Miyerkules, Enero 28, 2015

Seloso


I don't get jealous, i can't be jealous, i've never been jealous, ngayon lang :(

Kilala mo ba si Magda? Tanong sa kanta ni Gloc 9. Hinanap ko sya sa sta.mesa pero hindi ko sya nakita. Sobrang nanghihinayang ako kasi hindi ko nakita yung may kulay na buhok nya at yung sayaw nyang sapatos lang ang suot. Sayaaaaaang. Pero i've seen worse.

Merong isang tagong lugar sa cubao, (PM lang para sa instructions. Sobrang panalo. Happy ending promise.) may sumasayaw dun singsing at hikaw lang ang suot! Siguro pinsan ni Magda, Joy yung pangalan. Pero hindi ko makita yung Joy sa mukha nya nung sumasayaw sya dun sa stage na may baras. Bago pa lang daw sya dun ayun sa isang construction worker. Hindi marunong ngumiti, medyo nahihiya pa, parang napipilitan lang, mahinhin gumiling, wala pang bilbil, payat pa ang pata saka halata naman talaga. 

Balik tayo kay Joy. Iba si Joy sa mga Joy na nakilala ko. Oo, meron akong joy na kaklase, katrabaho at yung ibang mga Joy na pinsan din ni Magda. Sa totoo lang madami silang magpipinsan. Sila Apple, Ashley, Anna, Anne, Rose, Mary, Mary Rose, Mary Anne, Anna Marie, yung mga common names lang. Wala kang makikilalang babaeng sopistikadang pakinggan yung pangalan sa lugar na patay sindi ang ilaw. Si Joy lang ata yung Joy talaga ang pangalan. Hindi pa nya alam yung protocol sa ganung lugar na kapag tinanong sya kung anong edad nya dapat nasa 21-26 lang, kung tinanong kung gano katagal na sya dun dapat sabihin nya 2 weeks pa lang sya, at kapag tinanong sya kung anong pangalan nya eh dapat mag-iisip sya ng alyas nya. Bawal din syempreng umiyak sa harap ng customer kahit pa gaano kabigat yung pinagdadaanan kasi ang pangunahing layunin ng trabaho nila eh magbigay ng aliw 

Eto kasing si Joy galing sa probinsya. Maswerte na daw kapag kamote ang kinakain nila sa maghapon. Minsan asin at tirang kanin lang ng kapitbahay. Kaya nung dumating tong taga maynila at naghahanap ng katulong, sumama naman sya agad. Sanay naman kasi sya sa trabaho mula sa pagwawalis hanggang sa pagdila este pag-iigib ng tubig sa ilog. Nung nakarating sa Maynila eh kala nya mansyon ang dadatnan nya yun pala ganito lang. Maliit na espasyo lang patay sindi pa yung ilaw. Masaklap pa nun wala man lang uniform kahit na panty at bra lang. Haay puta. (Joy sorry)

Hindi matigil si Joy sa kakasubo ay kakaiyak pala. Kaya sinubukan ko syang patahanin. Tinanong ko sya kung alam ba nya yung alamat ng talatutang. Eto kasing talatutang eh matatagpuan sa probinsya nila. Inisip nya ng matagal kung ano yung talatutang pero hindi nya talaga alam. So kinuwento ko yung alamat ng talatutang at naiyak nanaman sya. (Para sa full story ng alamat ng talatutang, isearch nyo sa google) Nagpatawa ulit ako, at isa pa ulit hanggang matigil sya sa kakaiyak. Nak ng puta (Joy, sorry), dapat sya ang magbayad sakin neto kasi ako ang nagbigay ng aliw. 

Nakakatuwa tong si Joy. Mahirap lang sila, madami silang magkakapatid, maliit lang yung bahay, hindi nakatapos ng pag-aaral. Naghihintay ka ng 'pero'? Walang pero. Yun si Joy. Mahirap, taga probinsya, umasang mai-aangat ang pamilya sa kahirapan kasi makakapagtrabaho sya sa siyudad na maraming opotunidad pero niloko lang sya nung nag sama sakanya, ginawa syang pokpok, parausan, puta, bayaran at kung anu-ano pang bansag sakanila ng lipunan. Kumikita lang ng 40 sa isang ladies drink na nagkakahalaga ng 173 pesos, 200 sa 1500 kapag naikama, at additional 100 kapag marunong lumunok. Kapag tinake out 600 ang kanya menos pamasahe pabalik, pangkain at pangyosi nya. Yun yung nakakatuwa dun. Plastik ka kung hindi ka natuwang nalaman yun. Alam naman nating nagiging masaya ang tao sa pagbagsak ng iba. Ibig sabihin kasi nun may mas mababa pa kesa sakanila na pwede nilang tapakan, pagtawanan o pagkumparahan ng kalagayan at masabing 'maswerte' sila kumpara dun sa taong yun.

