Huwebes, Pebrero 26, 2015

Lahat ng kwento may katapusan.

Gino-google ko ang 'kalungkutan'. Nakita ko ang larawan ni Vernice. Nakatingin sya sa malawak na bukirin sa isang lugar sa Bulacan. Inisip ko na hindi nya maipaliwanag kung ano ang nakita nya dun. Wala kasing caption, di gaya ng iba nyang litratong nagsasabi kung masaya ba sya o malungkot o kung maganda ba ang lugar o hindi.

Sa loob ng bus sa Edsa, may isang babaeng naglalambing sa kasama nya,'kwentuhan mo naman ako' Ngumiti ang lalaki. 'Matulog ka na' hinalikan nya sa noo ang babae at isinandal sa kanyang balikat. Lahat ng kwento ay may katapusan. Tignan mo yung mga ibong nakadapo sa linya ng kuryente. Kung panong napaka kampante nila pero umaalis agad kapag umihip ang hangin. Maririnig mo ang pagaspas ng kanilang pakpak, sa ilang saglit wala na. Kahit sila, alam nila kung kailan dapat umalis. Pwede silang magpaalam, ipaliwanag kung bakit sila umalis, pero kung nagka ganun, wala sanang entry tong blog ko ngayon.

Tignan mo yung peklat sa kanan kong braso, Alam ko ang mapait na katotohanan. Alam na alam ko ito gaya ng kanta ng chicosci at secondhand serenade na kinakanta ko tuwing ako'y nag-iisa. Alam ko ito gaya ng hindi mo pagbalik sa akin. Na ang lahat ng kwento ay may katapusan.

2 komento:

  1. Pwede ring hindi natin tapusin. Hayaan nating bukas lamang ang ating pahina. Mahirap nga lang ay mag-aabang ang madami ng kasunod o ayon nga sa'yo, ng katapusan. Hindi maganda sa pakiramdam ang maiwan sa ere. Napagdaanan ko na 'yun. Kaya, please, pakitapos ang kwento. Haha

    TumugonBurahin
  2. Thus the phrases "movin on" and "starting over again" were made. After one ending, another story will be made :) :) :)

    Minsan nga lang talaga, nakakabagot, nakakainip at nakakaubos ng hope ang paghihintay ng simula ng isang magandang kwento.

    TumugonBurahin