Huwebes, Pebrero 12, 2015

Feb 11, UP fair. (late post wala kasi yung laptop ko)

2:45 waiting shed sa Abelardo

Kagabi pinilit mong pumasok pero wala kang gana. Pumunta ka na lang ng UP fair para sana maenjoy ang gabi. Nakisama sa mga hindi mo naman gaanong kakilala. Nakitalon, nakisayaw, nakikanta sa kantang hindi mo naman alam.

Kagabi pinilit mong makita sya. Tinext, tinawagan, pinuntahan mo pa. Hindi kayo nagkita. Nasa Phan ka sa tapat ng ferris wheel. Nasa Phan din sya sa tapat ng ferris wheel pero sa dami ng tao hindi kayo nagkita. Sinabutahe kayo ng signal ng cellphone at ng tadhana.

Kagabi pinilit mong pumasok pero hindi mo nagawa. Ayaw mo ng sumagot ng tawag mula sa mga kano kasi may hinihintay kang tawag. Pinilit mong magsaya, tumalon, kumanta sa saliw ng kantang hindi mo naman alam. Ang ending hindi ka natuwa. Wala kang paki kung nakita mo si Ely Buendia, wala ka ring paki nung tumugtog ang Urbandub at Franco. Wala naman kasi yung gusto mong makasama.

Hindi talaga maganda kapag pilit. Bukas naisip mong bumalik. Tutugtog naman ulit ang kamikazee. Kasama pa ang Tanya Markova. Nandoon din yung idol nyang Silent Sanctuary. Mas mag-eenjoy ka bukas sabi mo. Kasi bukas maaga pa lang magkikita na kayo. Para hindi na kayo mapeste ng signal ng cellphnone at nung tadhanang sinasabi mo.

Sana lang matuloy.








3 komento:

  1. Yaan mo, matutuloy din na magkasama kayo.. Aayon din sainyo ang mga bituin. Sayang hindi rin tayo nagkita :P Hehehe...
    Dumaan lang ako ng UP Fair, as in daan lang. Saklap.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haaay. Hindi na kami natuloy </3 saklaap

      Burahin
    2. haaay. Hindi na kami natuloy </3 saklaap

      Burahin