Huwebes, Agosto 14, 2014

Ligaw Tingin

Hindi mo alam, pero lagi kitang tinitignan. Kapag nasa room ka, sa labas, basta kapag natatanaw kita tinitignan kita. Hindi mo ko stalker. Hindi naman kasi ako pangit. Ang lakas lang ng dating mo sakin. Yung mahabang kulot na buhok mo bagay sa hugis ng mukha mo. Sakto lang naman yung bilugang mata mo. Yung kutis, ang kinis. Parang hindi ka bagay dito, sa Pamantasan kung saan kita unang nakita. 

Ako yung taong hindi nakukuntento sa kung anong meron ako. Pero nung mga araw na yun, makita lang kita solb na ang araw ko. Bonus na kung makikita kong nakatingin ka rin sa akin, na madalas namang nangyayari. Naiilang ka siguro dahil lagi kitang tinitignan, o tinitignan mo din ako? Hindi ko alam at hindi ko yun malalaman. Ayoko namang itanong. Okay na ko sa ganito. Hanggang tingin.

2 komento:

  1. Di ko alam bakit pero may nabuong eksena sa utak ko nung binabasa ko ito featuring the fes na dinescribe mo. Naaliw ako sa simpleng datingan ng mga sulatin mo, casual na may hugot, hahaha! Salamat sa pagbisita sa lungga ko ;) Sulat pa!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Opo :D Salamat nga po pala. Sa totoo lang blog nyo po yung una kong nabasa at nag inspire sakin mag sulat hahaha. Hanggang FB nga sinundan pa kita idol!

      Burahin