Lunes, Pebrero 16, 2015

That thing called kilig

Matagal na kong hindi nakakaramdam ng ganito. Pero kagabi naramdaman ko ulit. Sa sinehan, habang naglalakad papuntang Bookstore, sa byahe, habang humihithit ng sigarilyo pauwi naramdaman ko ulit to. Nagpa-flashback lahat ng nangyari. Paisa-isa. Napapailing na lang ako. Hindi ko kasi alam kung bakit nakangiti ako. Dalawang magkasunod na hithit. Natatawa parin ako. Halos maubo ako. Naalala kong pumila kami sa pa-xeroxan samantalang magbabayad dapat kami sa cashier.  Naalala ko yung ibang eksena sa pelikula. Parang gusto ko biglang kumain sa Shabu Shabu. Parang gusto ko biglang umakyat ng Baguio. Magpunta ng Sagada. Umakyat ng bundok at doon sa tuktok isisigaw kong mahal ko sya. Isa pang hithit. Napailing na lang ako. Nakangiti parin kasi ako. Natatawa ako. Huli ko kasing naramdaman yung ganito kaninang umaga pagkatapos kong umihi sa banyo.

1 komento:

  1. oh diba.. may tadhana.. Natuloy din sa wakas... Abot yung kilig vibes hanggang dito sa bahay ko! lol

    TumugonBurahin