Huwebes, Hulyo 10, 2014

(Mahal nya ko) tuwing umuulan

21. I believe in love only when it rains

-Spaces, by Arkaye Kierulf


Nasabi ko na to. May dalang kasiyahan sa akin ang ulan.

Naalala ko dati nung nasa kolehiyo ako, kasama ko sya tuwing tag-ulan. Madalas kasi akong walang payong nun kaya hindi nya ko iniiwan. Magkasukob kami sa iisang payong kahit hindi kami halos kasya. Kahit parehas kaming halos mabasa na, andun parin sya. Damang dama ko sya. Hindi katulad kapag maaraw na ayaw nyang pumunta sa kahit saan. Kahit pa may payong ayaw nyang makipagkita.

May dalang kasiyahan sa akin ang ulan. Nung bakasyon at hindi na kami magkasama, tuwing umuulan tumatawag o nagteteks sya sa akin kung may payong daw ba ako. Naaalala nya ko kapag umuulan. Masaya sa pakiramdam. Hindi katulad nung nagtapos na kami ng pag-aaral at naging busy na sa mga kanya-kanyang gawain.

Umulan kagabi. Saka nung isang araw. Hindi nya ko tineks.

Gayun pa man. Saya parin ang hatid sa akin ng ulan. Damang dama ko ang bawat patak sa aking balat. Malamig. Nanunuot sa katawan. Naalala ko yung kwento nya na naliligo sya sa ulan. Naalala ko yung panahong magkasama't magkasukob kami sa iisang payong kapag umuulan. Naalala ko yung panahon na hindi nya ko iniiwan kapag umuulan. Sya ang alaala ko sa tag-ulan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento