makakapaglakad-lakad ka, muni-muni at maeenjoy mo yung katahimikan at yung ganda ng view gawa ng mga punong hindi mo sigurado ang pangalan. Madadalaw mo din si Roxanne ng walang kahirap-hirap. Hindi ka nya tatanungin kung anong ginagawa mo dun. Nag-isip ka pa ng dahilan kung bakit hindi ka aalis sa trabaho pero wala ka ng maisip. Sinabi mo na lang sa sarili mo na baka doon mo makita ang soul mate mo. Baka isa sya dun sa community sa smoking area o isa sa mga kainglesan mo kapag madaling araw.
Sa kabilang banda naisip mo din na makakabili ka ng chess clock, cellphone, libro at makakapag travel ka din kahit di kalakihan ang sweldo mo. Yun nga lang baka hindi ka na makapunta ng UP. Hindi mo na din makikita si Roxanne. Pero babalik yung buhay mo sa umaga. Magkakaroon ka na ulit ng oras para makipagkwentuhan sa mga kapatid mo at hindi ka na magagalit kapag maingay sila sa umaga.
Ang hirap pala ng ganito. Yung hindi mo alam kung ano ang gusto mo. Marami kang gustong gawin. Marami kang gustong mangyari. Pero lahat ay malilimitan lang sa dalawang posibilidad :

1. Makukuha mo ang gusto mo, magiging masaya ka o malalaman mong hindi naman pala talaga ito ang gusto mo, kaya uusad ka papunta sa iba pang mga plano mo.
2. Hindi mo makukuha ang gusto mo, at sa puntong ito'y mahinahon kang babangon, papagpagin ang sarili, nakangiting lalayo mula sa direksiyong unang pinuntahan. Lilingon saglit, ngingiti, kakaway at didiretso na sa mga susunod na destinasyon.
Sa dalawang posibilidad isa lang ang malinaw. Kelangang humakbang para umusad.
Mahaba pa ang gabi at mo na alam ang gagawin mo. Papasok ka ba o hindi? Pagod ka ng mag-isip. Pagod ka ng maglakad. Gusto mong makita si Roxanne kaso hindi nya sinasagot ang tawag mo kasi busy sya. Pano ka na ngayon nyan? Maiksi ang marlboro lights para sa mahabang magdamag. Konte ang half-pack para sa anim na oras mo pang pagtanga kung sakaling hindi ka papasok. Napakahaba naman ng gabi kung papasok ka at gagawa ka ng bagay na ayaw mo namang gawin. May kalayuan ang expo sa uuwian mo at kulang ang pera mo para sa beer. Bitin ang natitirang limang minutong naiwan sa Combo20 mo kung sakaling may gusto kang pagkwentuhan. Kung ako sayo uuwi na lang ako. Tatakas sa problema. Matutulog. Tapos bukas aasa, na sana sa pag-sikat ng araw may bagong umaga na sa buhay mo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)