Ako aamin ko naawa ako sakanya. Malamig ang panahon at wala syang saplot. Kung nagpuputukan ang abs ko katulad nung mga model sa TV eh baka binigay ko pa sakanya yung T-shirt ko, kaso hindi. Payat ako. Okay ng sya yung lamigin at hindi ako. At isa pa, ako naman ang nagbabayad. Naaawa ako sa kalagayan nya. Na hindi sya nakapag-aral dahil malayo ang eskwelahan sa lugar nila. Kailangan pa nyang maglakad ng tatlong kilometro, tumawid ng dalawang ilog, mag-antay dun sa malaking agila na magsasakay sakanila papunta sa kabilang bundok, maghintay ng ika-apat na eclipse at patayin ang serpenteng nagbabantay sa harap ng eskwelahan para lang makapasok at makapag-aral. Putang ina. (Joy sorry) Ganun kahirap. Kaya minabuti na lamang nyang tumulong sa bahay kesa mag-aral. Kung bakit ba naman kasi kinukurakot nung mga politiko sa lugar nila yung budget na dapat pang pagawa ng eskwelahan o kaya pampasemento ng kalsada. Tama. Kasalanan to ng politiko. Kasalanan ng gobyerno. Tama. Kapag wala tayong masisi, gobyerno na lang. Kung extreme ka, isisi sa Diyos. (oopppsss, wala palang ganun) [de joke lang] Kaya hindi ko masisisi yung tatay ni Joy kung bakit sumapi sya sa NPA at kung bakit sila tumira sa bundok. 

Ewan ko ba kung bakit ko iniisip tong problema ni Joy. Sa totoo lang wala naman talaga akong paki sakanya kahit pa sabi nung bugaw eh parang type ko daw sya. Porket ba madalas ko syang dalawin kahit wala pang sahod Type agad? Hindi ba pwedeng madami lang talaga akong extrang time? Ano naman kung malaki ako magbigay ng tip? Eh mapera ako eh. Wala na syang paki dun. Wala din dapat paki tong bugaw na to kung naglalasing ako ngayon kasi may katable syang construnction worker ngayon. 

3 komento:

  1. Naniniwala ako sa kuwento ng buhay ng katulad nila. Yung matanggap nila araw araw ang ginagawa nila sa Bar eh siguro hindi nakakahiyang ikuwento ang hirap nila sa probinsiya dahil mas marangal yon. Sa dami ng lalaki na kumukuha sa kanya, Suwerte niua kung may magmamahal sa kanila ng totoo, (at puwede naman talaga). Pero ingat ka bro, mahirap karibal sa babae ang construction worker. Saan nga pala matatagpuan yan lugar? gusto ko lang Makilala yung mga friends ni Joy..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung sakaling mangyari yung ganun napaka classic na love story nun <3

      Sa may tapat lang ng gateway to sir. Happy ending po talaga promise hahaha at totoong mahirap karibal ang mga construction workers, yung nagpuputukang abs at muscle pa lang nila talo na ko haha

      Burahin
  2. Maraming beses akong natatawa pag may nababasa akong mga paskil na parati akong pamilyar sa lugar. Tambay ako sa Cubao (Expo), at sa marami pang ibang lugar. Mangilang-ngilang bloggers din ang mga nagpapaskil na ang settings ay sa Cubao, UP, Anonas, Maginhawa, kaya ambilis maglaro sa utak ko nung istorya. Taga-dyan dyan lang kasi ako, hahaha! Ang wirdo lang minsan na mapapaikot yung paningin mo sa mga tao sa paligid mo at magtatataka ka kung isa na ba sa mga mukhang iyon ang humahabi na ng istorya sa utak nila at mababasa mo na lamang kinabukasan. Yung tipong, changgala, andun ako ah!

    Anyways highways, alam ko yang spot na yan. Yun talaga yun eh, dami ko pang pasada. Hahaha!

    Minsan na din akong muntikang magsulat ng akda tungkol sa "Pandesal na lang, kuya" sa overpass sa intersection ng EDSA-Aurora Blvd. Hindi pa ako nakakabasa, nakakarinig o nakakaalam ng masayang istorya sa likod ng prostitusyon. Isang patak siguro itong pagbabadyang ulan, kung nagkataong mayroon nga.

    Epic pala yung punchline. Cool.

    TumugonBurahin